Chapter 9

23 1 0
                                    

"You are not allowed to drink, baby." Napairap lang si Anastasia sa bilin ni Primo.

"Yah, I'm getting used to it." puno ng sarkasmong sagot niya habang naglalakad sila papuntang rooftop na magkahawak kamay.

Pag dumating ang panahon na iwan ako ni Primo, mamimiss ko talaga to.

"Nagre reklamo ka ba? Ha? You are not allowed to drink because I am leaving tomorrow. Baka matagal kang magising, pag gising mo nakaalis na ako. Maaga pa naman flight ko."

Lord, sabi ko po pag dumating ang panahon. Wala po akong sinabing agad-agad po akong iwan ni Primo.

"You're leaving? Saan ka pupunta?" Mahina ang boses nya habang tinatanong ang mga katagang 'yon.

Hindi nya alam kung bakit pero alam niyang mangungulila siya kapag umalis ito.

Alangan namang hindi diba? Ito lang naman ang nagluluto ng pagkain para sa kaniya, naghahanda ng baon at snacks nya for school, naghahatid at nagsusundo sa kanya sa University, nagpapainom sa kaniya ng Enervon dahil pumapayat na raw sya at mabilis lang raw sya mapagod. Kaya hindi sya mangungulila. SOBRANG mangungulila sya kapag umalis ito kahit ilang araw lang.

Sa loob ng dalawang buwan ay ganon ang pakikitungo ni Primo sa kanya kahit na halos pumapatay na ito kapag may nakikitang lalaking nakadikit o nakatingin sa kanya. Dapat ay nararamdaman niyang nasasakal na siya kasi strikto ito pero hindi, she likes him being possessive and jealous to her.

"Italy. Aatend lang ako ng board meeting for three days lang naman."

"Three days LANG? You call that LANG?" Di makapaniwalang tanong nya. Matagal na nga yung kalahating araw na hindi sila nagkikita eh tapos tatlong araw pa kaya?

"Bakit? Mamimiss mo ako no?"

"Asa ka pa."

Aba oo naman.

"Wag nalang kaya tayong tumuloy sa rooftop?" Natigil sya sa tanong nito.

"Bakit naman? Are we going to ditch?"

"Precisely baby, come on."

This will gonna be fun, tumatakbo sila pabalik sa dinaanan nila.

"Where are we going Primo?"

"Where does my baby want to go?"

"Anywhere, basta kasama kita." Pati sya mismo ay nagulantang sa mga pinagsasasabi nya. Ang gaga niya! Baka kung ano na ang isipin ni Primo dahil sa sinabi nya. But she saw the smile on Primo's kissable lips kaya imbes na mahiya siya at bawiin ang mga sinabi nya ay ngumiti narin siya, as Primo held her hand so tight.

Sa huli ay inaya siya ni Primo na pumunta sa resort na pagmamay-ari ng pamilya nito.

"Bakit tayo nandito? Maaga flight mo bukas ah." basag niya sa katahimikan nilang dalawa habang magkasabay ang bawat hakbang ng kanilang mga paa sa buhangin.

"Eh di dito tayo matutulog, want some beer?"

Nagyeyelo na ba ang impyerno? Is this for real?

"Really?" Masiglang tanong niya sabay kapit sa bisig nito.

"Oo, apat saakin isa sa'yo." Agad na nawala ang ngiti sa labi niya at napairap. Babawiin niya na sana ang kamay nyang nasa braso neto pero pinigilan yon ni Primo sa pamamagitan ng paghawak dito.

Matulis ang tingin nito sa kaniya tapos ay inirapan siya.

Napaawang ang bibig niya at nanlaki ang mga mata.

Siya pa talaga may ganang mang irap no?

"Tss. Sungit, kanina mabait ngayon ang sungit sungit na." Bulong niya pero alam niyang rinig naman yon ng kasama nya dahil tumingin ito sa kanya. "What?" enosenteng tanong niya pero bigla nalang nitong iniunat ang mga braso at inakbayan siya.

Is this a move?

"Heaven." Rinig niyang bulong ni Primo matapos magbuntong hininga.

"So tell me, ilang babae na ba nadala mo dito?"

"Excuse me? Hindi ko sila dito dinadala."

She can feel Primo's biceps but she act like she don't mind even if it is a very big distraction.

Ngayon ka pa ba lalandi landi Anastasia? Maghunos dili ka.

"So you mean, hotels?"

"Sometimes, sometimes in clubs."

"Yuck." Yon kaagad ang naging reaksiyon niya pagkarinig sa mga sinabi nito.

"But don't worry, hanggang doon nalang yon noon." Nakangiti ito sa kaniya habang tinatahak nila ang daan patungo sa bar ng resort.

Deep inside she likes him being honest. Wala siyang pakealam sa nakaraan nito, kung sino pa kinalantari nito noon. Ang mahalaga ay kung kanino ito ngayon. Sa kaniya na ito.

Ha?! Gaga! Ano ba tong iniisip ko? Sa papel lang naman kami magiging mag-asawa eh!

"Excuse me, I am not worrying like duh? And why? You said you have needs as a man." Inalis niya ang pagkakaakbay nito sa kaniya at seryoso itong tiningnan.

"Well, I can get my needs as a man from you, babe."

"Shut up." Inis na sabi niya at dumistansiya dito.

Bakit nga ba ulit siya nandito? Palagi nalang siya nitong sinasama kung saan ito pupunta, kailangan palagi siya nitong nakikita. Nababaliw na ang mga tao dahil sa kuryusidad dahil sa kanilang dalawa.
Gusto ng lalaki na ligawan siya kahit sa mga mata ng mga magulang nila ay sila na dahil ikakasal na sila. Paano nga ba ulit naging miserable ang buhay niya? Noong nakilala niya ang lalaking ito, pero habang tumatagal ay gumagaan na ang loob niya dito. Kapag may tampuhan sila para silang mamamatay kapag di nagpapansinan. At gumugulo na ang utak niya kapag naiisip ang mga bagay-bagay tungkol sa kanilang dalawa.

"Gotcha! Sabi ko na nga ba lalayo ka." Maagap siya nitong hinila ulit palapit sa katawan nito.

"Aray ha!" Reklamo ni Anastasia.

"Kukunin ko 'yon pag dating ng panahon." Hinawakan ulit nito ang kamay niya hanggang sa marating nila ang di kalayuang bar ng hotel. But she's surprised knowing it's an open bar! Kahit sa kalayuan ay makikita mo ang mga ilaw na naglilikot sa loob ng bar, medyo malapit rin ito sa pool area at di kalayuan ay ang dagat.

"I like this place." Mabilis na sabi ni Anastasia dahil sa sobrang pagkamangha sa nakikita.

Lahat ng taong nakakasalubong nila ay binibigyan sila ng daanan, napapalingon rin ang mga nag iinuman.

" You'll going to love this place baby, everyone is friendly here. We have rules here, kapag nalabag mo kahit isa ban ka na." Naglakad sila at pumuwesto sa may pinakadulo, yong di masyadong naaabot ng ilaw.

"Paano kung malabag ko?" Kaagad na tanong ni Anastasia pero hinawakan lang ni Primo ang kamay niya at hinalikan iyon.

"I love you."

"I love you too."

Parehas silang dalawang nanlalaki ang mga mata at di makapaniwala sa sinabi niya.

"N-no. That's not what I meant."

Pero umayos lang ng upo si Primo sa upuan nito at tinitigan siya ng maayos. Iyong titig na nakakatunaw at nakakamatay habang hawak parin nito ang kamay niya.

When Maldita Falls In LoveWhere stories live. Discover now