Chapter 4

64 5 0
                                    

Asia's POV

"Uuwi ka ba? Ang lakas ng ulan."

"Alangan namang dito ako matulog? Malaman palang nina mom and dad, mag isip pa yun ng ano ano, maikasal pa tayo ng mas maaga."

"Oh eh di sige! Umuwi ka! Alam mo naman sigurong delikado ngayon no? Ang lakas lakas ng ulan at madulas ang kalsada!"

Sigaw ko rin pabalik sa kaniya. Sira ulong ito.

Sige! Umuwi siya para madisgrasya siya tapos mamamatay siya at di matutuloy ang kasal!

"Huh! Alangan namang dito ako matulog?"

"Saan pa nga ba!"

"Well, okay lang naman na dito ako matulog. Basta tabi tayo." tapos kumindat siya sakin.

Yakkkk! Nakakasuka pengeng balde!

"Hindi. Sa sahig ka matutulog, gusto mo?" taas kilay kong tanong sa kaniya.

Nag pout lang ang gurang.

"Wag kang mag pout. Para kang pato. Di bagay sa'yo. Gurang ka na. "

Umirap ako saka humiga na.

"Di ka pa ba matutulog? Paki off nalang ng ilaw kung matutulog ka na ah." sabi ko sabay talukbong ng kumot.

Masarap matulog ngayon dahil malamig ang temperatura.

Ramdam ko na tumabi sya saakin pagkatapos niyang I off ang ilaw.

"Anastasia, have you ever been fall in love before?" nakatalikod ako sa kaniya kaya di ko alam kung ano ang itsura niya habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.

"Yes? Maybe? I'm not sure kung love ba yun." Sagot ko ng di kumukurap.

"Hah? Ang gulo mo. May naging ex ka na ba?"

Wow ah? Siya ba talaga tong kausap ko? Himala at parang hindi.

"Yeah. Bakit ba tanong ka ng tanong? Ano bang pakealam mo?"

Tanong ko pero di nya sinagot.

"Ngayon ba, naniniwala ka parin sa love?" dagdag pa niya.

Wow ah! This is so personal na.

"No. Hindi na. I stopped already. I don't want to be hurt again. I don't want to be broken again. All these years, last year ko palang nabuo ulit ang pira-pirasong puso ko. At ayaw ko na mapira-piraso pa ito ulit."

Matigas na sabi ko. I suddenly remembered Brett. The man who broke my heart into smallest pieces.

"People say if you want to love, you should prepare yourself. Kasi kung magmamahal ka dapat handa kang masaktan."

Hugot rin tong lalaking to. Ano bang nakain nito? Dahil ba to sa sabaw na hapunan namin kanina?

"Alam ko yan. Kahit na handa kang masaktan, things happened unexpectedly. Things happens when it's supposed to be. Maybe hanggang doon lang talaga kami. Wala na akong magagawa pa do'n."

"Ba't di mo hinabol?Ba't di mo man lang pinaglaban?"

"G*ago! Muka ba akong aso para maghabol? Muka ba akong sundalo para lumaban?"

"Easy. High blood ka naman eh. Nagtatanong lang naman ako. " Natatawang sagot nya.

"Eh ikaw ba? Nabiktima ka na ba ng landi sabay iwan?" tanong ko sa kanya hoping na di sya magagalit or whatever.

But to my surprise, tumawa sya ng bonggang bongga.

"What?! Ano bang nakakatawa sa tanong ko?!" Singhal ko sa kanya.

"Never. Di pa nangyayari sakin yan."

"Oo nga naman. Di naman kasi ikaw ang nilalandi. Kasi ikaw ang nanglalandi."

"Whatever. Tell me more about your ex Anastasia."

"Inuutusan mo ba ako?"

"Yes."

"Who you?!"

"Fiancé mo."

"Uso na ang stalk ngayon, gurang."

"Kukunin ko pa cp ko? Ikwento mo nalang."

"Ayaw ko nga!" inis na sabi ko sabay patak ng isang butil ng luha ko hanggang nagtuloy-tuloy na.

Naaalala ko yong mga panahong magkasama pa kami. Mga panahong masaya kami at walang problema. Ngunit naalala ko rin ang panahong niloko at pinagpalit nya ako sa iba.

"Hey. Are you crying? Are you okay?"

"I'm okay." tipid kong sagot.

"Really? Why do you have to pretend that you are okay even if you're not?"

"Sira ulo ka pala eh! Tinanong tanong mo ako tapos di mo naman pala ako paniniwalaan. Gurang kang loko ka!" sabi ko sabay yakap ng unan ko.

"Face me Anastasia."

"Sabi ng di Anastasia pangalan ko eh! ASIA! ASIA! Hindi ka ba napapagod kakabanggit ng Anastasia na yan? May mas madali naman."

"Ang maldita maldita mo. Haharap ka saakin o hihilain pa kita paharap!"

Ano yan? Order na yan di na yan pakiusap.

Humarap ako sa kaniya. And to my surprise, sira ulo nga siya.

Bakit? Kahit nakaharap na ako sa kaniya ay hinila niya parin ako papalapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit.

"P-primo what are yo--"

"Just stay still baby. Just like you. Takot narin akong maiwan at masaktan. Total doon lang rin naman hahantong lang lahat, bakit hindi nalang natin totohanin diba?"

Diretsohan niyang sabi saakin.

"P-primo, sira ka na ba? Tapos na ang April fools day. Isang araw lang yun." natatawang sabi ko sa kaniya.

"No. I'm serious Anastasia. I am going to court you. And I will make sure you will gonna say YES."

"Wow confident. Sino ba ang ex mo at ipapatokhang ko? Mukang malala ginawa niya sayo eh." tapos tumawa ako ng sobrang lakas.

Pero ang gurang, kumunot ang noo at mukang napikon ko yata.

"Paano kung sabihin ko sayo na hindi mo pa ako nakikita sa school ay matagal na kitang sinusubaybayan?"

Natahimik ako at sumeryoso ng mukha.

"Primo what are you talking about?"

"Gusto na kita noon pa Anastasia. Palihim kitang sinusulyapan sa malayo. Kapag dumadalaw ako kay mom ay minsan dinadaan ko ang room niyo para masilip lang kita. So tell me, am I joking?"

Out of blue akong napatingin sa kaniya.

"Oo--este maybe?"

"Why? Do I look like a joker?"

"Uhm, 40%?"

"Tss. Never mind. Let's just take a sleep. Ano bang schedule mo for tomorrow?" tanong nya.

Wow! Biglang naging interesado.

"Hapon pa ang klase ko. May trabaho ka diba?"

"Yah. Pero ihahatid muna kita." sabi niya saka dahan dahang nilalagay ang kamay ko paikot sa tyanan niya para yakapin rin siya pabalik.

Ewan ko kung anong sumapi saakin at this time di ako umangal o nag maldita man lang. Sumabay nalang ako sa bawat galaw nya at di pumalag noong mas hinila pa niya ang katawan ko palapit sa katawan niya.

Ang malamig na pakiramdam ko kanina ay nawala na. Ayaw ko ng masaktan pa pero parang gusto ko ulit na sumugal.

No! This can't be. I need to stop myself.

But God!

What are you doing to me Primo Zacharus Vince!

When Maldita Falls In LoveWhere stories live. Discover now