Chapter 12

17 0 0
                                    

Sinadya niyang gawing hectic ang schedule niya. Papahupain niya muna ang galit sa kaniya ng nobyo. Jusko naman, tatlong araw palang pero nagkaaway na sila.

Anastasia's POV

Sinadya ko na maging abala at hindi muna siya kinausap para bigyan muna siya ng oras para lumamig ang ulo niya. Minsan ay hindi narin kami nagkikita sa loob ng bahay dahil umaga na ako umuuwi at kina Alex muna ako natutulog.

"Oh ito another schedule para mamaya. Mamayang gabi pero sa kabilang  university." Tiningnan ko ang naka lukot na mukha ni Alex.

"Sige kukunin ko iyan. Ano ba 'yan?" Saad ko at sinubo ang mango float.

"Judge parin eh. Kaso battle of the bands to teh, maganda to since you love musics." Tumango tango lang ako at napakunot ang noo dahil sa nahagip ko.

"Gurl alis na tayo dito." Mabilis na sabi ko saka iniligpit ang mga libro ko na nasa mesa nang makitang papalapit si Brett.

Akmang lalampasan ko na sana ito nang hawakan nito ang braso ko.

"Wala na ba talaga, Anastasia?"

Marahan kong tinanggal iyon, "Brett, past is past. Huwag na nating pag-usapan 'yon since okay na ako at masaya ako kay Primo."

Tumalikod na ako at nagsimula nang humakbang. "Masaya ka nga, pero paano ako?" Ramdam ko ang pait na nararamdaman niya sa boses niya. Pero hindi pwede. Hindi dahil may bago na ako, kundi dahil mahal ko si Primo.

"Brett, your life, your choice. Kung nasasaktan ka ngayon, choice mo yan. Dahil yan rin naramdaman ko noong iniwan mo ako, do you think it's payback time?"

Dahan dahan akong ngumisi sa kaniya na ikinagulat niya. "What happened to you Anastasia? You are not like this before."

"People change after being hurt, Brett."

MABILIS ang mga hakbang na ginawa ni Anastasia papasok ng gym dahil limang minuto na siyang late. Nakatulog kasi siya pagkatapos pagbaba niya ng condo may nakasalubong pa siyang Siberian Husky at naaliw siya dito.

"I'm sorry, I'm late." Saad niya sa emcee nang salubungin siya nito.

"Okay lang po ma'am, may hinihintay pa rin po tayong isang banda. Galing pa po kasing trabaho ang boyfriend niyo."

Tumango siya pero kaagad ring natigilan. "Ha?"

"Siya po kasi drummer ng banda nila kaya hindi po talaga sila makakapagsimula kung wala siya. Akala ko nga po eh magkasabay kayo."

Teka teka, bakit hindi niya alam 'to?

Paank ba naman kasi dai, diba nga nag-away kayo?

"Ahh." Iyon lang ang nasagot niya saka umupo na sa silya na para sa kaniya.

Biglang naghiyawan ang mga kababaihan sa gym kaya napalingon siya sa likuran at nakita niya ang nobyo na naka shorts at long sleeve na plain black at naka suot ng sandals. Napatitig siya sa paa nito, mas lalong pumuti dahil sa itim na sandals. Pero kaagad siyang nagbawi ng tingin dahil wala namang kaemo-emosyon ang mukha ng binata. Seryoso itong naglakad papunta sa mga ka-grupo nito ng hindi man lang siya tinapunan ng tingin. 

Ang sakit no'n ah. Napailing nalang siya at itinuon na ang atensiyon sa papel na nasa harapan niya. Bakit hindi niya alam na may banda si Primo? Double kill.

"Bakit ang gwapo parin nila kahit ang iba sa kanila may asawa na 'no?"

"Tatlo nalang yata silang walang asawa dyan eh. Si Zacharus, si Ash saka si Aldrin."

"May pag-asa pa ako kay Zach?"

"Gaga, may fiancee na teh."

