Eleven

182 15 2
                                    

"Ano?! Tinanong ni Papi Jun kung kilala mo ba si Wonwoo hyung?!" sabay-sabay nilang tanong saakin kaya naman agad akong napapunas sa muka ko ng bench bath na hawak ko.

Waterfalls, mga bessy.

Kasalukuyan kaming nandito sa garden ng school at kumakain ng pagkain na kung ano man dahil break namin ngayon kaya naman nagtipon-tipon kaming Tropang Qt.

Inayos ni Mia ang pagkakaupo nya, "Seryoso? Tinanong nya talaga?" saka kinagatan ang flying saucer na hawak nya.

Tumango ako saka kinuha ang cellphone ko na nasa bulsa ko. "Oo nga. O ayan para maniwala ka."  at tinapat sa pagmumuka nya yung convo namin sa cellphone ko.

"O teka, teka! Baka naman mabulag ako dyan! Okay na! Nakita ko na, susme."  saka umatras.

Bumuntong hininga ako, "Sa tingin nyo, bakit nya tinanong saakin si Wonwoo hyung?" tanong ko saka bumuntong hininga ulit two times.

Hindi ko alam pero kinukutuban ako eh. Ewan.

"Baka naman kasi totoo yung kutob mo na sya yung gusto ni Jun na sinabi nya sayo." napalingon kami kay Haneng na nagkikilay habang nakaupo sa sanga ng puno.

Teka— pano sya nakapunta dyan?

"Siguro nga tama ka Neng baka nga sya yon pero teka— bat ka nandyan at bat ka dyan nagkikilay?" tanong sakanya ni Eya na kumakain ng tinapay... nanaman.

Hindi sya pinansin ni Haneng saka nagpatuloy sa pagkikilay, "Hala lakas mo pasenpai ah." gigil na sabi nya.

"O tapos? Anong nireply mo sa tanong nya?" tanong ni Aika habang tinitirintas ang buhok ni Mamsh Jeonghan.

"Muka kang natatae, Haoi." muka lang pero tumae ako kanina, lul.

"Teka nga— anong sinagot mo dun sa tanong nya sayo kagabi?" tanong saakin ni Tamiah at saka sumubo ng isang piraso ng siomai.

Umirap ako sakanya dahil sa tanong nya, "Hala ahahahaha, buti nalang natanong mo ate Tams. Ahahaha." natatawang sagot ni Haneng.

"Bakit? Anong sinagot nya?" tanong ni Jihoon hyung sakanya at nilingon sya.

"Hindi tanong kung ano ang sinagot nya. Ang tanong kung anong nangyari sakanya pagkatapos syang tanungin ni papi Jun non." sagot nya habang nagkikilay parin.

Nagroll eyes nalang sakanya si Eya, "Hutek naman oh. Ano nga kaseng nangyare?"

"Narinig nyo ba kanina yung lagabog sa kwarto namin kagabi?"

"Oo. Ano ba yun? Nabatong cellphone sa pader?"

"Hinde. Sya yon. Pano kase nakahiga sya sa kama habang magkachat sila kagabi, e nung tinanong sya ata non bigla syang bumangon eh naka dapa pa naman sya kaya ayon, sakto ulo nya sa kisame tas inoff nya agad wifi nya sa cellphone kaya ganon." pagkukwento ni Haneng sakanila na ngayon ay tapos na rin sa pagkikilay nya.

"AHAHAHA sad naman ng lovelife mo Haoi."

"Hayaan mo nak kapag may update ako tungkol kay Wonwoo na connected sainyong dalawa ni Jun, sasabihin ko sayo." buti pa tong mamsh ko ang tino kausap di katulad netong mga kaibigan ko.

Umakbay saakin si Seokmin, "Alam mo Haoi, wag mo muna problemahin yon. Malay mo naman hindi sya yung tinutukoy ni Jun, diba? Malay mo related lang sa school kaya nya tinatanong si Wonwoo hyung sayo. Wag kang nega, oki? Di bagay sayo." advice nya saakin at nagcellphone.

Sumilip ako ng kaunti para makita kung sinong kachat nya. Si Jisoo hyung. Yung totoo? Nilalandi nya ba to o nagpapaturo to ng english?

"Oo nga Haoi. Wag muna nega, oki? Wala pa tayong proof don. Panget mo lalo kapag nega." pagsasangayon ni Mia kay Seokmin.

Sana nga lang talaga.

"Baby Haoi ko!" napalingon kaming sampu sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Si Junhui. May dalang bouquet ng roses at chocolates, papalapit sa direksyon namin... direksyon ko. 

Para saakin... ba yan?

Nakangiti syang naglalakad patungo saakin, "Baby Haoi ko!" sigaw nya saka kumakaway saakin.

Napangiti ako saka kumaway ng pabalik. 

"aYIEEEEE"

"lAMPO LAMPOREBER"

"MALAKAS GUARDIAN ANGEL NYAN SA LIKOD!"

"wALA NA FINISH NA!"

Asar nila at mostly, boses ni Haneng ang nangingibabaw sa pangaasar. Nubayan.

Nang makarating sya sa harap ko, mas lalong humawak saka inipit ang buhok ko sa gilid ng tenga ko.

"wEH WEH MAKAHAWI NG BUHOK KALA MO NAMAN LONG HAIR LIKE MAMSH HANNIE." -haneng.

gRRR.

"Hello, Baby Haoi ko!" masayang bati nya saakin. Ayan nanaman sya, hays.

Tinignan ko sya saka ngumiti, "Aba aba may pa bouquet ka pa ng roses at chocolates pa ah. Para kanino ba yan?" tanong ko.

Kahit na alam ko, para saakin yan, hihihi.

Tinignan nya ang hawak na mga bulaklak, "Ha? Eto? Para sa taong mahal ko," sagot nya at ngumiti ako ng pagkalawak-lawak.

"Ibibigay ko to kay Wonu, Baby Haoi ko. Pwede mo ba akong samahan?" dugtong nya.

Dahilan para mawala ang ngiti sa mga labi ko.

Wala na, finish na. 

a false hope | junhao [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon