Nakatitig parin ako sakanya habang sya ay nakangiti saakin. Anong ginagawa nya dito at bakit sya andito?
"Uy Haoi sila na ba yan— owemji?!" magsasalita sana si Haneng na kakarating lang pero naputol kasi y know, nagulat rin sya gaya ko.
Ngumiti sya saamin, "Uh, dumaan lang ako para ibigay to." saka inabot yung dalawang cake na galing pa sa tous le jours at dalawang box ng 10 pieces macarons.
Nang makita ni Haneng yung box, nagningning ang mata nya, patay gutom talaga. "Owemji para ba saamin yan?! Tenkyu ahe." excited na sabi nya saka kinuha ang cake at daling pumasok sa loob.
Nakakahiya talaga yung mga kaibigan ko, kainis. "Uh ano, sorry tungkol dun kay Haneng ah? Patay gutom din kasi yun, mahilig sa mga matatamis kagaya nila Seungkwan," nahihiyang sabi ko.
Natawa sya ng bahagya, "Okay lang, ahahaha. Alam ko rin naman yun kaya dalawang box ng cake saka macarons yung binili ko."
"Bakit ka nga pala napadaan dito? Baka naghihintay na si Wonwoo sayo."
"Ay oo nga pala may sasabihin lang ako," sagot nya saka lumapit ng bahagya saakin, di ako makagalaw! Feeling ko nakafreeze ang katawan ko, "Yung kiss nung nakaraang araw... Hindi ko pinagsisihan yun." saka inilapat nya ang labi nya sa labi ko.
Loading... 20%
50%...
70%...
80%...
90%...
100%.... Loading complete.
Bago pa magsink in sa utak ko yung nangyari, nakita ko nalang na kumaripas syang tumakbo papunta sa Lamborgini na kotse nya at mabilis na umalis.
Napahawak ako sa labi ko, anong nangyari?
Sino kayo? Sino ako?
Asan ako? Crispin, Basilyo, mga anak ko?
Nanakaw nya na ang first kiss ko, pati ba naman second kiss ko?
Huhuhu! Bakit ganon? Bawal yun ah! May boyfriend na sya tapos nanghahalik pa sya ng iba! Bawal kay Tito Sotto yan!
Pero kinikilig talaga ako, promise.
Pumasok ako sa loob ng bahay at sinara na ang pinto,
"Oh anyare? Nakuha nya ulit second kiss mo?" bungad na tanong saakin ni haneng.
Habang may hawak na platito at may isang slice na ng cake. Patay gutom talaga.

BINABASA MO ANG
a false hope | junhao [DISCONTINUED]
Short Storyfalling inlove with his bestfriend was the worst thing that minghao did.