Chapter 8

43 3 0
                                    

Pareho silang dalawa na hindi alam ang nararamdaman. Bago pa lang sila magkakilala pero sobrang lapit na nila sa isa't-isa. Kaya naisipan ni Anastasia na dumistansya na kasi mahirap na. Sa dalawang buwan nilang pagsasama ay mas nakikilala nya eto. Minsan malambing, minsan mabait pero mas madalas suplado.

Nagmamadaling bumaba ng kotse si Anastasia at pumasok na sa loob ng gymnasium ng university nila. Ngayong araw lang siguro sya hindi nahatid ni Primo kase di nya sinabi. Iwas iwas na teh, para hindi masaktan. Oo nga nililigawan sya neto hanggang ngayon pero di pa nya sinasagot ang binata.

Nakakalito rin kasi ang sitwasyon nila, nakaka bwesit.

Ngayong araw ay judge sya sa isang  pageant na mga bakla ang mga lalahok.

Like duh, akala mo naman may alam ako sa mga ganito at ako pa ang isa sa mga kinuhang judge.

Nagmamadali syang naglakad kase baka nagsisimula na nang biglang nakita nya ang kotse ni Primo. Natigilan sya at kinabahan. Alam nyang magagalit at di na naman sya nito papansinin. Di pa ba sya nsasanay? Eh ganun talaga yong gurang na yon.

At di nga sya nagkamali, tatlo silang hurado.

Una, ang dakilang fashionista na wala na sa lugar --- Laila Nasi!

Pangalawa, isang gurang na napaka suplado pero maskulado --- Primo!

Pangatlo, palaban at maldita parang dragon pero may pusong ginto --- Anastasia!

Pumapagitna sa kanila ni Laila si Primo. Mayroon silang walong kandidata na ikinainis nya. It's almost 7 in the evening pero wala parin syang hapunan.  Gusto man niyang makinig sa emcee pero nadi-distract sya kay Laila na ang daldal kay Primo.

"Wag masyadong high ang expectation sa mga candidates natin beh ha? Baka walang manalo."

Natawa sya sa  tinuran ng nasa kabilang linya.

"Depende na yon saakin no. Ano pa at nilagay nila akong hurado dito."  sagot nya kay Alex.

"Wag ganyan beh. Wala talagang mananalo dyan. Di bale, ipanalo mo nalang yung section natin ah? hihi." Aba loka loka tong babaeng ito. Ano to briefing na agad agad?

Sasagot pa sana sya nang biglang nagpalakpakan ang mga tao kasabay ng pagtawag ng pangalan niya. Mabilis naman syang tumayo sa pagkaka-upo at kumaway kaway.

Walang ngitian beh?

"Who's that?"  barakong-barako ang boses ni Primo habang tinatanong yun sa kanya. Napatingin sya dito at doon rumagasa ang mga iniisip nya. 

Dalawang buwan na pala ang nakakalipas pero ngayon niya palang eto natitigan ng ganito ka lagkit? Or kalapit?

Echoserang ito, bawal malagkit teh baka mabuntis ako. 

Ngayon niya na realize na kahit tinatawag niya itong gurang ay ang gwapo pala neto. Kissable lips and pointed nose?  What a perfect creation of God. 

"Alexandra." sagot niya sabay lapag ng cellphone niya sa mesa nila. Kaagad naman yong kinuha ni Primo sa mesa at pinakealaman.

Password niya, birthdate nito at password rin nito ang birthdate niya. Sinong nag set no'n? Si Primo lang rin. 

"Starting now, use my phone instead. I will use yours." biglaang sabi neto at inilapit ang sariling upuan at idinikit sa kanya.

Tangina bawal to ah? Baka sabihin nila bias kami.

"Ha? Bakit?"

"May nag text sayo kanina, unknown number. Di nelete ko na sa cellphone mo pero kinuha ko number. I'll kill that dumbass, balak pa yatang agawan ako." sabi nito sa matigas na boses.

Possessive, jealous or guni-guni ko lang yun?

Di niya na ito pinansin at  nag focus nalang sa mga kandidata sa jeans wear attire nito. She keeps on showing her bored look pero she can't deny that she was amazed by the candidates lalo na sa mga introductions nito.

And when the Q&A comes, sila na mga hurado ang magbabato ng mga tanong na witty.

"How are you feeling tonight?" tanong ng emcee sa C#1

"I'm nervous because it is  Ms. Asia who will ask me a question." nagtawanan naman ang mga tao pati narin sya.

Pero alam niyo ang tawang nagpamangha sa kanya?  Yong tumawa si Primo ng mahina malapit sa tenga niya. 

"Let's call on Ms. Asia to ask you your question candidate number 1."

Kita nya ang pag-aalangan sa mukha ng #1 kaya nginitian nya ito.

Ghawd, ganun na ba ako kasamang tao?

Primo hold her hand at babawiin niya sana ito pero bigo sya.

Kaya nagbato sya ng tanong na magkahawak ang mga kamay nila at ang mas nakaka intriga,  pinipisil pa neto ang kamay niya. 

Ang sweet diba?

Sweet sana kung may gusto kami sa isa't-isa. 

"Hi good evening candidate #1. Don't be nervous di naman ako nangangagat..." Napuno ng tawanan ang gymnasium dahil sa sinabi niya. Pati si Primo ay napa halakhak narin.
"So my question is,  mas maganda rin ba ang ikot ni Ms. Universe 2018 Catriona Gray kesa sa ikot ng buhay mo?"

Napuno ng tawanan ang gym at tumikhim ang C#1.

"Thank you for the awesome question Ms. Asia. I believe hindi. Kasi lahat po tayo may kanya kanyang ikot ng buhay at di natin pwedeng i base ang kagandahan neto sa ikot na slow-mo twirl lang ni Ms.Universe. And I~ thank you!"

Napatango-tango lang sya. 

"Sa tingin mo, sino mananalo?" Tanong ni Primo sa kanya pero nakatingin ito sa sariling papel.  Sa di niya malaman na kadahilanan ay napatitig ulit sya dito. 

Tangina kung lalaki lang siguro ako malamang naikama ko na tong gurang na 'to. 

Biglang umingay ang buong gym na nagpabalik sa huwisyo niya at doon niyap lang na realize na tinutudyo na pala sila ng dalawang magka partner na emcee. 

"Oh lovebirds natin dyan, ang tamis ng titigan natin Ms. Asia ah? " at dumoble ang ingay sa gym. Hiya kaagad ang lumukob sa kanya lalo na noong pinasadahan sya ni Primo ng tingin sabay ngisi. 

Tangina sa tanang buhay ko,  unang pagkakataon ko to. 

"Pinagkakatuwaan nyoko paglabas nyo ng gym, tumba kayo." Banta ni Anastasia sa dalawang baklang emcee na natatawa.

Ramdam niya na inakbayan sya ni Primo kaya tinanggal niya ito pero mapilit ang gurang.

10:30 na noong natapos sila at may party pa raw silang mga school and classrom officers sa rooftop at syempre, alam niyang may alak na naman doon. 

Papunta sila ngayon ni Primo sa rooftop pero natigilan sya. 

"Teka,  di ka naman isa sa mga school or classrooms officers ah?  Bakit ka sasama?" Nakakunot noong tanong nya kay Primo pero kinunotan lang rin sya nito ng noo. 

Pumasok sila sa loob ng elevator ng sagutin sya neto,  "Bakit? Bawal bang samahan ang asawa ko?" at inakbayan siya pero mabilis niya itong siniko. 

"Di pa nga tayo kasal eh, echosero tong gurang na'to."

Idinikit pa ni Primo ang katawan neto sa kanya, it's the first time na naramdaman niya ang ganito.'Yong parang may isang taong pinagdadamot at inaangkin ka. 

"Kaya nga, di pa nga tayo kaya pinagdadamot  kita. Di pa nga tayo kasal kaya  binabakuran na kita, akin ka kaya.  Swerte naman nila pag napa sakanila ka. Gagawa pa tayo ng pamilya."

Napa ubo sya sa huling sinabi nito.

Talaga? Yon talaga ang iniisip nya ha. 

When Maldita Falls In LoveWhere stories live. Discover now