01

193 14 8
                                    

"ANO?! HINALIKAN KA NI WEN JUNHUI?!" Sabay-sabay nilang sigaw dahilan para muntikan ko na silang mabato ng libro sa table ko ngayon.

Jusko, maiingay!

"Wag kayong maingay! Mamaya may makarinig saatin dito tas ikalat pa!" pabulong kong sigaw saka sumilip sa corridor kung may dumaan, wala kasing tao dito sa room kundi kaming lima lang.

"Weh, di nga, legit? Baka naman imagination mo lang yan gaya nung nakaraan na napanaginipan mo na mag bestfriend kayo ni Junhui." bulong ni Haneng saakin.

Sumandal ako sa upuan at bumuntong hininga, "Oo nga, legit. Diba kahapon umalis ako agad sa cafeteria? Habang naglalakad ako malapit dun sa janitor's room hinatak nya ako." paliwanag ko.

At kung tatanungin nyo kung anong nangyari pagkatapos? Ayun, bigla akong tumakbo palabas at direderetso sa room ng namumutla. First kiss ko yun, no!

"Waaaaw, so that explains why kaya ka mukang tinanggalan ng dugo pagpasok mo sa room." komento ni Autumn.

Bahagyang napatawa si Inang, "Ikaw ang unang lumabas papunta sa room tas ikaw ang huling pumasok sa room kahapon."

Bigla akong napaayos ng tayo, "Oi. Promise me one thing," seryosong saad ko.

"Ano?"

"wag na wag nyo tong ikakalat sa twitter, weibo, official website ng school saka sa official page ng school, maliwanag?"

Biglang ngumiti si Haneng ng may kakaiba saka nagpatuloy sa paggawa ng assignment, "Shore. Shoooooreee! No problemo eheheheh." sagot nya.

Nako, mukang masama ito ha.

a false hope | junhao [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon