“TOTOO ba iyang sinasabi mo, Rosa?!” sinaklit ni Jaime ang braso ni Rosa nang sabihin niya rito na buntis siya. Sinundan niya si Jaime sa may kusina at pasimpleng sinabing buntis siya. Dinala siya ni Jaime sa labas ng bahay at kinumpirma kung totoo ba ang sinasabi niya.
“Oo, Jaime. Positive ang resulta ng test. Buntis ako at ikaw ang ama!” mariin pero mahinang sabi nito.
“Kung totoong buntis ka, edi mabuti.” nagulat siya sa sinabing iyon ni Jaime. Akala pa naman niya ay magagalit ito sa kaniya. Pero mukhang masaya pa itong nabuntis siya nito. Kung masaya ito ay posibleng mahalin siya nito. Bakit hindi niya naiisip na gustong-gusto ni Jaime na magkaroon ng anak?
“Ituloy mo lang iyang pagbubuntis mo pero sekreto lang natin ito. Hindi ito pwedeng malaman ni Bea.” anito.
“Pero hindi natin matatago ito sa kaniya habang buhay. Malalaman at malalaman niya ito.” bwelta niya. Bakit hindi na lamang nito sabihin dito ang totoo?
“Sa ngayon ay hindi muna niya pwedeng malaman na nabuntis kita. Basta sundin mo lang ang lahat ng sinasabi ko. Hindi niya muna pwedeng malaman iyon sa ngayon. Naiintindihan mo ba, Rosa?!” Tumango na lamang siya sa sinabi nito. Sasang-ayunan na lang muna niya kung ano mang binabalak nito para sa pagbubuntis niya. Baka gusto lang nito ng panahon para mag-isip at kumukuha lang ito ng bwelo para sabihin sa asawa nito na nabuntis siya nito. At kapag nangyari iyon ay siya ang pipiliin ni Jaime dahil nabigyan niya ito ng anak na hindi kayang ibigay ng asawa niya.
“Magandang umaga, Kuya Jaime.” napatingin sila pareho sa may gate nang may nagsalita roon. Isang babae ang nakita nila. May hawak itong dalawang sanggol.
“Arianna? Ikaw pala? Mabuti naman at napadalaw ka?” ani Jaime at nilapitan ang gate para pagbuksan ito. Maganda ang naturang babae. Kapatid ba ito ni Jaime? Kinuha ni Jaime ang isa sa sanggol dito.
“Halika, pumasok muna tayo sa loob. Nasa loob ang ate Bea mo.” Ani Jaime at nauna na itong pumasok sa loob. Nakasunod naman dito ang babaeng tinawag niyang Arianna. Ibig sabihin ay kapatid ng babaeng iyon ang ma’am Bea niya? Posible nga dahil may pagkakahawig naman ang mga ito. Sumunod na rin siya sa loob ng bahay. Gusto niyang pakinggan ang pag-uusapan ng mga ito dahil naku-curious siya sa mga sanggol na dala nito.
Nasa salas naman ang ma’am Bea niya habang nanonood ng TV nang makita sila nito.
“O? Arianna?! Buti naman at nadalaw mo rin kami.” Lumapit si Bea sa babae at niyakap at hinalikan niya ito sa pisngi. Base sa inuha niya ay baka matagal ding hindi nagkita ang mga ito.
“Rosa, pwede bang bigyan mo ng maiinom si Arianna—”
“Wag na kuya. Hindi rin naman ako magtatagal, e. Gusto ko lamang humingi ng pabor sa inyo ni ate.”
“Ano naman iyon, Arianna? Sige sabihin mo lang.” agad na tugon ni Bea.
“Pwede po bang iwan ko muna sa inyo itong kambal ko? May mahalaga lang po akong bagay na gagawin. Sandali lang naman ako at babalik din agad.” anang babae.
“Naku ‘yon lang pala, e. Sige na. Iwan mo na muna rito ang kambal mo at gawin mo na ang mahalagang bagay na gagawin mo.” Mabilis na tugon ni Bea. Alam ni Rosa na gusto ni Bea na may bata sa bahay ng mga ito. Matagal na kasing gusto ni Bea na magka-anak ito kay Jaime.
“Sige po. Nandito ang lahat ng gamit nila. Kayo na po ang bahala sa kambal ko.” Hinalikan ni Arianna ang kambal niya at nagpa-alam na na umalis. May pagka-inis naman na nakatingin si Rosa sa dalawang amo niya habang nilalaro ng mga ito ang kambal na anak ni Arianna!

BINABASA MO ANG
KABIYAK (Part Two)
HorrorIsang simpleng babae lang si Ciara na may pangarap na maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. Nakipagsapalaran siya sa maynila para hanapin ang dating pinagtatrabahuhan ng kanyang nanay para pumasok bilang katulong. Pero paano kung may madidiskubre si...