Chapter 19

24 0 0
                                    

"Pinagsawaan lang?"

"Baka naman kasi laspag na kaya iniwan nalang?"

At nagtawanan ang iba pang kalalakihan na nagpahinto sa paglalakad ni Anastasia. Napapikit siya sabay buntong hininga at nagpatuloy lang sa paglalakad. Kailangan niyang magmadali dahil marami pa siyang iisipin.

"Anastasia, tutal pinagpalit ka naman na ni Primo...baka naman." Nakakabastos, pero pinili niyang kumalma. Kahit pa alam niyang naaapakan na ang pagkababae niya.

"Isang putok lang, Anastasia." Tumigil siya at hinarap ang limang binatilyo na kanina pa pala nakasunod sa kaniya. Tahimik narin ang buong unibersidad, siguro ang iba ay gumigimik na ng kaniya-kaniya.

"Kung wala kayong masabing matino, umalis na kayo. Ako na ang nakikiusap at magpapakumbaba."

Aakmang hahawakan siya nito sa braso pero may bumalibag dito. Pagtingin siya sa gumawa, lalaki. Matangkad, matangos ang ilong at chinito. May kasama itong babae na matangkad, mahaba ang buhok, at chinita rin.

"We are sorry for that Ms. Anastasia, it won't happen again." Blangkong ekspresyon ang binigay niya sa babae dahil hindi niya naman ito kilala.

"Na huli lang kami ng ilang minuto, pasensiya na." Sabi ng lalaki, habang sinuntok sa sikmura ang lalaking hahawak na sana sa kaniya.

"Glory..." Mabilis na tumango ang babae sa lalaking chinito saka hinabol ang apat na lalaking tatakasan na sana ang pang babastos sa kaniya. Sa di kalayuan nakita niyang nandoon na si Brett at Alexander na tinutulungan ang babae sa pagbugbog don sa mga kalalakihan.

"Tama na yan, tama na ang graduation gift na yan sa kanila."

"Matitikman ka rin namin Anastasia!" Kahit may dugo na lumalabas sa bibig ng lalaki ay di siya nagdalawang isip na tadyakan ito sa mukha.

"ANASTASIA, ito si Mighty. Siya ang magiging body guard mo. Ito naman si Glory, ang magiging spy natin. Magkapatid sila at napakilala na kita sa kanila kanina lang."

Nginitian niya ang ginang at ganon rin ang ginawa niya sa magkapatid. Nakita niya pa sa gilid ng mga mata niya ang pag-abot sana ni Mighty ng kamay sa kaniya pero dahil di siya nakaharap dito ay ibinaba nalang nito.

"Hindi ko nama na po kailangan ng body guard ma, sa bahay lang naman ako habang wala pa akong trabaho."

Hinawakan ng ginang ang kamay niya. "Kailan iyan. Di natin alam ang panahon, kung anong susunod na mangyayari."

Naupo na sila lahat at may naalala siya.

"Ma, yong private investigator po?"

Bumukas ang pintuan sa gitna ng usapan nila at iniluwa nito si Alexander. "Wazzup!"

Magtatanong na sana siya kung bakit ito nandoon pero bumati pabalik sa kaniya si Mighty. "Wazzup bro! Sa wakas, magkakasama tayo sa trabahong ito."

Fck.

"Fvck you Alexander." And she showed him her middle finger.

The music was loud but she heard how Alexander laughed at her expression. "I'm sorry, Ana."

"You keep it from me?! Kaya pala nakibugbog rin kayo ni Brett doon kanina, kasi, ikaw pala ang private investigator."

Nilagok niya ang ibinigay nitong vodka. "Wag ka magpakalasing masyado Ana, kilala ko yang si Mighty. Baka i check in ka niyan mamaya."

"P0tangina mo talaga Alexander." At humagalpak na naman ito ng tawa. Pati rin ang bartender na nakikinig pala sa kanila ay natawa narin dahil sa malakas niyang pagmura.

"Ana, to tell you frankly, di ko rin alam kung ano ang nangyari. Ang alam ko noon, mahal na mahal ka ni Pimo. Kaya pati ako nagulat, biglang ganon nalang. Pero wag ka mag-alala, gagawin namin lahat---"

"You don't have to Alex..." Tumingin siya sa bartender, "Five shots of vodka."

"Why?" Tanong ni Alexander na ngayon ay seryoso na.

"Baka hindi na kailanganin ang ganiyan. Baka nasa tamang huwisyo naman si Primo. Baka...b-baka...hindi niya na talaga ako m-mahal. O m-m-minahal. Baka l-laro lang yon Alex."

At tumulo na ang luhang kanina niya pa pinipigilan.

Nilingon ni Alexander ang table nila sa gilid at nakitang naka tingin sa kanila si Mighty at Glory. Sinenyasan niya ito na okay lang silang dalawa.

"Yang si Mighty, maasahan ba talaga yan? Ba't ganoon..." Inilapit niya ang bibig sa tenga ni Alexander at bumulong. "mukhang manyakis?"

Humagalpak ng tawa sa kaniya si Alexander at nahampas hampas pa ang mesa. "Lasing ka na Ana, tara iuuwi ka na namin."

"Naiihi ako Alex, bumalik ka na doon. Babalik ako kaagad, ihing ihi na ako sa pagmumukha mo."

Natawa sila parehas sa sinabi niya. "Papasamahan kita kay Mighty---"

"Napaka tarantado mo talaga kahit kailan, Alex. Lalaki yan, ipagkakatiwala mo ako dyan?"

Itinaas ni Alex ang dalawa niyang kamay na tila ba ay sumusuko na sa kaniya.





INILABAS niya ang cellphone niya pagkapasok niya sa cubicle at hinalungkat ito.

Tumulo kaagad ang luha niya nang makitang litrato nilang tatlo nina Primo at Cooper na nasa hardin at naka upo sa bermuda grass habang nakangiting nakatingin sa camera. Hindi pala totoo yong kapag iinom ka makakalimutan mo lahat ng sakit. Dahil ngayong naka-inom siya, mas lalo niya lang naalala lahat. Mas lalo nita lang naramdaman lahat ng sakit. Na para bang isa-isang isinaksak sa puso niya ang mahahabang kutsilyo at wala siyang ibang magawa kundi tiisin ito at umiyak nalang.

Kahit nahihilo ay pinilit niyang titigan ng mabuti ang matatamis na ngiti ni Primo kasabay noon ang patuloy na pag-iyak niya. Nakita niyang madaling araw na at posibleng tulog na ito sa ngayon pero tinatagan niya ang sarili niya. Gagawin niya na ito para isang bagsakan na, para isang iyakan at inuman nalang rin.

Dahan-dahan niyang inilagay sa tenga niya ang cellphone niya at pinakinggan ang pagring nito. Naka ilang ring na ito at nawalan narin siya ng pag-asa, baka may ginagawa ito ngayon kasama si Veronica. Mas lalo siyang humagulgol sa naisip. Baka ginagawa nito ang mga bagay na ginagawa nilang dalawa noon.

Ibababa niya na sana ang cellphone niya nang...

"Hello? Who's this?"


When Maldita Falls In LoveWhere stories live. Discover now