-CHAPTER 3-

3.8K 74 1
                                        


---oOo---

KINABUKASAN ng umaga ay nasa hapag na silang lahat para mag-almusal. Nasa harap nila ang mag-asawa. Nasa tabi naman ni Aria si baby Ethan habang sinusubuan niya ito ng baby food.

Hindi naman iba sa mag-asawa ang mga nagiging kasambahay ng mga ito. Ang gusto ng mga ito ay sabay-sabay silang lahat na kumain. Parang pamilya na nga raw ang turing nang mag-asawa sa mga nagiging kasambahay nila.

Tinulungan ni Ciara si Aling Rosa sa paghahanda ng almusal nila. May alam din naman siya sa pagluluto. Natutunan niya iyon sa nanay niya. Nagluluto kasi ito nang ulam dati at nilalako nila. Palagi namang nauubos ang ulam na nilalako nila dahil sa masarap magluto ang nanay niya. Minsan nga ay dinadamihan na nila ang kanilang nilalako para kumita naman sila ng malaki. Tamang-tama lang kasi palagi ang kita nito para sa araw-araw nilang gastusin. Nang makapagtrabaho ang nanay niya sa mag-asawang Beltran ay doon lang sila medyo nakakatikim ng ginhawa dahil pinapadala kasi ng nanay niya ang lahat ng sahod sa kanila sa probensiya.

Tahimik lang sila habang kumakain. Tanging huni lamang ng mga kubyertos ang naririnig niyang ingay. Tila may mga sariling mundo ang bawat isa sa kanila.

"Pagkatapos ng almusal ay aalis na kami ng Sir Miguel niyo..." Sabay na napatingin si Aling Rosa at si Ciara sa gawi ni Aria ng magsalita ito. "Kayo na ang bahala sa bahay. Tandaan niyo na 'wag kayo basta-basta magpapasok ng kahit na sino rito. Sa susunod na linggo na ulit ang uwi namin. Ciara..." Napahinto sa pagnguya si Ciara nang tawagin nito ang pangalan niya.

"Ikaw na ang bahala kay baby Ethan. Malaki ang tiwala ko sa'yo na mababantayan mo ng maayos si baby Ethan." Anito. Gano'n parin ang hitsura nito. Napakaseryoso.

"Opo." Tipid na sagot niya at mabiis na tumango.

"Natatandaan mo ba ang lahat ng mga ibinilin ko sa'yo? 'Wag na 'wag mong iiwanan si baby Ethan ng mag-isa. At isa pa, siguraduhin mong sarado lagi ang pinto ng kwarto niyo ni baby Ethan. Maliwanag ba?"

"Maliwanag po."

"At kapag may emergency ay 'wag kayong magdalawang isip na tawagan kami ng ma'am Aria niyo." dugtong pa ni Miguel sa sinabi ng kanyang asawa.

Sabay pa silang tumango bilang tugon sa sinabi ni Miguel.

---oOo---

MATAPOS nilang mag-almusal ay nagpaalam na sa kanila ang mag-asawa. Binuksan ni Aling Rosa ang gate at agad namang lumabas ang kotse ng mag-asawa. Agad din naman nitong isinarado iyon ng makaalis na ang mga ito.

Kasalukuyan naman na nasa salas si Ciara habang binabantayan niya si baby Ethan. Mabilis naman niya itong napaamo kahit ngayon pa lang niya ito nakasama. Mahilig naman talaga siya sa mga bata. Lalo pa siyang nangigil kay baby Ethan dahil malusog kasing bata ito at gwapo pa. Kamukha ito ng asawa ng Ma'am Aria niya na si sir Miguel. Misteso kasi ito at parang may dugong foreigner.

Gamit ang kanyang dalawang palad ay itinatakip niya iyon sa kanyang mukha saka binubulaga niya ito. Panay naman ang hagikhik ni baby Ethan habang ginagawa niya iyon.

Napansin ni Ciara ang pagpasok ni Aling Rosa sa loob ng bahay. Hinuha niya ay nakaalis na yata ang mag-asawa. Didiretso na sana ito sa kusina nang tawagin niya ito.

"Aling Rosa..." Napalingon naman ito sa gawi niya.

"Ano ba 'yon, Ciara?" Tanong nito at agad itong lumapit sa kanya.

"T-tungkol po pala kagabi..." Mahinahong sabi niya. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabi sa kakaisip. Hindi parin kasi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Aling Rosa sa sinabi nito sa kanya.

KABIYAK (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon