Tahimik lang akong naglalakad kasabay sila Autumn sa corridor ng school, papunta na kami ngayon sa room namin.
Habang naglalakad nagsalita si Mia, "Nahahalata ko lang, ang tamlay mo ata ngayon at ang ganda ng eyebags sa mata mo ah? Anyare, Haoi?" tanong nya.
Napatawa naman si Haneng sa tanong ni Mia, di na namin sinabi sakanila dahil baka magwala pa silang tatlo at mabuhos pa nila yung mga pinamili nila sa sobrang tuwa.
This time, si Aika na ang nagtanong, "Haneng, may alam ka bang ikaw lang ang nakakaalam?" tanong nya pero di sya pinansin ni Haneng at naglakad nalang.
Kaya ayun, biglang hinatak ni Mia at Inang Lengs ang bag ni Haneng, "Anue ba?!" gulat na tanong nya, wag sana masira ang hawk bag mo.
"May alam ka kung bakit ganyan si Haoi, ano?!" tanong Autumn kaya naman di makakawala dahil nakaharap sya saamin habang hawak nila ang magkabilang strap ng bag nya.
"Wag nyo kong pilitin, si Haoi!" sagot nya at inangat ang magkabilang kamay nya na para bang hinuhuli sy ng pulis.
Buti nalang talaga at wala pang estudyante dahil sobrang aga naming pumasok.
Hinatak ko sa tabi ko si Haneng, "Kumalma lang kayo! Tara na at duon ko ikukwento!" saad ko saka pumunta na papunta sa room.
✨✨✨
"Ano?! Hinalikan ka nanaman ulit ni Wen Junhui?!" gulat na saad nila.
Nakabilog kami ngayon sa upuan, sikretong malupet to, di pwedeng malaman ng ibang kaklase namin.
Magakakadikit kaming lima dito, lapake kung magkapalitan kami ng muka at magsinghutan ng mga hininga.
"Kaya pala may dalawang box ng cake at macarons kahapon!" komento ni Autumn.
"Kasi may nagbigay." dugtong ni Aika.
"Teka, kung sinabi nya sayo na di sya nagsisisi na hinalikan ka nya, edi parang nagchecheat sya kay Wonwoo, ganon?" tanong ni Haneng.
Napalingon kaming lahat, "Oh ano?! Naiisip ko lang." paliwanag nya.
Tumango si Mia, "May point si Haneng, Haoi. Kung ako sayo, iwasan mo nalang sya. Oder wan ang labas mo dyan eh. Tapos pagnalaman yan ng mga fans nilang dalawa, yari ka nyan." suggestion nya.
Napatango nalang ako at napaisip-isip. "Siguro nga, tama kayo. So very geniuses nga kayo, gais." sagot ko.
Siguro nga dapat iwasan ko na sya. Isasantabi ko muna ang lovelife ko para sa kapayapaan ng buhay ko.

BINABASA MO ANG
a false hope | junhao [DISCONTINUED]
Krótkie Opowiadaniafalling inlove with his bestfriend was the worst thing that minghao did.