CHAPTER 13

1.7K 49 7
                                    

TATLONG araw na ang nakakalipas simula nang magparamdam si Anna kay Ciara. Sa mga nagdaang araw ay pilit niyang ginagawang kaswal iyon. Ayaw niyang mabisto ang plano niya sa paghahanap ng diary ni Anna. Alam niyang doon lang iyon nakatago sa  kwarto ni Aria. Pero hindi naman niya magawang makapasok doon dahil tiyak ay malalaman iyon ni Aria. Hihintayin na lamang siguro niya na makabalik na ito sa Laguna para makapasok na siya roon. Pilit niyang pinapakisamahan ito kahit na alam niyang nagkukunwari lang itong mabait. Kung hindi lang talaga siguro niya nalaman ang totoong ugali nito ay tiyak makukumbinse na siya nito na mabait ito sa mga ipinapakita nito.

“Tao po!” Napahinto si Ciara sa ginagawa niyang pagdidilig ng halaman sa bakuran nang makarinig siya ng boses mula sa labas ng gate. Ibinaba niya ang hawak niyang sprinkler at agad na lumapit sa may gate. Isang babae at lalaki ang nakita niyang nakatayo roon. Hinuha niya ay nasa mid-thirties na yata ang edad ng mga ito. Napaka-weird ng mga ito. Puro itim kasi ang suot ng mga ito.

“Ano po ang kailangan nila?” magalang na tanong niya sa mga ito.

“Dito po ba nakatira si Mrs. Aria Ventura?” tanong no’ng babae.

Kumunot ang noo niya dahil wala namang nabangit si Aria na may hinintay itong bisita.

“Bakit ho?” imbes na sagutin niya ang tanong nito. Marami na kasing mga masasamang loob ngayon. Mabuti nang alam niya ang sadya ng mga ito. Baka hindi niya alam ay nagpapapasok na pala siya ng mga magnanakaw.

“Papasukin mo sila, Ciara.” Magsasalita na sana ang lalaki nang makarinig siya ng boses mula sa likuran niya. Boses iyon ni Aria. Nang lingunin niya ito ay nakitang papalapit na ito sa gawi nila.

“Kanina ko pa kayo hinihintay. Pasok kayo.” Ani Aria sa dalawa. Ibig sabihin ay hinihintay talaga nito ang pagdating ng mga ito.

Binuksan na niya ang gate at pumasok na ang dalawa. Sinabi ni Aria na sumunod na lang daw ang mga ito. Nauna na si Aria na pumasok sa loob ng bahay at nakasunod naman ang mga ito. Dahil sa kuryusidad ay iniwan na muna niya ang ginagawa niya para alamin kung ano ba ang sadya ng mga ito. Naku-curious kasi siya.

Pumasok na rin siya sa loob ng bahay. Nakita niyang magkatabi na naka-upo sa tapat ni Aria ang dalawang bisita nito sa may salas. Maya-maya pa ay dumating si Aling Rosa na may bitbit na tray na naglalaman ng meryenda ng mga ito. Pagkalapag nito ng meryenda ay agad naman itong bumalik sa kusina. Gusto niyang pakinggan ang pag-uusap ng mga ito. Para kasing may nag-uudyok sa kaniya na pakinggan ang pag-uusap ng mga ito.

Para hindi mahalata ang pakikinig niya sa pag-uusap ng mga ito ay nagkunwari siyang naglilinis. Nag-wawalis siya hindi kalayuan sa kinaroroonan ng mga ito.

“Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Inimbitahan ko kayo rito dahil alam kong kayo lang ang makakatulong sa akin.” panimula nito. “Nitong nagdaang mga araw ay may mararamdaman akong kakaiba sa loob ng aking bahay. Parang may kung ano na nagpaparamdam.”

Inabot no’ng lalaki ang baso na may laman na juice at lumagok ito roon. Tumikhim muna ito bago nagsalita. “Honestly speaking, meron nga. Na notice ko na kanina pa na parang may negatibong pwersa akong nararamdaman ng pumasok kami sa loob ng bahay mo.” seryong sagot sa kaniya no’ng lalaki.

“Tama si James. Meron din akong naramdaman.” sigunda no’ng babae. Ibig sabihin ay mga paranormal expert ang mga ito at pinapunta nito ang mga ito para kumpirmahin ang hinala nito sa nararamdaman nito sa loob ng bahay? Ibig sabihin ay hindi lang pala siya ang nakakaramdam kay Anna kundi pati na rin ito? Isa lang naman ang dahilan ni Anna sa pagpaparamdam nito. Gusto nitong gumanti sa ginawang pagpatay ni Aria rito.

“Ibig niyo bang sabihin na merong gumagalang masamang espirito sa pamamahay ko?” seryosong tanong nito.

“Gano’n na nga.” ang lalaking tinawag niyang James ang sumagot sa tanong nito.

KABIYAK (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon