Ilang araw pagkatapos inannounce ni Junhui na liligawan nya ako, naging hot topic na ako sa buong university.
Hot topic na social climber at mangaagaw.
Masakit man sa damdamin ko yung mga sinasabi nila saakin, binabalewala ko lang yun kasi alam ko sa sarili ko na hindi yun totoo.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil gusto rin ako ng lalaking matagal ko ng gusto o malulungkot ako dahil ang tingin saakin ng ibang estudyante dito sa university ay mangaagaw.
Kasalukuyan kaming naglalakad nila Autumn dito sa corridor, break namin at napagpasyahan naming bumalik nalang sa room at wag na matagal sa labas ng room dahil sa nangyari.
Habang naglalakad, biglang nagsalita si Mia, "Okay ka lang, Haoi?" tanong nya kaya naman napalingon ako agad sakanya.
Napalingon ako sakanya, "Okay lang ako." sagot ko saka ngumiti.
"Lately kasi, parang lupaypay ka eh. May kinalaman ba dyan yung nangyari sa finals?" gatong ni Haneng habang nakain ng chips.
Kaya naman agad syang pinektusan ni Tamiah, "Loka ka! Pinaalala mo pa!"
"Eh? Sorry naman. Malay ko ba."
"Uy ano ba? Okay lang yun. Di naman big deal saakin." malumanay kong sagot kaya naman napatahimik silang dalawa.
Nang may nakasalubong kaming mga babae, agad silang napatingin saakin ng may halong pagkajudgemental.
“Uy girl, sya yung liligawan daw ni Junhui diba?”
“Hay nako, ang pangit pala ng taste ni Junhui ano? Mas maganda pa nung sila ni Wonwoo eh.”
“Social climber ata eh. Gusto sikat.”
Oo, masakit. Pero kailangan tiisin.
"Hoy ano ba?! Wala ba kayong respeto ha?! Lakas ng apog nyong sabihan ng kung ano-anong masasakit na salita si Haoi ah?!'' sigaw ni Haneng saka hinubad ang sapatos nya, "Lumayas na nga kayo bago ko ibato sainyo tong sapatos ko!" pagbabanta nya.
Akmang pipigilan sya nila Autumn pero si Tamiah kinuha lang ang chips nya saka kumuha.
Agad namang umalis yung mga babae, natakot ata.
"Uy Haoi okay ka lang? Pag ako talaga nainis dun babato ko sakanila sapatos ko." tanong saakin ni Haneng.
"Okay lang ako. Tara na uy,"
Habang naglalakad kami, nakayuko lang ako. Parang ayoko ng pumasok.
Nagtaka ako ng maramdamang tumigil silang apat kaya naman inangat ko ang ulo ko.
At tumambad saakin si Junhui. Sa harap ko.
“Haoi, can we talk?”
BINABASA MO ANG
a false hope | junhao [DISCONTINUED]
Short Storyfalling inlove with his bestfriend was the worst thing that minghao did.