Kasalukuyang naglalakad si Haoi palabas ng university nila, ilang araw nang ganito, magisa lang syang umuuwi, magisa ring pumapasok.
Pero hindi naman ibigsabihin non na kaya sya magisang napasok at nauwi ay dahil hindi na sya hinihintay ni Junhui. Alam nyang lagi syang hinihintay ni Junhui tuwing umaga para lang ihatid sya sa university.
Pero lagi syang umiiwas, maaga syang napasok lagi. Mas mabuti nalang para sakanya na umiwas sa lalaking mahal nya. Baka dahil dyan sa pagmamahal nya, may masira pa syang relasyon.
Habang naglalakad sya sa parking lot ng university, biglang may humatak ng pulsuhan nya dahilan para mapatigil sya sa paglalakad.
Nilingon nya ito, "Ju-junhui?" gulat na tanong nya. Hindi nya alam na naghihintay parin si Junhui sakanya nang ganitong oras.
Niyakap sya ni Junhui ng mahigpit, "Haoi..."
"Jun, bitaw." saad ni Haoi saka pilit na inilalayo si Junhui sakanya.
Pero mas malakas si Junhui sakanya, kaya hindi nya magawang kumalas sa yakap nito. At isiniksik ni Junhui ang muka nya sa leeg ni Haoi.
"Jun, bitawan mo na ko, please. Baka may makakita saating dalawa dito at ikalat pa na inaagaw kita kay Wonwoo hyung."
Hindi na sumagot si Junhui at hinatak si Haoi sa isang tagong lugar ng university na maraming puno at tahimik.
Pinaupo sya ni Junhui sa isang bench sa lugar na ito, "Haoi, sabihin mo kung anong problema mo, please."
"Problema ko? Marami, Jun. Marami."
"Pwede mo namang sabihin saakin yun Haoi eh, bestfriend mo ko, diba?"
"Oo. Ayun nga yung isa sa mga problema ko eh. Bestfriend mo lang ako."
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
"Jun, tama na please. Ako na ang nagmamakaawa sayo. Tigilan mo na tong ginagawa mo. Ako at ako parin naman ang masasaktan at nasasaktan eh."
"Ano bang ibig mong sabihin? Di ko maintindihan."
"Di mo ba nararamdaman Jun? O sadyang manhid ka lang? Gusto kita! Mahal kita, dati pa. Pero manhid ka lang!"
"Simula palang first year highschool tayo! Gusto na kita. Kaya nga ang saya saya ko nung naging magkaibigan tayo. Akala ko kasi kapag naging magkaibigan tayo, may chance na magustuhan mo rin ako gaya ng nararamdaman ko sayo. Kaso hindi, ilang taon na tayong magkaibigan pero mukang di mo talaga ako magugustuhan."
"At alam mo yung masakit? Ako etong matagal mo ng kasama at matagal ng may gusto sayo, hanggang kaibigan mo lang. Pero nagustuhan mo pa si Wonwoo hyung. Ngayon mo lang naman sya nakilala, ah? Bakit ganun, Jun? Ang sakit lang kasi sa puso na makitang masaya yung lalaking minamahal ko at pinapangarap ko sa piling ng iba na dapat ako."
"Mas pinili ko nalang na iwasan ka kasi kung lalo pa akong didikit sayo, masasaktan lang ako lalo. At ayokong masira ang relasyon nyo ni Wonwoo hyung, ayoko nang umasa sa mga “I love you” mo."
Tumayo sya at kinuha ang bag nya, "Kaya pwede Jun, hayaan mo na akong lumayo sayo. Kalimutan mo na ako at ang pagkakaibigan natin." saka naglakad na palayo.
Ngunit bago pa man sya makaalis nilingon nya ito, “Wen Junhui, pinapalaya na kita. Pero tatandaan mo ito, mahal na mahal kita.” huling sinabi nya bago tuluyang umalis.
At iniwan si Junhui na gulong-gulo ngunit ngayon ay umiiyak.
“Hindi naman lahat ng may ‘ I love you ’ ay love story na.” — Sid & Aya, 2018.
BINABASA MO ANG
a false hope | junhao [DISCONTINUED]
Cerita Pendekfalling inlove with his bestfriend was the worst thing that minghao did.