"Andyan ka nanaman,
Bat di ko maiwasang, tumingin sayong
liwanag, nadarang nanaman sa yong apoy,Bakit ba laging hinahayaan."
Agad kong nabato ng throw pillow si Haneng na nagpapatugtog ng kung ano-anong kasumpa-sumpang tugtugin.
"Aray naman, Xu Minghao! Bat ka ba nangbabato ha?" tanong nya habang nakasandal sa dulo ng sofa.
Inirapan ko sya, "Pwede bang tigilan mo yang pinapatugtog mo? Nakakarindi eh!"
"Wews! Uso to! Si Shanti Dope!" lakompake.
Nakatira kami sa iisang bahay, kami nila Autumn, Mia, Haneng, Lalay, Lengleng at ako. Sama-sama kami dito kaya ayon, maingay.
"Palitan mo!"
"Ng ano?!"
"Yung sa SVT!"
"Bruh, maraming kanta ang SVT ok ka lang?"
"Aish! Yung falling for u nila Jeonghan at Joshua!"
"Oki doki."
(Patugtog nyo yung nasa multi media, hehehe)
"I'm falling for u, I'm falling for u once again~"
Pagkanta naming dalawa, wala eh, kami lang ang nandito sa salas at sabado ngayon means walang pasok.
Ang lakas nga ng patugtog eh, buti di nagrereklamo yung mga kapit bahay.
"Hao! May nagdoorbell! Baka sila na yan!" sigaw ni Haneng kaya naman tumayo ako para silipin kung sino iyon.
Pagbukas ko ng pinto, bumungad saakin si Junhui, naka long sleeved- polo na nakatupi, naka black pants saka top sider na sapatos.
At may dala syang cake.
Ngumiti sya saakin, "Hi."
Bigla namang nasakto yung tugtog sa,
"I'm falling for, u , I'm falling for u once again."
Magkakalove life na ba talaga ako?

BINABASA MO ANG
a false hope | junhao [DISCONTINUED]
Short Storyfalling inlove with his bestfriend was the worst thing that minghao did.