Twenty Seven

127 15 6
                                    

Mabilis na pinaharurot ni Junhui ang motorsiklo nya papunta sa boarding house nila Minghao, nang malaman nya mula kay Hansol na aalis na si Minghao, hindi na sya nagdalawang isip pa na pumunta sakanila.

"Ang tanga-tanga mo kasi, Wen Junhui! Umamin na nga sayo na mahal ka di ka pa umamin!" pagsesermon nya sa sarili habang nagdadrive.

Mas lalo nya pang binilisan ang takbo ng motor nya, wala syang pake kung maoverspeeding sya o mahagip ng sasakyan o makahagip ng kungsino man.

Ang kailangan nya lang ay maabutan ang taong napakahalaga sakanya.

Pagkadating nya sa tapat ng boarding house, agad nyang itinigil ang makina ng motor saka tinanggal ang helmet at bumaba.

"Haoi?! Asan ka Haoi?!" saka pinindot ang doorbell.

Nakailang beses syang pumindot ng doorbell hanggang sa makita nyang lumabas sila Inang, Tamiah, Shyne saka Autumn.

Lumapit si Inang, "Oh Jun! Bat ka napunta dito?" tanong nya.

"Si Haoi?! Asan?!"

"Huh? Bakit mo hinahanap si Haoi?" tanong ni Aika.

"Basta... Asan si Haoi?"

"Wala na si Haoi, Jun," sagot naman ni Shyne.

"Anong wala na?"

"Umalis na si Haoi, Jun. Kanina pa. At matagal-tagal pa bago sya makabalik dito." sagot ni Autumn dahilan para tumulo ang luha nya.

Wala na sya, umalis na sya. Iniwan ka na nya, Wen Junhui.

Huli na ang lahat, kung kailan handa na syang sabihin ang nararamdaman, saka naman umalis na ang taong kanyang pagsasabihan.

Nasa huli talaga ang pagsisisi.

a false hope | junhao [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon