Chapter 14

22 0 0
                                    

Nagising siya na wala na si Primo sa tabi niya. Sumasakit ang ulo niya pero hindi niya nakalimutan ang mga nangyari kagabi. Paano niya ba kakalimutan yon?

Dahan dahan siyang bumangon at naramdaman niya ng parang nabugbog ang katawan niya. Nabugbog naman talaga siya! Sa kama nga lang! Binalot niya ng kumot ang katawan niyang hubad at dahan dahan siyang naglakad sa may terrace at nakita si Primo. Naka topless ito at nakikita niya na ngayon ang mga ugat sa likod ng binata! Nakatingin lang ito sa paligid at naka boxer lang rin.

Kaagad siyang tumalikod at huminga ng malalim. Hindi niya na ulit hahayaan na mangyari ulit yong nangyari kagabi. Naghahanap na siya ng susunod na gagawin at nagsimula ng humakbang papalabas sana ng kwartong iyon nang biglang may pares ng braso na pumulupot sa baywang niya.

"P-Primo..." Nanginginig na ang tuhod niya at nauutal na siya.

"Good morning baby. Does it hurt?" Mas hinigpitan pa nito ang pagkakayapos sa kaniya at naramdaman niyang sobrang umiinit na ang buong mukha niya pati tainga. 

Wala siyang nagawa kundi ang dahan-dahang tumango at hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kumot na nakabalot sa katawan niya.

"How about we rest for today? What do you think, babe?"

Nagpumiglas siya at nakawala naman siya pero napaluha rin dahil sumakit ang ibaba niya. "Huwag na huwag mo akong tatawaging 'babe'. Hindi ako natutuwa sayo lalo na sa ginawa mo saakin kagabi!" Inis na sabi niya at humiga ulit sa kama at niyakap ang sarili.

Lumubog ang kabilang parte ng kama kaya alam niyang humiga narin si Primo. She was surprised when he kissed her head and still hug her from behind.

"Let's rest babe. Nag off ako para talaga sayo dahil alam ko na ganito mangyayari. Mamaya punta tayo kina mommy, babawiin mo yong sinabi mo."

Nagising ulit si Anastasia na wala na si Primo sa tabi niya. Kaagad siyang bumangon at tinungo ang daan papuntang banyo nang maalala niya ang sinabi sa kaniya ni Primo.

Kaagad na nasira ang gising niya. Bakit niya pa babawiin ang mga sinabi niya! Ang kapal!

Si Primo ang pumili ng susuotin niya kaya di niya maiwasan na makaramdam ng inis.

"Ano ba Primo! Para kang baliw! Kina mommy lang naman tayo." Nagaalburuto na siya sa inis at hinagis ang damit na inilahad sa kaniya ni Primo.

"Ayoko nga noon! Babe naman, utang na loob makinig ka sa mapapangasawa mo!"

Natahimik siya at pinipigilan ang pag ngiti niya dahil sa inasta ni Primo. Para itong batang nagdadabog at naka-nguso pa habang pinulot ang damit na inihagis niya. Tumayo ito sa harap niya habang siya ay naka-upo sa paanan ng kama.

"Magdi dress nalang ako! Hindi na ako magso-short." Offer niya kay Primo at pinakatitigan ito.

"Alam mo bang pinipigilan ko lang ang sarili ko sa mga bagay-bagay pagdating sa'yo dahil ayaw ko na masakal kita?"

Mahina ang boses ni Primo at dahan-dahang umupo sa tabi niya nang di siya tinatapunan ng tingin.

Nakaramdam siya ng pagka-inis sa sarili. Nagsisisi siya kung bakit ganoon siya umasta kay Primo.

"S-sakalin mo lang ako Primo, hindi ako magrereklamo." Nagkatinginan silang dalawa, marahil ay alam ni Primo ang ibig niyang sabihin.




"Buti at dumalaw kayo dito for dinner." Sabi ng mommy ni Anastasia habang hinahanda ang hapag. Nakangiti ito at parang nanalo sa lotto nang makitang magkasama silang dalawa ni Primo.

