Epilogue

204 21 8
                                    

"XU MINGHAO!"

Agad akong napatingin kay Autumn, bigla ba namang sumigaw sa harap ko? Aba aba.

"Ano ba yon?" tanong ko sakanya.

"Haller, kanina ka pa kaya tulala dyan oy,"

Inayos ko ang pagkakaupo ko saka dinampot ang banana milk na nasa lamesa, "Ganon ba? Ano bang pinaguusapan nyo?"

"Sila Wonwoo at Junhui."

"Oh ano nanaman ba? Sila na, okay? Wala na tayong magagawa don,"

Jeon Wonwoo at Wen Junhui.  Sila ang trending ngayon sa isa sa mga sikat na “Couples” ng university. Basta, kung titignan mo silang dalawa, ang lakas talagang makarelationship goals nung dalawa.

Pano ba naman, ikaw isa kang player ng basketball and football team tapos member ka ng dance club tapos yung boyfriend mo ay sobrang talino at panlaban sa mga quiz bee's saka magaling pang magrap. Oh saan ka pa?

Pero sa totoo lang, masakit din eh. Masaya ako para sakanila lalo na kay Junhui na crush ko ka since elementary. Masaya ako para sakanya dahil naging sila na ni Wonwoo.

"Hala si Haoi magisa nangiti baliw na ata yan," asar saakin ni Haneng.

"Heh! Hindi pa ako baliw!" saad ko at tumayo, "Guys balik na ko sa room, di ko pa nagagawa assignment ko eh."

Tumango nalang sila at naglakad na ako paalis ng cafeteria habang bitbit ang banana at strawberry milk ko.

Habang naglalakad ako sa hallway, bakit pakiramdam ko may nasunod saakin kaya naman lumingon ako at wala namang nakita. Kaya nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Pero nung napadaan ako sa janitors room, nagulat nalang ako ng biglang may humila saakin papaloob.

"Hmph!!!" pagpupumiglas ko dahil nilagay nung lalaki yung kamay nya sa bibig ko.

"Shh, wag kang maingay please." bigla kong nakilala kung sino yung mayari ng boses. Si Junhui!

"Asan na si Jun?!" rinig ko ang sigaw ng isang babae sa labas.

"Ba-bakit mo ko hinatak?" tanong ko na medyo napalakas.

"Girls, narinig nyo yun? Parang may nagsalita sa loob ng janitor's room!"

"Sabing wag kang maingay eh!"

"Sorry na— hmph!" naputol ang sasabihin ko nang bigla nya akong...

Hinalikan.

















Matutupad na ba pangarap ko?

a false hope | junhao [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon