“Anong meron sainyo ni Wonwoo?”
Dahil dun, agad syang napatigil sa pagtatype saka tumingin saakin, bakit parang ayaw mong malaman ko, Mingyu?
"Ah eh ano bespren..." sagot nya. Nakikita ko ang mga butil ng pawis sa noo nya.
"Bakit parang kabado ka, Gyu? May tinatago ka ba saakin?" tanong ko.
Napabuntong hininga sya at minasahe ang sintindo nya, "Hays. Paano ko ba 'to sayo sasabihin. Ngayong nagtatanong ka na..."
"Ano ba talagang meron sainyo?" tanong ko.
"Teka lang ah— bakit mo naman kasi natanong yan?"
"Nung kahapon kasi, habang papauwi na kami ni Junhui, dumaan muna kami sa locker area tas nakita namin kayo ni Junhui. Nakaluhod ka sa harap ni Wonwoo."
"Na-nakita mo yun?"
"Yeah. So ano ngang meron sainyo?"
Hindi sya sumagot at napapansin ko rin ang mga butil ng pawis na namumuo sa noo nya.
"Ah ano kasi bespren, ku-kung anong nakita mo... Kalimutan mo nalang yun, hehehe?"
Pumalumbaba ako, "Gyu naman. Kilala mo ako, kapag may tinatanong ako, kailangan ko agad ng sagot." saad ko.
"Hays, sige na nga sasabihin ko na sayo, kami kasi ni Wonwoo hyung, ano kami—" naputol ang sasabihin nya nang biglang nagtiliian ang mga kaklase kong babae.
"WONWOO OPPA!"
"OMG!"
Napalingon ako sa may pintuan kung saan nagkukumpulan ang mga babae at oo nga, andito si Wonwoo sa loob ng room. Pero bakit?
Sinundan ko sya gamit ang mga mata ko at nakitang papunta sya sa... Direksyon namin?
Nang makarating sya sa harap namin ay nagtitigan lang silang dalawa ni Mingyu. Seriously, wala na talaga akong alam kung anong nangyayari dito.
"Bumalik ka na pala." saad ni Wonwoo.
Ngumiti si Mingyu, "Hi Wonwoo hyung," bati nya.
Naguusap pa kayo eh nagusap na rin naman kayo kahapon eh.
"We need to talk," simpleng saad nya saka naglakad na palayo. Aba, kahit kailan talaga.
Nakita kong tumayo si Gyu mula sa kinakatayuan nya, "Aba san ka pupunta?" tanong ko.
"Maguusap lang kami, Haoi. Saglit lang ako, promise." huling saad nya saka umalis na.
Ano ba talagang meron sainyo?
BINABASA MO ANG
a false hope | junhao [DISCONTINUED]
Kurzgeschichtenfalling inlove with his bestfriend was the worst thing that minghao did.