Chapter 7

44 4 0
                                    

Asia's POV

Lumabas ako ng kusina at pinuntahan ang gawi nila. Nakita ko ang paglunok ni Primo dahilan ng pag ngisi ko. Natatakot ka ba na may malaman ako Primo?

"Anong nangyayari dito?" tanong ko sa kanila.

Tiningnan ko si Zandria. Maganda naman to at may katawan rin. Eskandalosa nga lang?

"At sino 'to? Eto bang pinagpalit mo sakin Primo? Babaeng nerd at nakasalamin? Wow! Nag iba na pala ang taste mo ngayon Primo?" Sabi niya at dinuro duro pa ako pero malakas kong tinampal ang kamay niya dahilan ng pagsinghap ng ibang bisita.

"Wag mo akong dinuduro duro. Di mo ako kilala." sabi ko sa matigas na tinig na ikinalaki ng mga mata ni Alexandra at ikinatawa lang ni Zandria. Naramdaman ko ang kamay ni Primo na hahawakan sana ang laylayan ng damit ko pero umiwas ako.

Malamang ay alam na ni Alexandra ang mga susunod na gagawin ko kaya pinanlakihan niya ako ng mata.

"Hah. Talaga lang ah. Ano to Primo? Parausan mo lang?" May pangungutyang tanong nya kay Primo.

Iba rin ang tabas ng dila ng haliparot na to ah. Hoy! For your information, virgin pa ako gaga!

"Ms. Zandria, baka nakakalimutan mo? Lugar namin tong pinasok at pinunterya mo. Kaya umalis ka na dito dahil ginugulo mo ang party namin dito." sabi ko at tumalikod na.

Wala akong mapapala kung papatulan ko 'tong isang 'to.

"Baby--"

Tiningnan ko sya ng matalim dahilan para tumahimik sya. Pang ilang beses niya na ba akong sinita?

"Kita mo 'to? Ha kita mo 'to?" tanong ko kay Primo at inangat ang kamao ko.

"See?? Primo ginaganyan ka niya. Ako di ko kayang gawin yan sayo."

Pagmamakaawa niya kay Primo.

"Hoy maharot kang babae ka. Umalis ka na dito. Wala kaming panahon para sa'yo dito. Umalis ka na kung ayaw mong may mangyari sa mukha mo." Sabi ko sabay irap at tumalikod na sana.

Di ako bababa sa level niya para lang patulan sya.

"Hoy! Di ako maharot! Kinukuha ko lang ang akin. Ikaw ang malandi dito. Mang aagaw, wag ako ang takutin mo gago!"

Sigaw niya kaya natigil ako sa paglalakad. Nag igting ang panga ko sa sinigaw niya. Really huh. Bakit kasi si Primo pa naging fiancé ko napapasabak pa tuloy ako sa away away ng kababaihan dahil sa kanya.

Patayin ko nalang kaya to para matapos na. Kung gaguhan lang naman pala, game na game ako dyan.

Tingnan natin sinong unang mamamatay.

Dahan dahan akong lumingon sa kanila.

Luminga linga ako sa paligid para makita ang mga reaksyon nila. Ayoko talaga makipag laro.

"Alam kong mahirap maging haliparot pero mas mahirap ibalik ang mukha mo kapag sinira ko na."

Ngumisi lang sya. "Try me. Wag mo kong takutin."

"Anastasia stop!" sigaw ni Alexandra sabay harang sakin kay Zandria. Nag compress narin lahat dahil mas malapit kami ngayon kesa kanina.

Nakahawak sa braso ko si Primo pero kaagad na nakawala ako doon dahil sa galit nang itulak ni Zandria sa pool si Alexandra. Nabigla ang lahat at napunta kay Alexandra ang atensyon.

Sinamantala ko na ang pagkakataon. Isang malutong na suntok ang ginawad ko sa mukha niya. Na sinundan ko pa. Hindi ako naninikmura. Sa mukha ako dumideretso.

"Ang sabi mo ako ang kalaban mo gaga ka dinamay mo kaibigan ko?! Babasagin ko na ang mukha mo ngayon palang! Wag na wag kang magpapakita saakin!"

Naramdaman ko ang pagyakap saakin ni Alexandra sa likod ko kaya tinigilan ko na sya.

Tiningnan ko ang basag nyang mukha. "Hindi kita tinatakot Zandria. Binantaan pa lang kita."

Dumudugo ang ilong niya. So what. Wala akong pakealam. Siya nauna. Mali ang kinalaban niya.

Tiningnan ko si Alexandra na umiiyak. Kahit basa sya ay niyakap ko parin sya.

Nag iisa lang ang tunay na kaibigan ko. 'Diko hahayaang pati sya mawala pa sakin.

"Magpalit ka na sa loob. Dito ka na matulog." sabi ko sa kanya at pinauna na sya.

"The party is over. Thank you for coming." Malakas na sabi ko at pumasok na rin.

Noong paakyat na ako ng hagdan ay may yumakap saakin sa likuran. Alam kong siya yun kaya di na ako nakaangal pa.

"Ano ba Primo. Madidisgrasya tayo nyan eh." Sabi ko kasi sabay ang bawat paghakbang namin sa hagdan. Para kaming robot na nasobrahan sa battery.

"Ayaw mo no'n? Kung mahuhulog ka kasama mo ako." Sabi niya tapos hinalikan ako sa pisngi.

Malakas na tumawa ako noong naramdaman kong parang bumabagal na ang paghakbang namin. Tapos mas humagalpak pa ako noong natigil kami. Natahimik sya sa ginawa ko kaya natigilan rin ako.

"I'm sorry. Masyado na ba akong maingay?" nakayuko kong tanong.

Pero ginulat niya ako sa naging sagot niya.

"You're so gorgeous when you smile and laugh. That's my girl." Then he smiled sweetly. Parang sasabog ang puso ko sa lakas ng kabog neto. Diko alam kung paano mag react at kung ano ang isasagot ko.

Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata nya.

"Ewan ko sayo, dyan ka na nga." sabi ko at nauna na sa direksyon ng silid ko.

"Hoy di ka dyan matutulog! Tabi tayo sa kwarto ko no!" Sigaw ni Primo sa likuran ko. Nilingon ko sya at sinigawan rin pabalik.

"Hoy mo rin! Ayoko nga! Baka mauna pa ang honeymoon kesa kasal wala akong tiwala sayong gurang ka!" Sinisigaw ko yun habang nasa harap na ako ng pintuan ng kwarto ko.

"Aba! Ayaw mo bang magkaanak sakin?" Nanlalaking matang tanong niya sakin. Mabilis pa sa alas kwatro ang kamay ko at binato sa kanya ang sapatos ko.

"Aba napaka putàng*ina mo talagang gurang ka! I hate you!"

"You don't mean it."

"Yes I do, pakyu!" Tapos ay dali dali akong pumasok sa kwarto ko at kaagad na ini-lock yon.

Sumandal ako sa likod ng pintuan ko at ganoon nalang ang tili ko nang kumalabog ito.

"Jusmio marimar itong gurang na 'to!" Nagsimula na akong magdasal sa iba't ibang santo at diwata sa mundo.

"Open this damn door or I'll break it dammit!"

Nagsimula ng magliparan ang mga paru-paru sa loob ng tyan ko.

"Tang*na gurang biro ko lang yon! Wag masyadong seryoso kaya ka tumatanda ng maaga eh!" Sigaw ko para siguradong marinig niya sa labas.

Ngunit ang inaakala ko ay hindi natupad, "Bubuksan mo 'to o sisipain ko?!"

Nag sign of the cross pa ako bago dahan dahang binuksan ang pintuan at ang madilim niyang mukha ang sumalubong saakin.

When Maldita Falls In LoveWhere stories live. Discover now