"Huy baby ko!" agad akong napalingon dahil sa gulat ng boses sa likod ko.
Napairap nalang ako nang makita ang boyfriend kong matawa-tawa akong tinitignan habang may hawak na milkshake. Kaya naman agad akong napangiti, ang gwapo talaga ng bebe ko.
Umupo sya sa harap ko, "Tapos ngayon, ngingiti ka. Anong meron sa honeybunch ko ngayon?" tanong nya na ikinairap ko ulit.
Loko talaga tong lalaking to.
"Oh tapos masungit ka nanaman ngayon, buntis ka ba? Hao, wala pa nga tayong ginagawa!" kaya naman ay nabatukan ko sya.
"Loko ka!"
"Joke lang naman, mahal. Ano bang bumabagabag sayo at nagkakaganyan ka?" tanong nya.
Buti naman at naisipan netong itanong.
Napalumbaba ako sa lamesa, "Hay nako, buti nalang natanong mo Jun. Kasi eh, yung tungkol kila Wonwoo at Mingyu." sagot ko.
"Ha? Ano namang problema dun?"
"Uh, actually, wala namang problema. Nagulat lang ako."
"Nagulat saan?"
"Na may past pala silang dalawa?"
"Hm, alam mo mahal, kilala mo si Mingyu, kaya nya yun. Alam nya kung anong gagawin nya. Kaya siguro di nya na pinaalam sayo ay dahil ayaw nya na mamroblema ka."
"Eh ikaw? May namention ba sayo si Wonwoo hyung?"
"Meron."
Aba?
"ANAK KA NG TATAY MO, JUNHUI! MAY SINABI NAMAN PALA SAYO NI WONWOO HYUNG BAKIT DI MO SINABI SAAKIN?" sigaw ko. Pero tinawanan nya lang ako.
"Cute mo mahal, ahahaha. At saka bakit ko sasabihin sayo? Natanong ka ba?"
"aBA ABA AHSHAJSBS—!"
"Hehehehe, I love you, mahal!"
🌹
Sobrang sabaw ng part na 'to, as in. Wala na talaga kasi akong idea tungkol dito. btw malapit na palang matapos ang book two ng paasa. two chapters nalang. :)
HAPPY ADVANCED NEW YEAR!
BINABASA MO ANG
a false hope | junhao [DISCONTINUED]
Storie brevifalling inlove with his bestfriend was the worst thing that minghao did.