"Nagulantang ako kagabi eh. Nawala ang antok ko sa mga pinagsasasabi mo, Anastasia."

Naka pout ito sa kaniya at kinunotan niya lang ito ng noo saka inirapan. Ganon naman talaga sila ng papa niya, parang magkapatid lang.

"Naka inom lang po siya no'n, tito. Buti nga naabutan ko eh." Singit ni Primo na nasa tabi niya at nagsisimula ng lagyan ng pagkain ang plato niya.

Inilapit niya ang bibig sa tainga ni Primo. "Huwag puro damo nilalagay mo sa plato ko. Hindi ako hayop."

Di mapigilan ni Primo ang tumawa ng malakas kaya naman sinikmura niya ito.

"Naku Anastasia, napapadalas na pag-inom mo. Tigil na niyan, buti at hindi natu-turn off sayo to si Primo."

Binigyan niya ng masamang tingin si Primo nang pinandilatan siya nito ng mata.

"Bahala na siya ma kung ma turn off man siya. Pag na turn off siya, eh di turn off rin ang kasal. Madali lang naman yon eh--"

"Naku tita bakit naman ako matu-turn off? Eh mahal ko tong babaeng 'to kahit ang tigas ng ulo."

"Anastasia, anong pinakain mo kay Primo at mukhang nababaliw na sa'yo?"

"Pa!"

"PRIMO, patayin mo yong aircon. Ang lamig lamig na."

"Yakapin nalang kita." Naglalambing na sabi ni Primo at pinaharap si Anastasia sa kaniya saka niyakap ng mahigpit.

"You're being sweet again, anong kailangan mo?"

Natawa lang si Primo sa tinuran ng dalaga. "Kailangan talaga may kailangan ako? Hindi ba pwedeng mahal lang talaga kita?"

Hindi siya nakasagot dito. Natatakot siya. Natatakot siya na baka nagsisinungaling lang ito sa kaniya. Na baka nakikipaglaro lang ito sa kaniya. Na baka pagdating ng araw mawawala lang rin ito na parang bula.

Niyapos siya nito ng mas mahigpit. "Hey, may problema ba tayo?"

Andiyan na naman yong Primo na gustong-gusto niya. Yong Primo na naglalambing, yong Primo na maintindihin. Na kahit magtalo sila minsan dahil kasalanan niya ay ito pa ang humihingi ng tawad sa kaniya.

"Wala. Inaantok lang talaga ako."


"I saw something on your phone. And you needed to explain it to me right now."

Kinalas nito ang pagkakayakap sa kaniya pero hindi niya na pinigilan. Bahala ito sa buhay niya, basta kapag inaantok siya matutulog talaga siya.

"Sino si Adam? At nireplyan mo pa talaga."

Biglang sumeryoso ang tono ng pananalita nito. Yong tipong hindi mo na kakailanganin na makita yong mukha niya para malaman yong ekspresyon niya.

"Just a friend, Primo."

Nakapikit na ang mga mata ni Anastasia pero ramdam niya ang pagtagilid ni Primo patalikod sa kaniya. Alam niyang nagtatampo ito sa kaniya dahil sa nakita nito pero ang paggakaw nito kanina lang ay hindi mo siya nasasabihan na parang bata. Ang manly ng pagkakatalikod nito sa kaniya at hindi mo makikita sa kaniya ang batang parang inagawan ng candy.

"Come on, Primo. Face me." Mahinang sabi ni Anastasia saka hinila hila ang laylayan ng damit ni Primo.

"Matulog ka na. You're sleepy right? Go, sleep."

"Nagtatampo ka, alam ko. Come on baby, face here." She even used her sweetest tone, but she failed.

Baka kasi may halong antok yong boses ko?

"Love..." Hindi parin ito kumikibo sa kaniya. Unti-unting dinalaw siya ng antok kaya nakatulog na siya nang di humaharap si Primo sa kaniya.

When Maldita Falls In LoveWhere stories live. Discover now