Tahimik lang akong nakaupo sa isa sa mga upuan dito sa loob ng simbahan, katabi ko sila Mia na ngayon ay tahimik din. Nakikiramay ata saakin ngayon.
Habang inililibot ko ang paningin ko, nakita ko si Junhui sa isang tabi, kausap sila Mingyu. Napakagwapo nya talaga lalo na't nakatuxedo sya ngayon.
Ngayong araw na ang kasal nya. O diba, kahit bestman nya ako, mas pinili ko nalang na manahimik at umupo nalang.
Minsan ko rin tong pinangarap, ang makita si Junhui na nakasuot ng suit, hinihintay akong pumasok sa loob ng simbahan. Natupad naman ang pangarap ko eh, kaso hindi nga lang sya ikakasal saakin. Kay Wonwoo.
Biglang may nagsalita, hudyat na simula na ang kasal kaya naman agad akong tumayo papunta kay Junhui saka tumabi sakanya at kila Hansol na bestman din nya.
At nagsimula na ang seremonya, nakita ko na naglalakad na si Wonwoo hyung papasok na ng simbahan kaya naman agad akong napangiti.
Okay lang ako.
At pagkatapos, opisyal nang ikinasal sila Junhui at Wonwoo hyung.
🍃🍃🍃
Pagkatapos ng kasal, agad kaming hinatid sa catering na malapit sa beach at ngayon, kasalukuyan kaming nakaupo nila Mia, Autumn, Aika saka Inang sa table namin.
Yung iba naming kasama? Ayun, nalamon na. Tuwang-tuwa nga sila kasi may chocolate fountain eh.
"Haoi, tahimik mo ah." biglang salita ni Mia habang naiinom ng iced tea.
Bumuntong hininga ako, "Wala lang to Mia, pagod lang ako. Labas muna ako ha? Papahangin lang ako." saka tumayo. "Kung hahanapin ako ni Jun pakibigay nalang to." dugtong ko saka may inabot na papel sakanya saka umalis na.
🍃🍃🍃
Pagkatapos umalis ni Minghao, lumapit naman si Jun sa table nila Mia. "Mia, si haoi?" hindi sya sinagot ni Mia na busy kakakain pero may inabot naman itong papel, "Okay thankyou." sabi nya saka lumabas at pumunta sa seaside.
Pagkapunta nya sa labas, nakita nya si Minghao na nakaupo sa buhanginan, pinagmamasdan ang dagat.
Lumapit sya dito, "Haoi."
Nilingon sya ni Minghao saka ngumiti, "Uy, gege."
"Kamusta na?" tanong nya saka umupo din sa buhanginan.
"Nabasa mo yung letter?"
"Oo."
"Congrats, gege. Kasal ka na."
"Salamat,"
"Kamusta ka na, Haoi? For the past seven years in States?"
"It's fine. My life is just fine. Aral, part time job, aral, and goes on."
"For the seven years... May naging boyfriend ka ba?"
"Wala."
"It's been seven years Haoi since uh... We have a serious talk."
"Yeah." sagot nya saka tumayo na.
Habang nakatayo, magkatitigan parin sila sa isa't-isa, "Gege, pwedeng makahingi ng favor?"
"Yeah, sure."
"Yakapin mo ako, kahit hindi na totoo,"
Hindi sumagot si Junhui ngunit agad nyang niyakap si Minghao, gaya lang ng dati.
Napangiti silang dalawa sa gitna ng yakap, at hinawakan ni Junhui ang mga hibla ng buhok ni Minghao.
“I love you so much, gege. At kung saan ka, masaya na rin ako.”
×××
“After all of these years, kahit may asawa't anak ka na, mahal parin kita.”
BINABASA MO ANG
a false hope | junhao [DISCONTINUED]
Historia Cortafalling inlove with his bestfriend was the worst thing that minghao did.