"Ouch, I'm hurt baby."
"I-I...namali lang ang s-sagot ko." Kaagad na depensa niya dito. Kanina pa kasi ito nakatingin sa kaniya na para bang pinag-aaralan siya.
"Magkano ba yang 'I love you' mo at bibilhin ko. Ang sarap pala sa tenga eh." At lumagok ito ng beer na nasa bote samantalang ang sa kaniya ay sa can lang.
"Hindi ko pinagbibili sir, sorry." Natatawang sagot niya dito saka ininom rin ang sa kaniya.
"Uutangin ko nalang, miss." Pareho silang natawa sa tinuran nila.
"Paano ba yan? 9 na, balik na tayo sa kwarto." Tumayo na ang binata at hinawakan na ang kamay niya.
"Teka di mo pa nauubos yong isa, akin nalang--" I naabot niya ang beer at nakuha niya saka ito ininom pero mabilis ang kamay ni Primo sa pagkuha ng bote sa labi niya at ipinalit ang labi nito at siniil siya ng malalim na halik.
"Mag-iingat ka doon ha. Huwag kang masyadong magpapagod." Bilin ni Anastasia kay Primo habang tinitingnan nito kung maayos na ba ang pagkakatupi ng mga gamit ni Primo sa bag nito. Si Primo naman ay nagbibihis na.
"Yes boss." Nakangiting sagot nito na agad niya lang sinimangutan.
"Hindi ako nagbibiro Primo. Ayusin mo ako kausap baka matadyakan kita." Agad na sumeryoso ang mukha ni Primo at niyakap siya.
"Ito naman, yes boss nga diba. Mag iingat ako saka hindi ako magpapagod. I love you. Oks na, boss?"
"Anong gagawin ko dito sa loob ng tatlong araw?" Tanong niya habang inaayos ang necktie ni Primo
"Do what you want. Kung kailangan mo ng assistance just call me." Tinigil niya ang ginagawa at sinagot ito.
"Why? Would you be here?" Diretsong tanong niya na ikinatigil rin ng lalaki.
Mabilis na hinalikan siya nito sa labi habang sinasabi ang katang 'Mahal Kita'
"Tatawag ako ng tao to assist you, baby."
Sinabayan niya ito sa pagbaba ng hagdan hanggang sa gate.
Gamit ang dalawang kamay nito, hinawakan siya nito sa bewang at inilapit ang katawan niya sa katawan nito."What gift do you want when I get home?"
"Naglalambing ka ba?"
"Oh come on, baby. Syempre ayaw ko rin na iwan ka, pagkatapos ba naman ng nasabi mo sakin kagabi." At tumawa ito ng halakhak na ikina pula at init ng pisngi niya.
"Paulit-ulit? Di maka move on?" Asar na tanong niya dito.
Akala niya aasarin pa siya nito but to her surprise, niyakap niya nito ng sobrang higpit. "Sino ba naman ang makaka move on kaagad? Kung ang babaeng nililigawan mo ay mahal ka pala diba? Ikaw naman kasi mahal, hindi mo sinabi kaagad na gusto mo pala ako." At tinawanan siya nito ulit. Owrayt, nagkamali siya sa sinabi niya kanina. Nang aasar parin pala ito, iniba lang ang daan at stratehiya.
Kinurot niya ito sa tagiliran. "Primo..."
"Yes, baby?"
"Sinasagot na kita."
✈✈
"Ayoko na tuloy umalis."
Kaagad niyang tiningnan ng matulis ang nobyo. Nasa airport na sila at hinihintay nalang niyang pumasok si Primo pero para tuloy itong tuko kung maka kapit sa kaniya dahil sa sinabi niya kanina.
"Umayos ka nga Primo. Tatlong araw ka lang naman doon eh." Sabi niya at inilayo niya ito sa katawan niya.
"Grabe ka naman amore. Akala mo mabilis lang ang tatlong araw? Hindi! Lalo na't hindi kita makikita sa loob ng mga araw na 'yon."
"Asus. Tatawag ka naman diba. Importante ang lakad mo."
Nagtalo pa silang dalawa at natatawa siya. Hindi niya inakala na mag-aaway sila sa ganito lang kasimpleng bagay. Para silang bata na nagtatalo at pinagtitinginan ng mga tao na natatawa rin sa kanila. But for her it look so cute. Matangkad si Primo kesa sa kaniya kaya kahit na matangkad siya ay hanggang leeg lang parin siya ni Primo. Payat rin ito kung tingnan pero malalaki naman ang biceps at muscles nito, sana all. Parang gusto niya tuloy mag gym.
"Pasok ka na." Sabi niya kay Primo saka tumayo dahil tinatawag na ito sa loob.
Kaagad na naman siya nitong niyapos ng yakap. "I'm going to miss you, love. Take care okay? Babalik ako kaagad."
Niyakap niya rin ito pabalik at hindi pinahalata sa boses ang lungkot. "Yes love, I'll wait. You should take care too. Huwag titingin sa iba ha?" Biro niya pa dito at tumawa.
"Bakit naman ako titingin sa iba kung nasa akin ka na?" Tiningnan siya nito sa mata at hinalikan ng mariin sa labi. Aba aba, kanina pa ito halik ng halik ah!
"I love you, love."
"I love you too, Primo."
Bago ito umalis ay hinalikan siya nito sa noo. Tiningnan niya ang likod nito habang naglalakad na ito papasok.
"Kapag tumingin ka, akin ka." Mahinang sabi niya at ganoon nalang ang saya sa puso niya nang lumingon ito at ngumiti sa kaniya saka kumaway. Ngumiti rin sa kaniya ang personal assistant nito na lalaki at isang kaway lamang ang naisukli niya sa mga ito.
Nakita niyang may sinabi si Primo sa lalaki at agad namang kinuha ng lalaki ang cellphone nito saka may tinawagan. Hindi nagtagal ay mayroong yumukod sa harapan niya.
"Ma'am..." Umayos ito ng tayo, "papauwiin na raw po kayo ni sir." Matawa siya sa sinabi nito at nakita niyang nagpipigil lang rin ng tawa ang lalaki.
"Si Primo talaga, alam ko naman ang daan pauwi eh." Natatawang sabi niya saka sila naglakad palabas ng lugar.
"Sundin nalang po natin ma'am, baka bumaba po ng eroplano." Naiiling lang siya sa sinabi ng babae.
Mamimiss kita Primo.
YOU ARE READING
When Maldita Falls In Love
RomanceIf you are her, would you chose to fight to get what you truly deserves? Or you would stop and give up, thinking everything was already over? Anastasia Valenciano Primo Zacharus Vince