"Bakit? As long as hindi pa sila kasal--"

Binalingan niya ng tingin ang dalawang babae na nagchichismisan sa gilid niya.

"Your voices are so annoying, too loud." Sambit niya dito sa malumanay na boses. Syempre hindi pwede ipairal kamalditahan dahil ibang university to. Oo maraming nakakakilala sa kaniya pero ayaw naman niya ng gulo.

"Sorry po." Nginitian niya lang ito.

"Siya kasi yong fiancee ni Zach eh! Sinasabi ko kasi sayo matatali na yong tao eh tigas ng bungo mo." Nakita niya ang pamumula ng isang babae at magsasalita pa sana siya nang may tumabing lalaki sa kaniya.

"Judge number two?" Tanong nito sa kaniya.

"Yes. And you're the judge number three?" Tinanguhan siya nito at nginitian.

Dumating pa ang isang judge na bakla kaya nagka kwentuhan sila at nagkatawanan tatlo.

"Aww, is this your dog?" Tanong niya sa judge number three.

"Yes, we have the same name by the way. We are Malve." Nakangiting saad nito kaya natawa siya. 

"Hi, Malve." Pinisil niya ang pisngi ng aso at napagtantong husky ito. She love it! She love Malve! Yong Malve na aso.

She was enjoying the moment, pero noong pang walong banda na ay nakaramdam na siya ng antok. Bakit kasi panghuli ang nobyo niya? Pero hindi, trabaho gusto niya kaya dapat mag focus siya sa mga grupo hindi dahil sa boyfriend niya.

"Who's your bet?" Tanong ng bakla na judge sa kaniya.

"The last group." Kaagad na sagot niya kaya napakunot noo ang bakla.

"Hindi pa naman sila tumutugtog ah."

"Yes they still haven't, but I know their performance will be a blast." Puno ng confident niyang sabi. 

Paano ba naman kasi halos lahat ng nagperform niyayanig ang gymnasium sa sobrang rock. Hindi yon ang hanap niya.

Bumalik lang yata ang sigla niya nang grupo na nila Primo ang nasa harapan. Napa upo rin siya ng tuwid at hindi na nasagot si Malve. Maya-maya pa ay may nag-abot na sa kanila ng meryenda at kumakain siya nang hindi inaalis ang tingin sa nobyo.

'Cause if someday you wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
And you see me waiting for you
In the corner of the street
So I'm not moving
I'm not moving yeah~

Pagkatapos nilang tumugtog ay kaagad na niyang binaba ang telepono niya. Kinukuhanan niya kasi ito ng video kanina at pagkatapos nito ay balak na niyang makipag-bati sa binata. Hindi man niya sabihin ay nahihirapan narin siya. Hindi niya ito matiis, sana ganon rin ito sa kaniya. Pero mukhang hindi dahil nahuli siya ng binata na nakatingin sa kaniya pero hindi man lang ito ngumiti. Buong minuto na nandoon ito sa harapan ay hindi ito ngumiti.

Pero nawala ang ngiti niya nang makitang may lumapit sa grupo nito na mga kababaihan at doon sumabog ang isip niya. Inabutan ng isang babae si Primo ng tubig. Doon niya ikinuyom ang kamao. Nakita niya na ngumiti si Primo at tinanggap yon.

"Thank you ma'am." Sabi ng isang staff matapos niyang permahan ang pinal na desisyon nilang mga hurado kung sino ang mananalo.

"Pwede na ba ako umalis?"

"Po?" Gulat na tanong ng binata sa kaniya.

"I mean, may gagawin pa ba ako? Or something? Kasi kung wala I want to go home na."

"Ah sige po. Ako nalang po magsasabi sa mga kasamahan ko."

Sinabihan niya itong wag nalang siyang bayaran tutal uuwi naman siya ng maaga. Kaagad niyang tinawagan si Alex para lapitan siya. Nawalan na siya ng gana. Nanunuot na ang inis at galit sa loob niya.

She want to kill.

When Maldita Falls In LoveWhere stories live. Discover now