Twenty Six

130 20 3
                                    

"Huhuhu Haoi sure ka bang aalis ka na? Pwede ka pa naman magback out huhuhu," madramang sabi ni Kwan saakin habang may hawak na flower vase gosh, saan ba nanggagaling yang mga vase na yan dito sa bahay ni Inang?

"Kwan, kailangan ko ng umalis, ngayon na flight ko," sagot ko. "Saka wag kang umiyak, masagwa." dugtong ko.

Ngayon na ang araw na aalis ako, five days pagkatapos nang nangyari, after ng recognition ko sa university, napagdisesyonan ko ng umalis at pumunta nalang sa America para magpatuloy pa sa pagaaral ko.

"Haoi, ingat ka dun sa America ha? Wag mo na kaming iinform na kumain ka ng malalaking hamburgers dun saka mga masasarap na pagkain, basta ingat ka ha? Aral kang maiigi," pangaral saakin ni Haneng habang kunwari umiiyak at ginagaya si Kris Aquino sa pagiyak.

Natawa ako ng mahina, "Wow ha. Dati kung makasabi kayo ng shoo saakin noon, wagas. Tas ngayong aalis na ako, ayaw nyo naman?" tanong ko sakanila.

"Iba naman kasi yung biro sa totohanan!"

"Ganon ba? Ahahaha."

Tumayo na ako sa sofa saka sinukbit ang backpack ko saka hinila ang maleta ko palabas ng bahay. Siguro nga talaga kailangan ko ng umalis para makalimutan ko na sya. Magpaparaya na ako, wala rin naman akong laban sa simula palang eh.

Nang makalabas ako, nilingon ko ang buong tropang qt saka ngumiti sakanila, "Oy, aalis na ko. Magpakatino na kayo ha? Ilang taon din ako don." sabi ko saka niyakap silang lahat.

Humiwalay si Lalay, "Huhuhu Haoi! May comnection ka pa naman saamin, diba? Magfeface time ka naman saamin diba?"

"Hala ang oa mo uy, syempre naman."

"Haoi magpadala ka ng Chocolates minsan ah!" suggestion ni Seokmin na agad ko rin naman syang binatukan.

"Chocolates ka dyan! Pero sige, i'll try. Good luck sa mga lablyf nyo mga bakla ha?" saka lumakad na papasok sa taxi.

Nang umandar na ang taxi, binuksan ko ang cellphone ko saka tumambad ang litrato naming dalawa ni Junhui na wallpaper ko.

Biglang tumulo ang luha ko, "Mamimiss kita. Pero alam ko namang di ka malulungkot dahil kasama mo na ang taong mahal mo." saka itinapat ang daliri ko sa muka nya sa litrato.

"Sir andito na po tayo." sabi nung taxi driver kaya naman agad akong kumuha ng pera sa wallet ko at nagbayad saka bumaba na.

Bumuntong hininga ako at tinignan ang paligid, "Haoi, wala ng atrasan to," saad ko sa sarili ko saka pumasok na sa loob.

a false hope | junhao [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon