Hi! Salamat sa pagsusubaybay niyo sa librong ito. At sa mga naghihintay ng update. Gusto ko pong malaman ang reaksiyon niyo sa nababasa niyo. I badly need your comments guys para malaman ko kung nagugustuhan niyo ba ang kwentong ito! Salamat ng todo :)---oOo---
"GOODNIGHT, Sweetie..." Ani ni Aria nang mailagay na niya si baby Ethan sa crib nito na nasa loob ng kanilang kwarto. Meron din kasi itong crib roon kung saan natutulog si baby Ethan. Nakatulog kasi ito sa kanyang balikat. Nang mapagtanto niyang mahimbing na ang tulog nito ay inilagay na niya ito sa crib nito. Isang matamis na halik ang iginawad niya sa anak niya. Nang masiguro niya na mahimbing na ang tulog nito ay hinayaan na niya ito roon.
Pumunta siya sa harap ng salamin at naupo sa harap niyon. Kinuha niya ang suklay at marahan niyang sinuklay ang kaniyang buhok. Sandali siyang napahinto sa kanyang ginagawa at napatitig sa kanyang repliksyon sa harap ng salamin. Habang titig na titig siya sa kanyang repliksyon ay bigla na lamang nanlaki ang mga mata niya nang unti-unting nagbabago ang kanyang hitsura. Nagiging nakakatakot iyon. Namumutla ang mukha niya at bigla na lamang nanlilisik ang kanyang mga mata. Nahihintakutan na napaatras si Aria nang magulat siya nang biglang lumabas ang ulo ng repliksyon niya sa salamin.
Ipinilig niya ang ulo niya at nagbabakasakali na hindi totoo ang nakikita niya. Hindi nga siya nagkakamali dahil bigla na lamang bumalik sa normal ang repliksyon niya sa salamin. Ano ba 'tong nangyayari sa kanya? Epekto pa rin ba ito ng stress? Nang kumalma na siya ay agad na siyang bumalik sa kama niya. Nagawi ang tingin niya sa crib ni baby Ethan. Tahimik lang itong natutulog doon. Inayos na niya ang higaan niya para makapagpahinga na siya. Kailangan niyang makabawi sa pagtulog para mabawasan kahit papaano ang stress niya. Pumikit na si Aria. Kapipikit pa lamang niya nang makarinig siya na parang may bumubulong sa kaniya. Maya-maya pa ay may nararamdaam na siya na parang may katawan ng tao na tumabi sa kanya. Medyo gumalaw kasi ang kama niya. Agad namang bumangon ang kaba sa dibdib niya ng mga oras na iyon. Nararamdaman niya ang mahinang pagbulong ng nilalang na iyon sa kaniyang tenga. Hindi pa nga niya masyadong naiitindihan iyon dahil sa sobrang hina. Hanggang sa ang bulong nito ay mas lalong lumalakas. Hanggang sa medyo na iintindihan na niya iyon.
"Magbabayad ka... Magbabayad ka..." Parang galing sa hukay ang boses nito. Paulit-ulit lang nitong sinasabi ang mga salitang iyon. Nakakapangilabot pakinggan. Nagsitaasan na rin ang mga balahibo niya sa kaniyang katawan! Nanginginig na rin siya sa sobrang takot. Ayaw naman niyang buksan ang kanyang mga mata dahil natatakot siya na makita ang hitsura ng nilalang na bumubulong sa kanya. Sigurado siyang hindi niya talaga magugustuhan ang hitsura nito. Ilang sandali lang ay tumigil na rin ang bulong na iyon. Wala na rin siyang nararamdaman presensiya ng kung ano sa tabi niya. Bigla na lamang itong naglaho. Marahil ay guni-guni lamang niya iyon!
Dahan-dahan na niyang binuksan ang kanyang mga mata. Inilibot pa niya ang paningin niya sa kabuuan ng kwarto. Katahimikan lang ang sumalubong sa kaniya. Kumalma na siya. Bumalik na rin sa normal ang pintig ng puso niya. Agad naman niyang ibinaling ang paningin niya sa crib ni baby Ethan. Ganoon na lamang ang takot at kaba na nararamdaman niya nang makita niya ang nakakatakot na nilalang na nakadukwang sa crib ni baby Ethan. Ano ang gagawin nito kay baby Ethan? Napagawi ang tingin ng nilalang na iyon sa gawi niya. Ngumiti pa ito bago ibinalik ang atensiyon kay baby Ethan.
"Layuan mo ang anak ko, demonyo ka!" Sigaw niya sabay tutok ng holy rosary na hinugot nito sa ilalim ng unan niya. Palagi niya kasi iyong dala buhat ng may mga nararamdaman na siyang kababalaghan sa bahay na ito. Noon pa niya nararamdaman ang pagpaparamdam ng nilalang na iyon. Tanging iyon lang ang makakatulong sa kaniya para mataboy ang masamang ispirito!
Hindi na nito natuloy ang akmang pagkuha kay baby Ethan nang matakot ito sa hawak niyang holy rosary. Napaatras ito at parang natatakot. Isinasangga pa nito ang mga braso nito na nagbabakasali na maibsan ang labis na paghihirap.
"Sa ngalan ni Hesus, lisanin mo ang bahay na ito!" Dugtong pa niya habang itinututok ang hawak niyang holy rosary sa gawi nito. Dahan-dahan namang nawawala ang presensiya ng nilalang na iyon. Parang hindi naman siya makagalaw sa kinatatayuan niya sa labis na pagkabigla sa nangyari. Doon na lamang bumalik ang kaniyang isip ng marinig niya ang pag-iyak ni baby Ethan. Patakbo siyang lumapit sa crib ni baby Ethan at agad niya itong kinuha roon at kinarga.
"Tahan na, mahal ko. Hinding-hindi ako papayag na galawin ka ng masamang ispirito sa bahay na ito!" Aniya kay baby Ethan habang pinapatahan niya ito.
---oOo---
SAPO ni Ciara ang kanyang dibdib nang magising siya sa panaginip niyang iyon. Tagaktak din ang pawis sa kanyang mukha. Hindi lang pala iyon basta isang panaginip lang kundi nangyari talaga iyon. Ipinakita ni Anna sa kaniya ang mga nangyari noon sa pamamagitan ng panaginip niya.
Hindi na yata niya kailangang mabasa pa ng buo ang karugtong ng diary ni Anna dahil malinaw na sa kaniya ang lahat. Si Aria pala talaga ang dahilan kung bakit namatay si Anna. Ipinakita sa kanya ni Anna ang totoong nangyari sa panaginip niya. Sigurado na rin siya na si Anna ang babae na nagpapakita at nagpaparamdam sa kaniya sa bahay na ito. Isa lang ang dahilan kung bakit ito nagpaparamdam. Humihingi ito ng hustisya sa nangyari rito. Gusto nitong managot ang taong pumatay dito. Walang iba kundi si Aria! Si Aria na itinuring niyang mabait na tao. Iyon pala ay isang mamamatay tao. Itinago nito ang krimen na ginawa nito at pinalabas niyang nagpakamatay si Anna.
Siguro nga ay walang nagtatagal na babysitter ni baby Ethan dahil sa ugali nito. Itinatago lang nito ang totoong ugali nito. Pero paano naman niya bibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Anna? Magsusumbong ba siya sa mga pulis? Paano kung hindi naman siya paniwalaan ng mga ito? Lalo na't wala naman siyang matibay na ebidensiya na magpapatunay na pinatay ni Aria si Anna. Wala pa naman sa kaniya ang Diary ni Anna. At nasisiguro niya na hindi lang niya iyon basta na missed place lang kundi may kumuha talaga sa Diary ni Anna rito sa loob ng kwarto niya. At Baka pagbaliktarin pa ni Aria ang sitwasiyon kapag nagsumbong siya sa mga pulis at siya pa ang lumabas na masama. Kailangan niyang mag-isip ng paraan. Hindi siya papayag na hindi managot si Aria sa ginawa nitong pagpatay sa kakambal nito.
Bumangon na si Ciara sa kama niya at kinapa ang lamp shade sa tabi ng kama niya at sinindihan iyon. Iginala niya ang paningin niya sa paligid ng silid. Ito nga talaga ang dating silid ng kambal. Ang silid kung saan isinagawa ni Aria ang pagpatay sa kakambal nito. Medyo lumiit lang ito at sigurado siyang sinadya ito ni Aria para wala nang ebidensiya na makapagtuturo sa kaniya sa kasalanan na ginawa nito.
Tumayo si Ciara at nilapitan ang dingding kung saan inuntog ni Aria ang kakambal nito. Dahan-dahan niyang hinawakan ang bitak doon. Napaatras na lamang si Ciara nang maramdaman niya na parang may humawak sa kamay niya. Isang malamig na kamay.
"A-anna..." untag niya at iginala niya ang paningin niya sa kabuuan ng silid. Para kasing nandoon lang si Anna sa loob ng silid na iyon at kasama niya.
"Ano ba ang gusto mong gawin ko para tumahimik ka na?" Lakas-loob na tanong niya rito. Ilang sandaling tumahimik ang buong silid. Magsasalita na sana ulit si Ciara nang biglang humihip ang malakas na hangin sa loob silid. Sarado naman ang mga pwedeng daanan ng hangin para makapasok sa loob ng silid kaya inuha niya ay si Anna ang may gawa niyon. Dahan-dahan nawawala ang malakas na hangin sa loob ng silid at napansin ni Ciara ang nakasulat sa may dingding.
MIGUEL
Iyon ang nakasulat sa may dingding. Kusa rin naman iyong nawala nang ikisap niya ang kaniyang mga mata. Bakit pangalan ni Miguel ang nakasulat sa dingding? Ano ang ibig ipahiwatig sa kaniya ni Anna? Bigla niyang nakuha ang punto ni Anna. Gusto nito na malaman ni Miguel ang ginawa ni Aria rito. Iyon ba ang gustong gawin niya para matahimik na ang kaluluwa nito? Ang sabihin kay Miguel ang lahat ng alam niya? Kung iyon ang ikatatahimik ng kaluluwa ni Anna ay kailangan niyang gawin iyon. Kailangan niyang sabihin kay Miguel ang lahat-lahat! Pero bago niya sabihin iyon ay kailangan muna niyang mahanap ang diary ni Anna! Iyon lang ang tanging ebidensiya na magpapatunay sa ginawa ni Aria kay Anna!
TO BE CONTINUED...

BINABASA MO ANG
KABIYAK (Part Two)
HorrorIsang simpleng babae lang si Ciara na may pangarap na maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. Nakipagsapalaran siya sa maynila para hanapin ang dating pinagtatrabahuhan ng kanyang nanay para pumasok bilang katulong. Pero paano kung may madidiskubre si...