---oOo---
"ANNA..." Napaigtad si Anna sa kanyang kama nang marinig niya na may nagsalita. Kasabay niyon ang dahan-dahang pagbukas ng pinto ng kwarto niya. Hindi niya nilingon ang taong pumasok sa kwarto niya bagkus nagkunwari siyang tulog. Naririnig niya ang mga yabag ng paa ng taong 'yon na papalapit sa kanya."Alam kong gising ka, Anna. Dinalhan kita ng pagkain. Buong araw ka nang hindi kumakain. Ito kumain ka." Narinig niyang inilapag ng taong 'yon ang pagkain sa maliit na mesa sa tabi ng kama niya.
"Alam kong wala kang sakit, Anna... Nagkukunwari ka lang na meron dahil gusto ng kapatid mo na 'wag kang sumama sa Enchanted Kingdom."
Doon na nilingon ni Anna ang taong 'yon. Nagtataka siya kung bakit nito nalaman ang tungkol sa pagpapanggap niya na may sakit siya dahil ayaw ng kambal niya na sumama siya sa Enchanted Kingdom.
"P-paano niyo po nalaman iyon, manang Sabel?" nagtatakang tanong niya rito. Paano nito nalaman ang tungkol sa pagpapanggap niya? Si Sabel ay isa sa mga katulong sa bahay nina Anna. Mabait ito kay Anna at nakakasundo niya ito. Maliit pa lamang siya ay ito na ang nagbabantay sa kanya. Matagal na niya itong yaya kaya hindi na siya nagtataka kung kabisado na siya nito.
Lumapit siya sa kama ni Anna at naupo roon. Masuyo nitong hinaplos ang buhok ni Anna. "Narinig ko ang pag-uusap niyo. Naintindihan ko kung bakit mo nagawang isakripisyo ang sarili mong kaligayahan para lamang ibalik niya sa'yo si Chelsea. Isa kang mabuting bata, Anna..."
Biglang nalunglot ang mukha ni Anna sa sinabing iyon ng babaeng nagngangalang Sabel.
"Wag kang mag-alala at ibabalik din nito si Chelsea sayo." Umiiyak na niyakap ni Anna si Sabel.
Nasa gano'n silang ganap nang marinig nila ang pagbukas ng pinto at pumasok ang kambal ni Anna na may ngiti sa labi nito.
"Sayang at hindi ka nakasama sa Enchanted kingdom. Ang saya-saya kaya roon. Halos nasubukan ko ang lahat ng rides doon at nagpa-picture pa ako sa mga disney character doon." Halata sa tono ng pananalita ng kambal ni Anna na pinapa-inggit niya ito. Humiga ito sa kama nito hindi kalayuan sa kama niya. Iisa lang kasi ang kwarto nilang dalawa. May tig-iisa silang kama.
"Kamusta naman ang pagmumomok mo rito sa loob ng kwarto, Anna?" nakangising tanong nito.
"Pwede bang ibalik mo na ang manika ni Anna, Aria. Ginawa na ni Anna ang gusto mo kaya't ibalik mo na ang manika niya." Ani Sabel sa kambal niya.
"At sino ka naman para sabihin sa akin iyan?" nakataas ang kilay na bwelta nito rito.
"Bakit ka ganyan sa kapatid mo, Aria? Bakit palagi mo na lang siyang inaaway?"
"Wala ka nang paki-alam doon. At pwede bang 'wag kang maki-alam dahil isa ka lamang hamak na katulong dito! Pwede kitang palayasin dito kung gusto ko!" bulyaw niya pa rito. Hinawakan ni Anna ang kamay ni Sabel. Siguradong alam nito ang ibig niyang ipahiwatig sa pagpisil niya ng kamay nito. Na 'wag na lang patulan ang kambal niya. Sinunod na lamang nito ang gusto niya at hindi na lamang ito umimik.
---oOo---
"Kamusta naman kayo rito?" tanong ng Dada nila. Kasalukuyan silang kumakain sa hapag kasama ang Moma nila. Kumpleto silang nananghahalian dahil sabado ngayon. Sa ganitong mga araw ay nandito na sa bahay ang mag-asawa. Tuwing weekend lamang kasi sila nakukumpleto.
"Ayos namam po kami rito ni Anna, Dada. Tinuturuan ko po siya ng mga assignments niya sa tuwing binibigyan siya ng assignment ni teacher Ryzel," ani Aria. Si teacher Ryzel ay ang private tutor ni Anna. Kumuha kasi ng private teacher ang Dada niya para makapag-aral siya kahit nandito ito sa bahay. Isang oras lang nitong tinuturuan si Anna kada araw. Hindi kasi siya in-enrol sa eskwelahan dahil mahirap daw sa sitwasiyon niya. Madalas kasi siyang sumpongin kaya mahirap na walang may tumitingin sa kanya. Kaya nakapagdesisyon ang magulang niya na mag-ho-home study na lamang siya. Kahit gusto niyang makapag-aral sa totoong paaralan ay wala naman siyang magagawa dahil sa sitwasiyon niya. Tanggap na niya hinding-hindi niya mararanasan ang nararanasan ng mga batang kaedad niya na makapasok sa eskwela. Tanggap na niya na hindi siya normal.
![](https://img.wattpad.com/cover/146701231-288-k850597.jpg)
BINABASA MO ANG
KABIYAK (Part Two)
HorrorIsang simpleng babae lang si Ciara na may pangarap na maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. Nakipagsapalaran siya sa maynila para hanapin ang dating pinagtatrabahuhan ng kanyang nanay para pumasok bilang katulong. Pero paano kung may madidiskubre si...