"hALA HALA HALA NANDITO SI JUNHUI!"
"HA?"
"hAKDOG!"
"GAIG NANDITO NA SI JUN PARATING NAA!''
"hALA SINONG PUPUNTAHAN NYA DITO?"
Nagising ako sa ingay ng mga kaklase ko dito sa room. Potek naman oh, ang sarap na ng tulog ko eh. Kung hindi lang sila nagingay eh. Tinignan ko ang mga tropa ko, tulog parin sila. Aba.
Si Haneng lang yung tulog sa lapag na may kumot at unan pa. Aba hanep.
Napairap ako nang makita silang nagkukumpulan sa may bintana. Ano bang meron? May pakain ba sa labas?
Hindi ko nalang sila pinansin saka nagunat at bumalik ulit sa pagkakayuko saka nilubog ang mukha ko sa unan.
Nako, kasalanan kasi ng Revenge Note 2 eh, nagmarathon ba naman kami ng panonood. Kaya eto, puyat kami.
Nakihinga aki ng maluwag ng unti-unti na akong dinadapuan ng antok.
Okay na sana eh. Ang kaso,
"hALA SYET ANDITO NA SYA BES!"
"SUSME KEGWAPO NAMAN DIS BOI."
"hIHIHI! PERE SEEKEN BE YEN? HIHI!"
This time, palapit na ng palapit saakin ang ingay.
"eY MGA PASHNEYNEY! ANG INGAAAY!" sigaw ni Haneng kaya naman tuluyan na akong napabangon sa pagkakayuko ko.
Potek! Ang ingay!
Sa sobrang inis ko, agad akong bumangon sa pagkakatulog. Kinusot ko ang mga mata ko dahil malay ko ba kung may muta pa ako sa mata.
Pagkatapos ay luminaw na ang mga paningin ko at may nakita akong pigura ng isang lalaki sa harap ko.
"hALA SI MINGHAO ANG PINUNTA NI JUN DITO?!"
"sYET SYET"
"KINIKILIG AKO AMPUTS."
Sigaw ng mga kaklase ko.
Pagkatingala ko ay may isang napakagwapong lalaki ang bumungad saakin, nakangiti sa harapan ko.
Si Junhui.
"Hello, honey. Would you like to have a date with me today?" Tanong nya saakin.
At napuno na ng mga tili ang buong classroom.
BINABASA MO ANG
a false hope | junhao [DISCONTINUED]
Historia Cortafalling inlove with his bestfriend was the worst thing that minghao did.