Chapter 22

35 0 0
                                    

"You're drunk." Sabi ni Mighty kay Asia na tatawa tawa nalang sa table nila at parang matutulog na dahil nakayuko na ito at ginawang unan ang bag nito.

"I'm not drunk... I'm Asia." Sagot nito na nagpatawa sa iba pero seryoso ang mukha ni Mighty. Paano niya ba aasikasuhin itong babaeng ito? Tama. Dapat siguro sabihin niya sa mama ni Primo na mag hire pa ng isang tauhan na babae para mag-asikaso dito sa mga panahong ganito.

"Let's go home." Sabi niya sa dalaga.

"Oh my, Might I love that song!" Napa face palm si Glory sa naging sagot nito at si Alexander ay nagpaalam sa mga kasama nito nang tumuwid ng tayo itong si Asia at malakas ang boses na tinawag ang kaibigan na may-ari ng club.

"Asia you're loud." Inis sa saad ni Mighty dito kaya pinandilatan siya ng kapatid na si Glory. Lumingon si Asia sa kaniya na nakataas ang isang kilay and all of them was quiet for a long time.

"Then cover your ears or just go home. I have my Ducati with me, I can drive myself home."  At pinanliitan siya nito ng mata. Nabalik lang ang lahat sa dati at nawala ang tensiyon nang dumating ang may ari at malakas ang boses nito na tinawag ang pangalan ng dalaga.

"Hey Leo! I'll be paying all the expenses tonight, okay? And give your staff a tip, lakihan mo."

Napa 'Woah' lahat ng tao na naroroon at lumaki ang mata ni Alexander.

"What the fvck Asia---" Hindi na ito pinatapos ni Asia dahil tumalikod na ito at naglakad na palayo, palabas ng club.

"Thank you Asia!" Sigaw ni Leo and Asia just waved her right hand shouting "I mean it! I'll give you the cheque tomorrow, Leo!" back.

Napahiyaw naman si Leo sa narinig.

"She's insane." Bulong ni Brett.

"Yes she is. Now kuya let's hurry up at baka paglabas natin nakasakay na yon ng ducati niya."


Paglabas nila ay napamura si Mighty at Alexander. Wala na nga ang dalaga, nalintikan na. Baka napaano na 'yon.

"Grabe, she's drunk, di'ba? Paano niya nagawa 'yon?" Manghang tanong ni Glory na sinagot naman si Brett.

"Shouldn't underestimate a pure maldita, sister." Napatitig lang si Glory kay Brett.



"OKAY, easy daisy." Dahan dahang binihisan ni Alexandra si Anastasia habang nakahiga ito sa kama. Kanina noong patulog na siya ay may tumawag sa kaniya sa labas ng bahay nila. Si Anastasia lang pala nang tingnan niya, halos humiga na ito sa daanan ng subdivision nila sa sobrang kalasingan. Nag ducati pa ang gaga, paano nalang pagnadisgrasya iyon. Nagtalo pa sila dahil gustong gusto nito na umuwi at isama siya kaya siya naman, napilitan na magpaalam sa parents niya at nagrason nalang.

"Alexang, where's my ducati?" Nakapikit nitong tanong sa kaniya.

"Nasa bahay. Iniwan ko, naka pick up tayo pabalik dito kanina." Inayos niya ang kumot nito at umalis na sa kama.
Umungol lang ito at dumapa na ng pagkakahiga.

I really don't know what happened to your boyfriend, Asia. But I hate him for breaking you that way.

"If you need anything nasa guest room lang ako a. Baka nasusuka ka, gusto mong sumuka muna bago matulog?" Pero hindi na siya sinagot ng kaibigan. Right, di yan sumusuka kapag umiinom ng alak. High ang tolerance nito sa mga alcoholic beverages. Nakakapag motor pa nga e.


GUMISING SIYA NG NORMAL LANG. Na parang di siya naglasing, may kunting kirot sa ulo niya pero nakaya niyang bumangon.

"Fvck." Mura niya nang makitang alas onse na ng tanghali at pilit niyang inalala ang mga nangyari kagabi. She's so drunk, baka may nagawa siyang di maganda. Well, palagi naman talaga siyang may ginagawang di maganda.

Tumulo ang luha niya sa hindi malamang dahilan. Hindi parin siya makapaniwala sa nangyari sa kanila ni Primo. Kung gaano kaganda ang umpisa nila na ngayon ay wala na.

Pinahiran niya ang mga luha at kinuha ang cheque sa drawer. Kahit naman lasing siya hindi niya malilimutan na nilibre niya lahat ng naroroon sa loob ng club.

"Hey Alexandra can you make me a pancake---holy shit!" Napatigil siya sa pagbaba ng hagdanan sa nakita.

Napaka raming aso sa bakuran niya at iba iba pa ang breed.

"What the fvck is happening... Alexandra!"

Sumulpot ang kaibigan niya galing sa kusina na may dala ng pancakes na may dark chocolate syrup.

"I saw a guy outside your house kanina, he introduced his self saying he's your bodyguard. At may kasama siyang limang aso na naka tali pa kanina and charaaan! Look at Cooper, he's enjoying the vibes!"

Kita niya nga na natutuwa si Cooper sa mga bagong kaibigan. Eh siya natutuwa ba siya?

"Your bodyguard is hot, by the way."

Di makapaniwalang napatingin siya sa kaibigan. Hilo ba ito? Ano na namang hinithit nito kagabi? Katol, shabu o marijuana?

All of the above yata.

"Who's hot?" Tanong ni Alexander na kararating lang at hinalikan si Alexandra sa noo.

Nakita ni Alexander na nakatingin siya kaya nginisihan siya nito. "Miss mo na?"

She showed him her middle finger.

"Nga pala Ana, hinihintay ka na ng ospital na pagtatrabahuan mo." Tamad na bumaling siya sa kaibigan.

"I'm moving on right now, wag muna. Besides may training pa niyan na papasukan ko, matatagalan pa---"

"Si ate ang magtuturo sayo kaya advance ka sa iba. Ano ka ba naman friend, take the opportunity na. Para di ka mabaliw dito na ikaw lang mag-isa, aliwin mo sarili mo. Sabi ni ate kapag siya magtuturo sa'yo ipapasok ka niya agad as surgeon. One month training lang, magaling si ate. Magtiwala ka."

One month training, makakaya niya ba? Ewan niya nalang talaga.

She sipped her coffee while nodding. "Okay, okay. Papasok na ako sa med school niya for training and all. When do I start?"

Sasagot na sana si Alexandra nang dumating bigla si Glory at binati sila. Hindi siya umimik, madaldal lang siya kagabi dahil lasing siya.

"Oh, bakit bumalik ka?" Tanong ni Mighty sa kapatid.

"Dumaan lang ako. Umuwi ako ng condo to get few shirts, I'm going to London."

What is she going to do in London??

"Are you out of your mind? We still have work here---"

"Precisely kuya. Pupunta ng London sina Veronica at Primo, and I need to be there too. Hey you," tiningnan nito si Alexander. "trace my location okay? Goodbye guys, kuya, ingat ka." At kinindatan nito ang kuya niya.

Ang layo naman ng dating place, London talaga.

When Maldita Falls In LoveWhere stories live. Discover now