Asia's POV
"Uyyyy!!! Primo sige na naman oh. Hindi naman to palagi eh."
Pamimilit ko sa kanya. Magba bar raw kasi ang tropa. Saktong ako ang nanalo kanina kaya eto, walwal SANA.Kaso ang isa dito, sobrang kill joy. Ayaw akong pasamahin.
Kasalukuyan kaming nasa loob ng office ng dean. Wala sya dahil nag ikot muna sa buong university."Why Asia? Bakit gusto mong sumama sa mga yun? Party? Bar? You want to drink alcohol? I can throw you a party at our house. We can go to the bar, alone. I can buy you a liquor! Damn! I just want to have some time with you. I want to take you to our perspective house tonight. I want to have a dinner with you. Only the two of us. Mahirap bang intindihin yun?!" nanggagalaiti sya ngayon sa galit at parang gusto ko na lang na biglang mawalan ng malay sa harap nya.
Huminga ako malalim.
First time niya akong tinawag na Asia.
"Primo, kaibigan ko naman sila eh. Sa bar lang naman kami malapit sa---"
"Then choose! That bar thingy or me!"
Natigil ako. Nanlalambot na ang mga tuhod ko at gusto ko ng umupo para sumubsob at umiyak. Ano bang nagawa saakin ng lalaking to? Ilang araw palang kaming magkakilala pero nababago nya na ako.
"Ikaw." paos ngunit diretsuhan kong sagot sa kanya. Nakayuko ako at pinipilit na itaas ang dalawang kilay para di tuluyang bumagsak ang mga luha na nasa gilid ng mata ko.
Ano bang ginagawa mo saakin Primo? Bakit ako tumitiklop sayo? Hindi naman ako ganito.
Ilang segundo pa kaming walang imikan. Kahit na hindi ako sigurado sa gagawin ko ay tinawid ko na ang pagitan ng mga katawan namin at niyakap sya.
Hindi ko alam kung bakit at paano. Pero alam kong ginusto ko.
Nang hindi nya ako niyakap pabalik ay doon na ako humikbi. I can't believe what's happening right now. Ang isang maldita na never pang umiyak at nagpaubaya ay umiiyak sa harapan ng lalaking to. Hanggang sa naisipan kong bibigyan ko muna sya ng oras na magpalamig ng ulo. Bibitaw na sana ako ng niyakap nya ako ng mahigpit pabalik.
"Shhh. I'm sorry okay? Sorry if I shouted at you. I'm so sorry, baby."
****
Gaya ng pinangako nya, nag dinner kami na kaming dalawa lang. Pinuntahan namin yung bahay namin and he throw me a party.Para narin kaming nasa bar. Malaki rin kasi ang bahay and sya raw ang nag plano nito.
So matagal na pala siyang may gusto saakin.
Liquor, check.
Loud music, check.
Pulutan, check.
DJ, check.
At syempre. Aanhin ang lahat ng yan kung walang wild party na magaganap."Primo, sana nag bar nalang tayo. Gumastos ka pa."
"Nah. It's okay. As long as makakapagpasaya sayo. Mabuti narin kung dito ang party. Atleast, mga kapit-bahay lang natin ang makakadalo. Kilala ko silang lahat, wag kang mag-alala. At mas safe narin kasi may guards na nagro-ronda sa whole village. Like, duh baby. This is my village."
Jusqu. Parang hihimatayin ako. Nakalimutan ko nga pala. Na mayaman tong gurang na eto at nagta-trabaho na.
Sa may pool area kami. Nandito rin si Alex. Napakunot noo ako ng makitang may kasama itong lalaki at nagtatawanan pa sila.
"Primo sino yun?" tanong ko sa tabi ko.
"Yung kasama ni Alexandra? Si Alexander. Isa sya sa kasama ko noong nabunggo kita sa hallway. Yong isa si Aiden at si Auden. Hindi sila magkapatid. Coincidence lang na almost same sila ng name. But did you realize, Alexander and Alexandra's name are match."
YOU ARE READING
When Maldita Falls In Love
RomanceIf you are her, would you chose to fight to get what you truly deserves? Or you would stop and give up, thinking everything was already over? Anastasia Valenciano Primo Zacharus Vince