She was busy for 2 days, compiling papers, projects, thesis and so on. Kahit naman maldita siya ay hindi niya parin naman pinapabayaan pag-aaral niya no.
Sa sobrang busy niya ay hindi niya na nahahawakan ang cellphone niya. Kahit walang pasok ay pumunta parin siya ng university para sa susunod na araw ay wala na siyang gagawin at aabalahin. Matutuon niya na ang atensyon kay Primo.
"Hoy! May nakita ako kahapon dito, siguradong magpapatigil ng mundo mo." Napatingin siya kay Alexandra na kumakain ng leche flan. Kaagad niyang kinuha ang tinidor na ginagamit nito saka sumubo.
"Wow ah hangal! Buntis ka no? Ito pa talagang leche flan pinaglilihian mo."
Kaagad siyang napa kunot noo. "Oo, buntis ako. Buntis talaga ako. Paano ako mabubuntis aber? Wala pa nga akong asawa. At isa pa, magtatapos pa ako."
"Walang asawa? Eh ano si Primo? Magiging asawa mo rin naman yon saka parang normal narin naman ngayon yong hindi pa kasal tapos naglo-love making na. Kaya besh, I won't judge you-" binato niya ng tissue ang kaibigan niya.
Pero napa isip rin siya, what would be the feeling of her boyfriend inside her? What would be the feeling of him thrusting and pounding slowly then later on will be hard and rough? How would she feel hearing his moans and groans? What would be the feeling of Primo touching every inch of her body? Would it be heaven?
"Ayan! Ayan ang sinasabi ko eh! Nag-iimagine ka na eh!" Kaagad siyang nabalik sa ulirat dahil sa malakas na tinig ng kaibigan.
No, she's not herself anymore. Ano bang ginagawa mo saakin Primo?"Who's Primo?" Sabay silang lumingon sa pinanggalingan ng boses.
"Ayan yong sinasab ko sayo na nakita ko kahapon." Bulong sa kaniya ng kaibigan.
Her ex. Brett. Iyong napag-usapan nila ni Primo noong nasa condo silang dalawa at magkatabi sa kama.
"Brett anong ginagawa mo dito?"
"I'm back. Kaagad kong hinanap kung saan ka nag-aaral para masundan ka. I'm here to make those promises come true--"
"Primo is her husband, Brett. Wala ka ng babalikan. Wala ka ng mga pangakong kailangan tuparin."
Tumayo si Alexandra saka hinila si Anastasia paalis ng canteen.Nanghina ang mga tuhod ni Anastasia pagkarating nila sa classroom nila. Silang dalawa lang ni Alexandra ang nandito dahil walang pasok at malaya silang makakapag-usap. Ni-lock ng kaibigan niya ang pintuan.
"Ayos ka lang? Dapat pala sinabi ko na kaagad sa iyo eh. Ang kapal ng mukha niyang bumalik ah. The image of him saying those words he said earlier really irritates me."
"Uuwi nalang siguro ako, Alex. Hapon narin naman. Magpapahinga nalang ako doon."
Naglalakad siya sa hallway nang ma receive ang text galing kay Primo na matatagal pa raw itong umuwi. Kaagad na nanlumo siya sa nabasa at mas lalong nalungkot. Pero ang lungkot niya ay napalitan ng galit at inis nang makita kung sino ang kaharap niya.
"Hon--"
"Huwag mo akong matawag tawag na 'hon' Brett. Mandiri ka nga, and why did you come back? To ruin everything?" Humakbang ito at hahawakan sana siya pero kaagad niya itong tinampal at sisigaw na sana nang may magsalita.
"Don't you dare touch her."
Parehas silang napalingon dito at abot langit ang kaba niya nang makitang si Primo ang nakatayo. Para itong pagod sa trabaho.
"Brett, si Primo. Asawa ko. Ngayong nakita mo na siya, I'll hope you'll stop."
Saka siya tumalikod at hinila na si Primo palayo sa lugar na iyon.
Katahimakan ang namayani sa kanila habang nagmamaneho si Primo pauwi sa bahay nila. Nanginginig ang buong kalamnan nia dahil maitim ang aura ng lalaki at mahigpit ang pagkakahawak sa manibela.
"Sino 'yon?" Malamig na tanong nito kasabay nang pagpatay nito sa makina ng sasakyan.
"Si Brett... e-ex ko." Nauutal niyang pag-amin. Naka kunot noong lumabas ng sasakyan si Primo at hindi siya pinagbuksan. Doon siya nanlumo. Ano, hindi siya nito pagpapaliwanagin?
"Bakit magkasama kayo kanina?" Taning nito nang makapasok sila sa bahay. Wala silang katulong dahil gusto ni Primo na silang dalawa para walang ibang makakaalam kung magkaka problema sila pagdating ng araw.
At ngayon nagkakaproblema na nga, Anastasia.
"I don't know why he's there. Nagkausap na naman na kami--"
"And you let him talk to you?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya na nagpa init ng dugo niya pero pilit niyang kinakalma ang sarili.
"Hindi ko gustong kausapin siya, okay?" Sagot niya sa medyo may kataasang toni. "Pinaliwanag ko lang kung bakit hindi na pwede--"
"And I even saw it! You let him touched you!" Napaigtad siya sa pagsigaw nito.
"And I'm sure you saw how I slapped away his hands too!" Sigaw niya saka tinahak nalang ang kusina para sana iwasan na magkasagutan pa silang dalawa ni Primo.
"I don't get it! Dalawang araw palang ako sa Australia pero umuwi na agad ako. It's because I wanted to see you! Kahit gabi ginawa ko ang trabaho ko para maka uwi ako kaagad tapos yon ang madadatnan ko? Really?! What the fvck is that! "
Halos mapahiyaw siya dahil sa pagsigaw nito ay itinabig rin nito ang vase na nasa mesa dahilan para mahulog ito at mabasag. Tiningnan niya ang itsura nito, he look like a mess. Gulo-gulong buhok, nakaluwag na neck tie, at long sleeve na tinupi nito hanggang braso. What a beautiful mess. Ni hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan nito.
"Can you lower down your voice Primo!"
"It's bullshit!" Sigaw parin nito sa kaniya.
"At kasalanan ko pa 'yon ngayon? Kasalanan ko pa na nandoon siya nang hindi ko alam? Kung kasalanan ko man, then I'm sorry. My apologies. Kung iyan lang rin naman pala ang sasabihin mo, mas mabuti pang huwag nalang tayo mag-usap."
Mabilis siyang umalis sa kusina at tinahak ang daan papunta ng kwarto niya. Ayaw niya ng kumain, nawawalan na siya ng gana.
YOU ARE READING
When Maldita Falls In Love
RomanceIf you are her, would you chose to fight to get what you truly deserves? Or you would stop and give up, thinking everything was already over? Anastasia Valenciano Primo Zacharus Vince