Seven

213 23 19
                                    

Palabas na ako ng gate ng boarding house namin at inaayos nalang ang necktie ng uniform ko nang may narinig akong bumusina sa harap ko.

Pagkatingin ko, si Baby Junhui ko lang pala na nakaupo sa driver's seat saka nakadungaw dun sa may glass window.

Hala, muka naman akong pick-up girl dito. Kaso, nakauniform nga lang.

Napangiti ako nong nakita sya. "Baby Haoi! Tara na! Sabay na tayo." anyaya nya saakin kaya naman agad akong naglalakad papunta sa pinto ng kotse nya at pumasok doon.

Nang makaupo ako sa shotgun seat, bumungad sa pandinig ko ang Cherry Blossom Ending na kinanta ni Jun ng Seventeen.

Humarap sya saakin saka ngumit. Omg?! Muka kaming magsyota, hihihi. "Tara na?" tanong nya na agad naman akong tumango.

Nagsimula na syang magdrive at sa kalagitnaan ng biyahe ay agad nyang hinawakan ang kamay ko saka ininterwine iyon sa kamay nya.

Tumingin ako sakanya at saktong napatingin sya saakin. Pero ang pinagkaiba, yung mata ko, nanlalaki, yung sakanya normal lang kaya naman napatawa sya. "Oh bat ka natawa dyan? Muka ba akong clown?" tanong ko saka tinaasan sya ng kilay.

Napatawa sya ulit ng mahina habang nagdadrive at hawak ang kamay ko, "Wala, wala. Ahahaha." Hala loko to ah.

Di ko nalang sya pinansin saka pinindot yung buttons sa radio nya at pinalitan yung music. Yung Night and Rain ni The8 ng Seventeen din.

Favorite ko kaya to.

Habang nakikinig sa tugtog, isinandal ko yung ulo ko sa may sandalan ng upuan at umidlip muna sandali.

Pero nabalik yung diwa ko nung naramdaman kong tumigil yung kotse ni Baby Jun at inalog-alog nya ako ng kaunti at sinundot-sundot yung pisngi ko. "Gising ka muna Baby Haoi ko."

"Nasa school na ba tayo?" tanong ko at kumusot ng mata.

"Wala pa. Nandito tayo sa drive thru ng mcdo. Almusal muna tayo. Anong gusto mo?" Aba hanep. Di nagalmusal para lang masundo ako ng maaga? Wow.

Naginat ako ng kaunti, "Kahit ano nalang. Bahala ka." sagot ko saka tinignan ang cellphone ko, 6:30 palang? Ang aga pa ah.

Saka ang bilis ata? Nako, ginamit nanaman ata netong lalaking to yung sportscar nya na kabilin-bilinan kong wag nyang gagamitin kapag magkasama kaming dalawa.

Natatakot ako eh. Racer pa naman tong si Jun.

Tumango sya saka dumungaw, "Ano miss, dalawang order ng pancakes, fries, saka coffee." rinig kong sabi nya.

Pagkatapos ng ilang minuto, binigay na sakanya yung order nya saka nya nilapag dun sa lalagyan malapit sa kambyo ng kotse nya.

"Kainin nalang natin habang nagdadrive."

"Ha? Pano ka kakain?"

"Oh edi subuan mo ko. Problema ba yun? Lam ko naman na labs mo ko, diba?"

Napairap ko ng bahagya at pinipilit na itago yung ngiti ko, "At ano namang konek non?" tanong ko saka binuksan yung isang order ng pancakes, yung sakanya.

Mamaya ko na kakain yung sakin. Huehehe.

Tinusok ko ng tindor yung hiniwa kong pancakes saka nilapit sakanya na agad nya namang kinuha gamit ang bibig nya saka nginuya.

At ganon na nga, habang nagdadrive sya papuntang school, kumakain kaming dalawa ng pancakes tapos ang loko nanghingi pala ng straw para sa kape. Aba malupet.

Nang makarating kami sa parking lot ng school, saktong naubos na namin yung pagkain tapos naimis ko na rin kaya hindi ko napansin na lumabas na pala sya.

At nagulat nalang ako ng pagbuksan nya ako ng pinto. "Hala sya oh, di mo naman kailangan." natatawang sabi ko sakanya saka sinukbit ang bag ko sa balikat ko at yung pancakes sa loob.

Nagkibit balikat nalang sya saka umakbay saakin papunta ng school.

Look what just Haneng did here. Kinikilig sya na nasasaktan right now.

Nang makaakyat na kami sa senior high building, hinatid nya na ako sa room namin which is five rooms away lang mula sa room nya. Oha oha oha.

Tumigil kami sa harap ng pinto, "Baby, babye na ah? Ingat ka! Wag ka matulog sa klase! Babye, labyu!" pangaral nya saakin na kala mo naman tatay ko sya.

Bago sya umalis, sumigaw sya. "Text nalang tayo kapag free time! Babye Baby! Wo ai ni!" sigaw nya habang tumatakbo.

Hanggang sa makarating sya sa room, nakasilip ako at nakangiti. Pinagmamasdan sya hangang sa mawala na sya sa paningin ko.

a false hope | junhao [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon