Chapter 9

17.8K 270 13
                                    

Erika's POV

"Rome...hindi pwede." lumuluhang sabi ko sakanya. Hinawakan niya naman ako sa kamay.

"Why? Hindi ba dapat maging masaya ka? Si David ba ang tatay nan?" Naluluhang tanong niya saken. Alam kong nasasaktan si Rome, matagal niya na kase akong hinihintay na ligawan, pero lagi akong tumatanggi.

"Rome, ikakasal na si David..." Umiyak na ako ng tuluyan at tumungo. Napabitaw naman siya sa kamay ko ng marinig iyon.

"Fvck it Hyacinth! hindi pwede, kailangan niyang panagutan iyang bata jan sa sinapupunan mo!" Napatingin naman ako sakanya, galit na galit siya ngayon habang naka sabunot sa buhok niya.

Hinawakan ko naman siya sa braso para pakalmahin. Hindi ko naman kase alam na aabot pala sa ganto. Kung in good terms lang sana kami ni David ngayon edi sana masaya akong magkakaanak na ako. Pero hindi eh, ikakasal na siya at ayoko naman makasira ng isang relasyon. Alam ko kase ang pakiramdam.

"Rome please..." May bahid ng pagmamakaawa ang tinig ko sakanya.

Bumuntong hininga lang naman siya at tumingin saken.

"Hyacinth look, siya papakasalan lang pero ikaw magkakaanak na. Kaya mas uunahin ka ni David."

Uunahin kaya ako ni David? Pero hindi ako ang mahal niya.

"And one more thing, kapag hindi yan pinanagutan ni David, magkakagulo ang pamilya niyo tsaka pamilya ni David." Puno ng sensiridad ang boses ni Rome.

Ayoko naman mangyare yon, kilalang kilala ko ang pamilya ko, wala silang sinasanto kahit na sino basta pagdating sa mga kadugo nila.

"Susubukan ko, Rome." Napabuga naman ako ng hangin. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon.

Napahawak naman ako sa tyan ko at napangiti. Kahit papano naman masaya akong magkakaanak na pala ako.

"Wag mo subukan, gawin mo." Sabi niya at lumapit saken para halikan ako sa noo.

Buti nalang talaga may isang tulad ni Rome na handa akong tulungan kahit pa alam kong nasaktan ko siya.

I admire the people. Who's continue to be strong even though they alaways been hurt so many times.

* * * * *

Tatlong linggo na ang nakalipas simula nung malaman kong buntis ako. Tatlong linggo na ren ang nakalipas ng huli kong makita si David. Ang sabi nila nasa ibang bansa daw si David, kasama yung kabit---i mean yung fiancè niya.

Isang buwan narin akong buntis, mejo nananaba na nga ako eh. Buti nalang hindi napapansin nila kuya.

"Erika naman! Kung maglihi ka naman kase grabe!" Pagod na pagod na umupo si Lynn at Althea sa tabi ko.

Nandito kami ngayon sa baguio bumibili ng strawberry. Ito kase ang pinaglilihian ko atsaka gatas.

Alam nadin nila na buntis ako. Sinabi ko sakanila nung sumunod na araw nung malaman kong buntis ako.

-FLASHBACK-

"ERIKA!" Nagmamadali naman akong nilapitan nung dalawa. Tinawagan ko kase sila at sinabi kong pumunta sila sa unit ko.

Tatalunin sana nila ako ng yakap ng bigla ko silang pigilan.

"WAIT!" Nagtataka naman silang tumingin saken.

"Oa mo naman! Bat mo ba kami pinapunta dito? Ano, okay ka na ba?" Puno ng pagaalala ang mukha nila pareho.

Sinarado ko naman ang pinto at pinaupo ko sila sa couch.

WCS1: David Zachary Grey's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon