Anastasia's POV
Katatapos ko lang sa day 3 ng training ko. I never expected na magiging ganito ka hectic ang schedule ko, hindi ko na nababantayan yong aso namin ni Primo but thanks to this training, hindi ko namamalayang nawawala na pala siya sa isip ko.
Umupo ako sa upuan malapit sa pintuan ng operating room at napapikit. Uumagahin na naman ako, pagka uwi ko sa bahay kakain tapos matutulog. Tapos gigising ng tanghali na, kakain saka training ulit. Ganito pala pakiramdam ng rush na training mo, you don't know if you're blessed because it will only take a month or you're cursed because you are restless.
Naramdaman ko na may tumabi saakin pero nanatili parin akong nakapikit at malalim ang iniisip.
"You always look restless, maybe I can help."
Boses niya palang alam ko na kung sino siya.
"How many times did you asked me the same question, and how many times do I have to tell you that I'm doing good, Doc. Adam?"
Doctor Adam, psychologist, 26, kasing edad lang ni Primo. Matangkad, gwapo kasi mestizo, may lahing Italian, matangos ang ilong, head turner pero mukhang heart breaker. Oh ano? Mag comment na kayo ng 'mine'.
"Easy, daisy. Ang sungit mo ngayon---"
Inis na binalingan ko siya, "Kailan ba ako naging hindi? Usap usapan sa department 3 na may bagong saltang malditang doctor."
Natawa siya sa sinabi ko. Di ko naman inakala na may mga attitude rin palang nurses and doctors dito. Trainee pa nga lang ako malaking pasabog na agad sumalubong sakin, ang galing lang. Gusto ko silang palakpakan dahil doon.
"Just let them be, ganyan talaga ang utak ng ibang tao, which is you cannot control---"
I didn't let him finish his words, I stood up and started walking away. I am heading to the lobby, 10 mins na lang dadating na si Mighty para sunduin ako. And oh, I forgot to mention that we are doing fine. Sinalo niya lahat ng responsibilidad ni Primo sakin, hindi niya ako iniwan kahit pa minsan napapagalitan ko siya.
Nakatayo lang ako sa gilid at hinihintay si Mighty nang may lumapit saaking Doctor.
Annie.
Basa ko sa name plate niya.
"So you're the trainee? Soon to be a surgeon?"
It's clear in her voice that she don't like me. I can hear bitterness and insecurities, tss.
I answered her using my normal tone and wearing my poker face. "Yes. Why? Do you need anything?"
"Every one is talking about you. Some doctors said you are good in your trainings, how did you get that special treatment anyways? Paano ka naging trainee ng one month lang?"
See? Sinasabi ko na nga ba. "Connections, sweetie."
Ngumisi siya saakin, ngising may bahid ng inis. "What ever connections you have, I just want you to know that you'll never reach me no matter what you do---"
" I wouldn't say you're stupid. You are. But I wouldn't say it."
Kita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Hindi niya ba inaakalang ganito ang ugali ko?
"And you're better with your mouth closed." I left her standing there with so much irritation and head straight to Mighty.
Sinuot niya saakin ang coat niya at tinanong ako kung anong nangyari. "Nothing. We just talked."
"Just talked your ass. She looks so pissed off, come on, what did you did?"
Pinapasok niya na ako sa loob ng pick up at kaagad siyang umikot para pumasok na sa driver's seat.
"I just returned the favor, Might."
Papauwi na kami ni Mighty at papasok na sana ng village nang may mapansin ako sa may guard house.
"Mighty stop the car!" Nagulat yata siya sa pagsigaw ko kaya kaagad niyang inapakan ang brake.
"Why? What's wrong?" Bumaba ako sa kotse at nilapitan ang nakita ko. Isang asong aspin na kulay itim. Payat ito at parang hindi pa nakakakain, nanginginig rin ito siguro ay giniginaw na.
"Ay ma'am, magandang gabi ho. Pabayaan niyo na po yang aso diyan ma'am, nandiyan talaga yan gabi-gabi. Diyan po kasi siya iniwan ng amo niya noong nakaraang araw tapos hindi na binalikan---"
"Mighty, kumuha ka ng tali sa bahay."
Kaagad na kumuha ng upuan si Mighty at pina-upo ako doon saka siya umalis.
"Ma'am kukunin niyo po?" Nilingon ko si kuyang guard. Halata namang hindi nila ito mapapakain e, busy rin sila kahit naka upo lang sila dito.
"Opo kuya---"
"Paano po kapag binalikan ng may-ari?"
Napa irap ako sa isip ko. "Kung may plano silang balikan yan sana noon pa lang binalikan na nila. Kailan pa nila babalikan yan aber? Kapag buto nalang at wala ng buhay?"
Napakamot ng ulo si kuya, ang daldal niya naman kasi talaga. Hinintay ko doon si Mighty at pagbalik niya, bitbit niya pa si Cooper. Kaagad akong nabuhayan ng loob, kahit papaano napapangiti ako ni Cooper. At mas lalong lumapad ang ngiti ko nang nilapitan nito yong asong aspin at inamoy amoy. When the aspin wagged its tail, alam kong pwede ko na siyang iuwi at akuin.
"Anastasia baka makagat ka---"
"Shhh, Mighty. I can do this."
Nilapitan ko ang aspin, umatras pa ito at parang natakot pero dahil kay Cooper, umamo ito saakin at nagpahawak. Isinuot ko na dito yong tali at hinila ko na sila ni Cooper papasok sa sasakyan.
"ARE you sure about keeping him? He looks uncomfortable here."
Tiningnan ko ulit ang aso na kasama ni Cooper sa pool area na tanaw ko sa nakabukas na sliding door sa kusina.
"He is, but only for a short period of time. Masasanay rin yan sa bago niyang buhay, and he's more uncomfortable there when we found him."
Nilapag niya ang protein shake sa mesa, sa harapan ko. "Here, drink it. It'll help you boost your immune system---"
"I told you I am not pregnant---"
"How sure are you? You vomit every morning, and it's a sign on pregnancy yet you don't want to take a test."
Natahimik ako. He's right. Pero ayaw ko muna isipin iyon ngayon sa sitwasyon na meron ako---
"Why are you so afraid, Ana---no. Mali. You're not afraid to find out that you might be pregnant. You are afraid because you know you'll gonna raise that baby alone and it'll grow without a father, am I right?"
Mighty's words cut deeper than the knife, and it's unbearable. I wiped away my tears and take a deep breath.
"Maybe, Mighty. Maybe I really am."
YOU ARE READING
When Maldita Falls In Love
RomanceIf you are her, would you chose to fight to get what you truly deserves? Or you would stop and give up, thinking everything was already over? Anastasia Valenciano Primo Zacharus Vince