"Saan ka pupunta?"
Kaagad na tanong ni Mighty pagkababa ni Anastasia ng hagdanan. Nakabihis kasi ito at mukhang may pupuntahan.
"Clubbing." Walang gana ang boses nito at halatang wala pang pahinga. Napatayo si Mighty sa sofa, "Sasama ako."
"Natural, bodyguard kita." Nairita siya sa loob loob niya sa naging sagot ng amo pero kailangan niyang magtimpi. At intindihin nalang rin ito dahil sa pinagdadaanan nito ngayon.
Naka backless pa ito ng top na kulay maroon at naka shorts lang na maong. Sasabihan niya sana ito na magdamit ng maayos para hindi ito mabastos, pero anong silbi niya bilang bodyguard kung hindi niya ito babantayan at poprotektahan.
Hay, kung hindi lang magkaibigan ang mama niya saka mama ni Primo hinding-hindi niya ito gagawin. Lalo na noong nabasa niya ang backgroud ng babae, minsan bastos magsalita at madalas matigas ang ulo.
"Asia, nag club ka na kagabi. Kung magpapakamatay ka sabihin mo sakin at ako na mismo tatapos sa paghihirap mo." Sumulpot bigla si Alexandra sa harapan nila at hinarangan ang pintuan.
"Alam mo namang hindi ko kaya---"
"Ako nalang bibili ng inumin, dito ka nalang uminom."
Nakita niyang umirap si Anastasia sa hangin. " As if naman magiging masaya---"
"I'll call some friends, let's throw a pool party here. Wag lang sa labas." Agad na singit ni Alexandra. Huminga ng malalim si Asia saka sumagot.
"Fine."
Asia's POV
Umakyat ako pabalik sa itaas nang may maalala ako.
Noong paakyat na ako ng hagdan ay may yumakap saakin sa likuran. Alam kong siya yun kaya di na ako nakaangal pa.
"Ano ba Primo. Madidisgrasya tayo nyan eh." Sabi ko kasi sabay ang bawat paghakbang namin sa hagdan. Para kaming robot na nasobrahan sa battery.
"Ayaw mo no'n? Kung mahuhulog ka kasama mo ako." Sabi niya tapos hinalikan ako sa pisngi.
Malakas na tumawa ako noong naramdaman kong parang bumabagal na ang paghakbang namin. Tapos mas humagalpak pa ako noong natigil kami.
Pinunasan ko ang mga luhang tumulo mula sa mata ko. Palagi nalang ako naiiyak, palagi nalang akong lugmok, palagi nalang akong tulala. At lahat yon ay dahil kay Primo. Parang nawalan ng kalahating piraso ang mundo ko, iyon bang mapapaisip ka na babangon ka pa ba o hindi? Iyon bang, parang gusto mong tumakbo kung saan para makapag isip-isip?
I needed to change my life. Sa linggo, magsisimba ako. Baka yon nalang ang comfort na hinahanap ko.
Napasandal ako sa pintuan ng kwarto ko nang makaramdam ako ng pagkahilo at parang bumabaliktad ang sikmura ko.
"Hey are you good up there?"
Rinig kong tanong ni Mighty sa baba kasabay nang pagrinig ko sa mga yapak niya paakyat ng hagdanan.
"I'm alright! No worries Might." At dumiretso na ako sa kwarto ko.
Napatingin ako sa kalendaryo sa may ding-ding. It's 28th of March and I should be on my period. Maybe dahil sa kakainom ko ito. Pati narin siguro yong pagkahilo ko dahil rin sa pag-iiinom ko kagabi.
UMAKYAT SI MIGHTY sa itaas para katukin si Anastasia para ayain muna na kumain para naman magkalaman ang sikmura nito bago ito sasabak sa inuman.
Kakatok na sana siya sa pintuan pero nakabukas ito, kaya tumuloy na lamang siya. Pagkapasok niya ay narinig niya itong sumusuka kaya kaagad siyang dumiretso doon at nakita niyang nakaluhod ito sa sahig at sumusuka sa inidoro.
Kaagad siyang pumasok at tinulungan ito. Suka parin ito ng suka at halatang nanghihina na ito dahil naka kapit na si Anastasia sa braso niya habang ang isang kamay niya ay nasa likod nito at humihimas.
"Are you okay? What happened?"
Tumango lang ang dalaga sa tanong niya. "Tissue please."
"Do you need water?" Umiling lang ang dalaga sa tanong niya at humiga sa kama.
"I need rest Might. My head hurts so much. Nasa sainyo na kung itutuloy ninyo ang kasiyahan, matutulog lang ako dito."
Nagtaka siya kaagad, parang kanina lang gustong gusto pa nito umalis at mag clubbing pero ngayon nakahiga na ito at tumatanggi na.
Kaagad siyang bumaba sa sala at nagtungo sa kusina. Pinakain niya ang mga aso saka tinawagan si Alexandra na wag nalang ituloy ang napag-usapan dahil ayaw niya narin na maistorbo ang tulog ng amo niya.Nag ring ang cellphone niya at pangalan ng mama ni Primo ang nakalagay sa caller ID.
"Hijo, nandyan ka ba ngayon kina Anastasia?"
"Opo, bakit po?"
"It's hard for me to say these, kasi ginusto ko naman to. Para sana sa ikakabuti ng lahat---"
Pinutol niya ang pagsasalita ng ginang dahil nakaramdam siya ng kakaiba at masama ang kutob niya.
"Diretsahin niyo nalang, ma'am."
"Primo found out. He found out that I hired you and your sister to do this job. Hindi siya naniniwalang may nagbago, ang sinasabi niya saakin ay pinaglaruan at ginamit niya lang si Anastasia kaya wala ng rason pa para kumuha ako ng mga kagaya niyo. I don't even know what's happening to him, kung bakit biglang si Veronica na naman. Pag-uwi niya dito, kasama niya na si Veronica. Walang nagbago sa pakikitungo niya saamin maliban nalang sa naging mainitin ang ulo niya, ganyan siya dati---"
"Aalisan niyo ho kami ng trabaho?" Hindi nakasagot ang nasa kabilang linya. "Ayos lang ho. Wag po kayo mag-alala."
Binaba niya na kaagad ang tawag at napaisip ng susunod na gagawin.
NAPAHILOT SA SINTIDO si Mighty. Tinawagan niya si Glory at sinabi ang pinag-usapan nila ng ginang saka sinabihan itong umuwi nalang.
"Kuya, we are almost there! Ngayon pa ba tayo aatras? Kitang kita ko sila mula dito sa condo ko oh."
Sumasakit na ang ulo ni Mighty, bakit pa kasi biglang atras. Okay lang sana kung kaya ni Anastasia mag-isa pero parang hindi. Napaka hirap nitong iwanan, baka mamaya bigla pa itong mag suicide.
"What are we going to do now? Tinigil na ni tita. Wala tayong makukuha dito Glory---"
"Oh come on! Importante pa ba kung may makukuha tayo o wala? Let's just help her, she's in pain and I'm sure she's also curious about what really happened. I bet she's just masking it up and hiding her pain by drinking---"
Mighty thought about it for seconds. Can they make it? Never mind, they'll find a way to make it.
"Fine, Glory... fine. We'll help her."
YOU ARE READING
When Maldita Falls In Love
RomanceIf you are her, would you chose to fight to get what you truly deserves? Or you would stop and give up, thinking everything was already over? Anastasia Valenciano Primo Zacharus Vince