“Haoi can we talk?”
Sambit nya habang nakatingin saakin— sa mga mata ko. Pagkatapos ng tanong nya ay biglaang namayani ang katahimikan lalo na't nasa tagong parte kami ng corridor.
Okay na sana eh, kaso biglang may...
*prrrrrt*
May umutot. Si Seungkwan na nasa likod pala namin. Grr! Ang baho!
Inis ko syang tinignan, "Hehehe sorry," paumanhin nya.
Okay lang naman na umutot sya, eh! Kaso may amoy! Amoy basura!
Seryoso parin si Junhui na nakatingin saakin, walang epekto sakanya yung napakabahong amoy ng utot ni Seungkwan.
“Haoi, can we talk for just 15 minutes?”
Biglang hinarangan ako nila Haneng at Tamiah saka pumaywang, "Hindi pwede. Pagkatapos mo syang palabasin na social climber slash famewhore slash kabit mo?" sabay na sabi nila. Take note, sabay talaga sila.
"Ano bang kailangan nating pagusapa— Wen Junhui!!!!" hindi na natapos ang sasabihin ko nang bigla akong hinatak ni Junhui mula sa gilid saka tumakbo papalayo sa mga kaibigan ko.
Ilang minuto pagkatapos nya akong hatakin, naramdaman ko ang malakas at malamig sa simoy ng hangin at medyo makulimlim. Hala, nasaan kami?
Tinignan ko si Junhui na nakahawak parin ang kamay nya sa pulsuhan ko. "Asan tayo?"
Hindi sya sumagot ngunit naglakad sya papunta sa isang upuang kahoy saka binitawan ang kamay ko. "Upo ka muna."
Nang makaupo, kabadong tinignan ko sya, pinagmamasdan ang mga gagawin nya. Pero umupo lang sya sa may tabi ko.
"Haoi..."
Tawag nya. Pero hindi ako sumagot. Pinagmamasdan ko lang ang paligid ko. Nasa gubat kami at siguradong parte parin naman 'to ng school.
Hinawakan nya ang kamay ko, "Sorry Haoi."
Nilingon ko sya, "Sorry para saan?" tanong ko saka seryosong tumingin sakanya.
"Sorry kasi, kung hindi ko sana sinabi na gusto kita, hindi sana to mangyayari sayo."
Pinisil ko ang kamay nya, "Ano ka ba. Okay lang 'yun." malamya kong saad at ngumiti.
Pero sa totoo lang, hindi talaga okay. Masakit kasi yung mga sinasabi nila saakin eh.
"Hindi. Hindi okay at alam kong hindi dapat yun. Hindi mo deserve masabihan ng ganon, okay? Hindi ka ganon. Hindi ka ganon kaya nga kita minahal eh."
Lumakas ang tibok ng puso ko, talaga bang mahal nya ako?
"Junhui, magsabi ka nga ng totoo..." seryoso kong saad.
"Ano?"
“Talaga bang mahal mo ako?”
"Oo. Mahal na mahal kita, Xu Minghao,"
"Alam kong hindi ka naniniwala kasi ang alam mo ay magkarelasyon kami ni Wonwoo, diba?" tanong nya na tinanguan ko nalang.
"Pero alam mo ang totoo?" tanong nya saka lumapit saakin.
Hala, eto nanaman ba tayo sa pagnanakaw nya ng halik.
Habang papalapit sya, napapikit nalang ako saka mahigpit na hinawakan ang kamay nya na naka interwine saakin.
"Ikaw lang ang una at huli kong mamahalin,"
Huli nyang saad bago...
Naglapat muli ang mga labi namin sa pangatlong pagkakataon.
Wala nang atrsan 'to, alam kong walang mali sa pagmamahalan namin at wala akong pake kung mali man 'to sa mata ng ibang tao.
“I fell into the abyss of reject, too deep, too deep that I couldn't breathe.”
BINABASA MO ANG
a false hope | junhao [DISCONTINUED]
Short Storyfalling inlove with his bestfriend was the worst thing that minghao did.