Chapter 24

26 0 0
                                    

Nagising si Anastasia sa mahimbing na tulog niya dahil sa naalimpungatan siya sa sobrang ingay. Nang mamulat niya ang mga mata, doon niya naalalang baka itinuloy nga nila ang kasiyahan sa baba. Sobrang bigat ng pakiramdam niya pero napagdesisyunan niyang bumaba kumain at para narin sumilip.

Pagkatapak ng paa niya sa garden ay nakita niyang nag hire pala ng banda ang mga loko. Babae pa yong bokalista.

"Shuta." Mura niya. Gustong-gusto niya sa mga banda pero masama nga lang ang pakiramdam niya ngayon. Nakita niya sa isang gilid si Mighty. Mag-isa lang ito sa mesa at may iniinom na sa malayo pa lang alam niyang Alfonso na dahil sa kulay ng bote nito.

Nilapitan niya si Mighty at umupo sa tabi nito. Hindi yata siya nito napansin dahil patuloy lang ito sa pag-inom habang nakatuon ang pansin sa banda.

"Di kaya tayo batuhin ng kapit-bahay natin niyan dito? Anong oras na ba?" Pukaw pansin siya dito para mapansin siya ng lalaki.
Mukha pa itong nagulat dahil sa biglaang pagsulpot niya.

"You don't have to worry...look..."  At may itinuro si Mighty. Nang tingnan niya ito, nakita niya ang mga kapit-bahay niya sa isang malaking mesa na masayang nagkukwentuhan. Natawa siya sa isipan niya, smart ass.

Napatango-tango nalang siya at dadampot na sana ng bote ng alak pero tinapik ni Mighty ang kamay niya. "What?" tanong niya dito.

"You are not allowed to drink liquors, may sakit ka diba? You said you were having a headache?" Strikto ang tono ng pananalita nito at hindi niya ito nagustuhan.

"It's just headache, baka dextrose lang ng alak ang makakapagpagaling sakin---"

"Paano kung hindi?" Mas lalong kumunot ang noo ni Anastasia sa sinabi nito. Lasing na ba ito? Binitawan niya ang bote ng alak saka sumandal ulit sa upuan niya sabay tanong kay Mighty. "Are you drunk? You look like you are, Might---"

"What if you're pregnant?"

Anastasia's POV

"What if you're pregnant?" 

Those words silenced my whole soul. Was it possible? Hindi nalang ako umimik pa at tumikhim nalang kasabay nang pagtugtog ng banda.

Unang strum palang ng gitara ay napapikit na ako at napamura sa isipan. There are so many songs to sing, why this one? Bakit Pusong Ligaw pa? Nananadya ba ito?

"Di kita malimutan
Sa mga gabing nagdaan
Ikaw ang pangarap, nais kong makamtan
Sa buhay ko ay, ikaw ang kahulugan
Pag-ibig ko'y walang kamatayan, ako'y umaasang muli kang mahagkan."

Napalunok ako. Hindi dahil sa sobrang uhaw ko sa alak, kundi dahil napapalingon saakin ang mga bisita nila dahil saakin nakatingin ang babaeng bokalista. Sinulyapan ko si Mighty, "Hindi naman siguro tibo yang bokalista nila di'ba?"

Tinawanan niya lang ako, "Hindi. Saka hindi sa'yo nakatingin iyan, kundi saakin." Inirapan ko siya sa sinabi niya. Ang hangin ng loko.

"Ikaw parin, ang hanap ng pusong ligaw
Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan
Pag-ibig mo, ang hanap ng pusong ligaw
Mula noon, bukas, at kailan man.

Ikaw at ako, isinulat sa mga bituin
At ang langit sa gabi ang sumasalamin
May roong lungkot ag pananabik kung wala ka'y kulang ang mga bituin
Aasa ako babalik ang ligayang aking mithi

When Maldita Falls In LoveWhere stories live. Discover now