-CHAPTER 1-

6.8K 98 6
                                        

---oOo---

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---oOo---

PINASADAHAN ni Ciara ng tingin ang nakalagay na address sa papel na hawak niya. Binasa niya ito ng maagi. Nakalagay sa papel na iyon ang eksaktong address ng bahay na pupuntahan niya. Napaangat siya ng tingin sa malaking bahay na nasa harap niya. Halos hindi niya mapigilan ang mapanganga nang makita niya iyon. Ngayon lang kasi siya nakakita nang gano'n kalaking bahay sa buong buhay niya. Lumaki kasi siya sa bukid at bihira lang siya makababa sa bayan. Pero hindi naman ganito kalaki ang mga bahay na nakikita niya sa bayan. Triple pa yata ang laki nito sa mga pangkaraniwang bahay na nakikita niya.

Kaluluwas lang niya ng maynila ng araw na iyon at agad naman niyang hinanap ang address na nakalagay sa papel kung saan nagtatrabaho dati ang nanay niya. Dati kasi itong katulong sa bahay ng mag-asawang Javier. Buhat ng magkasakit ito ay ipina-uwi na ito ng tatay niya sa kanila upang maipagamot pero huli na ang lahat dahil malala na raw ang sakit nito at no'ng isang buwan lang ito namatay.

Sa hirap ng buhay nila sa kanilang probensiya ay kailangan niyang tumigil muna sa kanyang pag-aaral. Mas inuna niyang makapag-aral ang mga kapatid niya. Tumigil muna siya at naghanap ng trabaho. Dahil hindi niya natapos ang kanyang pagha-hayskul ay hindi siya nagkaroon ng magandang trabaho. Nagta-trabaho siya bilang serbidora sa isang maliit na karinderya sa may bayan. Mababa lamang ang sahod niya roon kaya nag-e-extra rin siya sa paglalabada sa mga kabitbahay nila.

Pinapangako niyang gagawa siya ng paraan para makapagtapos ng kanyang pag-aaral. Gusto niyang makapagtapos para maiahon sa kahirapan ang pamilya niya. Kaya kapag natanggap siya bilang katulong sa pamilya ng dating pinagtatrabahuan ng nanay niya ay doon na siya magsisimula na mag-ipon. Balak niyang itabi ang kalahati ng sahod niya para sa kanyang pagbabalik eskwela at ang kalahati naman ay ipapadala niya sa tatay niya para sa pangtustos sa pag-aaral ng mga kapatid niya. Siya kasi ang panganay sa apat nilang magkakapatid at maliit pa ang mga ito.

"Sino sila?" Napapitlag si Ciara ng makarinig siya na may nagsalita. Nasentro ng kanyang paningin ang isang babaeng may edad na. Masasabi niyang may edad na nga ito dahil marami na siyang nakikitang puting buhok sa ulo nito.

"Ako nga po pala si Ciara. Ako po 'yong anak ni Magda Beltran. Mag-a-apply po sana ako bilang katulong." Magalang na sagot niya rito.

"Ikaw na ba ang anak ni Magda? Hali ka pasok ka." Pag-anyaya sa kanya nito. Pinagbuksan siya nito ng gate at agad na pinapasok sa loob.

"Ako nga pala si Rosa. Ako ang kusinera ng mag-asawang Beltran. Nabalitaan ko ang nangyari sa nanay mo. Condolence. Pasensiya kana kung hindi ako nakapunta sa inyo. Kahit man lang sa burol niya. Alam mo naman na hindi ako pwedeng makaalis dito dahil walang papalit sa akin" Malungkot na turan nito sa kanya.

Iginiya siya ni Aling Rosa sa loob ng bahay at dumirestso na sila sa kusina.

"Okey lang po 'yon. Naiintindihan ko naman po..."

KABIYAK (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon