Minsan sa buhay,
May mga nagagawa tayong pagkakamali.
Minsan alam natin,
Minsan hindi.
May mga bagay rin tayong nagagawa na pwedeng,
Makasakit ng damdamin ng iba.
May mga maling desisyon tayong nagagawa.
Maling desisyon na di na pwedeng mabago pa.
Hindi ko alam,
Naguguluhan ako.
Nagulat ako sa sinabi mo,
Na ako'y mahal mo?
Di ko agad natanggap saaking sistema,
Ang dalawang salitang bintawan na,
Mahal Kita.
Nuong una,
Alam ko na hindi talaga kita mahal.
Pero gabi-gabi,
May maliit na tinig sa utak ko,
Na tila ba'y nag tatanong ng,
“Sigurado ka ba?”
Nang matanong saakin iyon,
Duon ko na nalaman,
Di ko parin kilala ang sarili ko.
At,
Mahal ko nga pala sya.
Sinubukan ko syang habulin sa araw ng pagalis nya,
Umaasang nandoon pa sya.
Dahil nais kong,
Ayusin kung ano ang kami.
Ginawa ko na ang lahat upang maabutan sya,
Ngunit di ata nais ng tadhana na magkita pa kaming muli.
Dahil sa araw na dumating ako para pigilin sya,
Wala na sya.

BINABASA MO ANG
a false hope | junhao [DISCONTINUED]
Short Storyfalling inlove with his bestfriend was the worst thing that minghao did.