Fourteen

196 18 3
                                    

"Uy beh ano ba beh ano ba ang bagal maglakad ah? Ano, may lamay? Dalian mo beh. Ang hirap hawakan ng comforter na to susmiyo." pagrereklamo ni Cereal na ngayon ay hawak-hawak ang kabilang dulo ng comforter na ginawang 'belo' kuno ni Minghao

"Haoi! Jusq po! Kebagal maglakad! Ang bigat kaya ng comforter na 'to! Buti sana kung kumot lang eh. Kaso hindi. Comforter ang ginawa mong belo kuno!" reklamo rin ni Haneng na hawak din ang kabilang dulo ng comforter.

Humarap sakanila si Minghao, "Teka lang kasi! Nagiisip pa ako ng sasabihin ko mamaya! Wag kayong ganyan! Lalo akong napepressure eh." saka naman umirap. bakla talaga eh.

Humarap si Haneng kay Zyrill, "Cereal, pigilan mo ko, dali! Mapupulupot ko sa leeg ni Haoi tong comforter na hawak ko!"

Ang tagal ng nilakad nila mga bessy, susme kaigsi-igsi lang ng hallway na dinaanan nila mula sa kwarto inabot pa sila ng siyam-siyam.

aT SA WAKAS, narating din nila yung hagdan pababa ng sala at bumungad sakanila ang tropang qt na nakapoker face lang na nakatingin sakanila.

"O tapos ano? Bat ang tagal mo Haoi ha? Ano, nagmake up ka pa, ganon?" tanong ni Inang Lengleng.

Tinignan lang sya ni Haoi at di pinansin habang hawak-hawak ang isang flower vase na hindi nya rin alam kung saan galing. Feeling ikakasal ang lola nyo mga beh.

Naglakad si Haoi papunta sa sofa at nakita nya sila Tamiah at Aika na pumapagitna sa isang lalaking naka suot ng black fitted pants saka naka long-sleeved na white polo na nakatupi three fourt. Wao ang gwapi naman dis.

Tinignan sya ni Tamiah, "Uy Haoi pakalmahin mo na to grabe ngayon lang talaga kami nakakita ni Aika ng gwapo na umiiyak tapos ang gwapo parin." nagaalalalang sabi nya.

Naiimagine nyo bang umiiyak si fafi Jun ngayon? :'>

Umupo sya sa tabi ni Jun na umiiyak parin ngunit hindi sya napansin nito dahil nga mga beshie, kegaan-gaan ni Haoi anue ba.

"Uy, bat ka umiiyak dyan?" malambing na tanong ni Haoi kay fafi Jun.

Kahit na nasasaktan sya, wala naman syang magagawa eh. Di nya kayang magalit sa lalaking mahal na mahal sya.

Hala bat ang lakas maka K-Drama neto huhuhu shemay.

Umangat ang ulo ni Jun at tinignan si Haoi, "Ba-by Haoi ko..." naluluhang sambit nya.

The best crying awards goes to Mr. Wen Junhui ebriwan.

Hindi alam ni Haoi kung maawa ba sya o matatawa sa itsura ni Hunyo. Maga ang mata, yung bangs nya gulo-gulo at namumula ang ilong. Rudolf ata to mga bessy.

Kaya ayon, natawa nalang sya at saka hinagod ang likod ni Jun, "Bakit ka naiyak?"

Hindi sya sinagot ni Jun at niyakap nya nalang ito ng mahigpit na para bang kapag bumitaw sya, mawawala na si Minghao sa harap nya. Anla, ang lande mga b3h.

At yung tropang qt? Ayon, nasa kusina nakain na ng kung anong nandon. Wala na silang balak istorbohin ang JunHao na ngayon ay nasa madramang yugto ng buhay nila.

Nakayakap parin si Jun kay Minghao ng mahigpit, "Haoi, wag mo na ulit ako iiwasan ha." bulong ni Jun saka isiniksik ang ulo nya sa leeg ni Haoi.

Anla— aNONG nangyayare sa story ni Haneng sh0x.

"Sorry na po. Hindi na mauulit." sagot ni Haoi saka pinaglaruan ang buhok ni Jun sa mga daliri nya.

"Bakit mo kasi ako iniwasan nung sinabi ko sayo na gusto ko si Wonwoo?" tanong niya.

". . ."

Hindi sinagot ni Haoi ang tanong nya kaya naman umangat sya para harapin si Haoi habang nakahawak parin ang kamay nya sa braso nito.

"Dahil ba sa liligawan ko sya?" Hindi. Dahil sa mas nagustuhan mo sya kaysa saakin na ilang taon mo ng kasama.

Hindi parin sumasagot si Haoi, hala, baka na pipe na to hays. Ngunit tumango sya tanda ng sagot na "oo".

Ngumiti sya kay Haoi, "Sabi na nga ba eh. Selos ka, ano? Kasi kapag niligawan ko si Wonwoo, mawawalan na ako ng time para sayo, diba?" saka hinaplos ang pisngi nya.

"Alam mo, kahit na ligawan ko sya, tandaan mo 'to: Ikaw at ikaw parin ang mahal na mahal ko at ang number one na baby ko." sambit nya saka naman kinurot-kurot ang pisngi ni Haoi.

"Pero paano kung mawalan ka na ng oras saakin kasi sya na mas priority mo?"

"Hinding-hindi 'yon mangyayari, Baby Haoi." eDI wao daw sabi ni Mingyunog.

"Promise?" promises are meant to be broken.

Inangat nya ang pinky finger nya saka nagpinky promise sa pinky finger ni Haoi, "Promise." saka ngumiti.

"Ay teka lang Haoi, may kukunin ako." saka inabot ang isang box na malaki na nakalapag sa coffee table.

Nang makuha nya iyon, pinatong nya iyon sa hita nya, "Ano yan?" takang tanong ni Haoi.

Binuksan ni Jun ang box, "Tadaaaah! For you!" masayang sagot nya.

"Owemji?! Macarons?"

"Yeaaah. Para sayo yan. Wala na kasi akong maisip na dalhin pagpunta dito kaya ayan nalang dinala ko."

"Teka, alam ba nila kung anong dala mo?" tanong ni Haoi saka sinilip ang Tropang Qt na nakain parin.

Mahirap na mga bessy, baka bago pa nya to mapasok sa kwarto nya ubos na agad.

"Ha? Hindi." takang sagot ni Jun.

"Mabuti."

"Teka, bati na ba tayo?" nakangiting tanong ni Jun saka inispread ang braso nya sign na gusto nyang yakapin si Haoi.

"Oo na, bati na tayo." pabebeng sagot ni Haoi saka niyakap pabalik si fafi Jun.

Habang magkayakap bumulong si Jun, "Mahal na mahal kita, Haoi."

Hindi na sya sinagot ni Haoi at ngumiti nalang.

Kahit na alam kong mahal nya lang ako bilang kaibigan, ituturing ko iyong pagmamahal na higit pa sa pagiging magkaibigan.


a false hope | junhao [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon