05

168 13 8
                                    

"WAAAAAH! MOON JUNHWI!"

"I LOVE YOU, JUNHUI!"

"SEVENTEEN I LOVE YOOOOOU!"

Iyan lang yan sa mga tilian sa paligid namin ang naririnig ko, napakaingay!

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa isa sa mga bleachers ng court dahil may laban na ginaganap ngayon sa basketball.

At lamang yung school namin, syempre.

Pinagmamasdan kong maglaro ng basketball si Junhui, ang galing nya. Kung hawakan nya yung bola, parang nahawak lang sya ng bolang pambata.

Dalawang araw na rin sumula ng iwasan ko sya gaya ng suggestion ng mga kaibigan ko saakin. Totoo naman eh, may boyfriend na sya, si Wonwoo, kapag dumikit pa ako sakanya lalo, ako rin naman ang mapapasama sa mata ng ibang tao.

At sa loob ng dalawang araw na yun? Inaapproach nya ako pero ako na rin ang naiwas sakanya.

Tinignan ko ang oras, 30 seconds nalang, lamang na ng 20 points ang school namin. Si Junhui ang may hawak ng bola, dinidribble.

Akala ko talaga, papatagalin nya lang para matapos na ang laro, kaso lumingon sya saakin at ngumisi ...

Saka shumoot ng 3 points at shumoot naman.

And that's it. Sabay-sabay na nagsitayuan ang mga fangirls nya sa paligid namin Nagsisitilian, nagsisigawan at tumatalon.

Naglabasan ang mga lobo and confetti sa loob ng court namin, finals nga pala ito, at championship game na.

Magsasalita sana ang announcer para icongratulate ang team pero biglang tumakbo papalapit si Junhui sa announcing table at inagaw ang mic,

"I LOVE YOU, XU MINGHAO! PARA SAYO YUNG PANALO NA TO!"

Lahat ng fangirls nya ay napatigil at biglang lumingon saakin, hala.

"ALAM KONG INIIWASAN MO AKO! KAYA NGAYON PARA WALA KA NG KAWALA SAAKIN AT PARA MATAWAG NA KITANG AKIN,"   Tumigil sya, ang tahimik dito, pati sila Autumn natahimik din.

"LILIGAWAN NA KITA."

At iyan ang huli kong malinaw na narinig bago magingay ang mga tao sa paligid ko.

Patay.

a false hope | junhao [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon