Chapter 27

10.2K 146 3
                                    

Erika's POV

"Please, Erika. Samahan mo naman ako sa mall."

"Nasa work ako Thea, ano bang gagawin mo sa mall? Kay Lynn ka nalang magpasama." I sighed over the phone.

Ewan ko ba dito kay Althea, nagpapasama saken sa mall. Ghod! Ano kami bata? Madami na kaming priorities na kailangan gawin at wala sa listahan ko ang pagmamall. Its my work hour.

"I can't contact Lynnsey, as i know nag-away na naman ata sila ni Damon. So please Erika samahan mo naman ako." Wala sa sariling napairap ako. Kailan ba sila hindi nag-away?

"Ano ba kaseng gagawin mo sa mall?!"

"Ahm. May bibilhin lang naman ako na kailangan ikaw ang kasama ko. So please?"

Napabuntong hininga nalang ako.

"Fine, wait me there." Pagkasabi ko non, binaba ko na agad ang tawag at inayos na ang gamit ko. Nasa mansion naman si Althea, kakauwi lang daw niya don after niyang makipag away kay Ryan.

"Ah, shiela. Ikaw na muna bahala dito. May pupuntahan lang ako." Bungad ko kay Shiela pagkalabas ko ng office.

"Sige po maam."

Tinanguan ko lang siya atsaka umalis. Kung hindi niyo natatandaan, si Shiela ang secretary slash P.A ko.

Ano na naman kayang kaylangan bilhin ni Thea sa mall? Bakit ayaw niya nalang ipabili sa P.A niya? O kaya naman sa buttler niya, or sa maids. Like the ef? Bat kailangan kasama pa ako at kailangan siya ang bumili.

"Damn!" I cursed out of nowhere.

Pagkalabas ko ng elevator may mga bumabati pa saken dito pero di ko sila pinansin. Badtrip talaga ako! Simula pa kanina pag pasok ko! Ewan ko ba, nag bago na naman ang mood ko. Lalo na pag naiisip kong hindi na naman nagpaparamdam si David!

Dahil sa pagiisip ko ng malalim hindi ko na alam na nabunggo na pala ako sa isang semento.

"Ouch!"

"Erika! I'm sorry, are you okay?"

Oh hindi naman pala semento. Isa naman pala tong malaking tao, bakit ang cute niya ngayon? Ang gwapo niya sa paningin ko! Wtf!

"Hi Rome! A-anong ginagawa mo dito?" Masiglang tanong ko sakanya matapos niya akong itayo.

"Are you okay? I'm sorry hindi kase kita napansin sa pagmamadali ko. I'm---" I cut him.

"Hey stop! Its okay, i'm okay. By the way ano nga palang ginagawa mo dito? Long time no see. Namiss kita!" Hindi pa man siya nakakapagsalita ng bigla ko siyang ambaan ng yakap. Matagal pa bago ko naramdaman ang yakap niya pabalik.

"Yeah, namiss din kita. How are you?" Tanong niya saken matapos naming maghiwalay sa isat isa.

"Always fine. Ay siya nga pala, hindi pa ako nakakapag sorry sayo sa ginawa ni David nung huli tayong nagkita. I'm very sorry sa ginawa ni David sayo.." Sincere na sabi ko sakanya. Pano ba naman nung huling kita namin sinapak siya ni David sa bar, remember?

Natawa naman siya ng bahagya bago sumagot.

"It's okay. San ka nga pala pupunta? Bat parang wala ka sa sarili mo?" Kunot noong tanong niya saken.

"Ah yeah, wala stress lang sa work. Pupuntahan ko si Althea. Eh ikaw bakit ka napa daan dito?"

Bago pa man niya masagot yung tanong ko ay may tumawag na sakanya.

"Rome!"

Isang babae naman ang nagmamadaling lumapit samin. She's so gorgeous, she's small yet have a good body figure.

WCS1: David Zachary Grey's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon