---oOo---LUNES ng umaga nang magpaalam na si Miguel kay Aria na babalik na ng Laguna. Napagdesisyonan kasi ng asawa niya na 'wag na lang muna siya sumama rito para makapagpahinga naman siya. Hindi naman siya tumutol sa gusto nitong mangyari. Alam niya kasi na nag-aalala lang ito sa kalagayan niya.
Nang araw din na iyon ay siya na muna ang nag-alaga kay baby Ethan. Na missed niya kasi ito nang sobra kaya gano'n na lang ang pagkasabik niya na alagaan ito. Gusto rin naman niya na makapagpahinga naman si Ciara sa pag-aalaga nito. Binigyan pa niya ito ng pera para pang-advance na sweldo. Natuwa pa ito dahil may ipapadala na raw ito sa pamilya nito na naiwan sa probensiya nila.
"Kamusta naman ang pagbabantay kay baby Ethan? Sinusunod mo ba ang mga ibinilin ko?" Tanong niya kay Ciara nang papalapit na ito sa kinaroronan niya. Kagagaling lang kasi ni Ciara sa may kusina habang in-sterilized nito ang mga feeding bottle at iba pang mga gamit ni baby Ethan. Nasa dining table naman siya habang sinusubuan ng baby food si baby Ethan.
"Wala naman pong problema. Kung tungkol naman sa mga ibinilin niyo po ay sinusunod ko naman po iyon lahat." Sagot nito habang inaayos sa lagayan ang mga feeding bottle at iba pang gamit ni baby Ethan.
"Mabuti naman pala kung ganoon. Siya nga pala. Doon na muna matutulog si baby Ethan sa kwarto ko mamayang gabi."
"Sige po. Wala pong problema." Sagot niya.
"Totoo bang namatay na ang nanay mo? Naikwento kasi iyon sa akin ni Manang Rosa no'ng nakaraan." Tanong niya rito pero nasa kay baby Ethan ang atensiyon niya habang sinusubuan niya ito ng baby food.
"Opo. Unti-unti na po kasing bumagsak ang katawan niya dahil hindi na po siya kumakain at palagi na lamang pong nakatulala." Nahahalata ni Aria ang lungkot sa sinabing iyon ni Ciara sa kanya. Sino ba naman ang hindi malulungkot kapag namatayan ka ng mahal sa buhay.
"Ano ba ang sakit niya?" Interesado niyang tanong dito.
"Ang inuha po kasi ng albularyo nang minsa'y pinatignan po siya namin ay pinaglalaruan daw siya ng isang itim na elemento. Minsan kasi ay naririnig ko rin siya na parang may kinaka-usap."
"E bakit sa albularyo niyo siya dinala at hindi sa doktor?"
"Wala po kasi kaming pera para dalhin namin siya sa doktor, e. Kaya sa albularyo na lamang po kami lumapit para alamin ang sakit niya."
"Hindi niyo ba natanggap ang perang ipinadala ko nang magkasakit ang nanay mo?"
"Natanggap po namin iyon. Naubos din naman iyon sa pagkain at ilang pangangailangan ni nanay... Pero salamat na rin po sa tulong na ibinigay niyo."
"Walang anuman iyon. Maliit na bagay lang iyon kung ikumpara sa laki ng tulong ng nanay mo sa pamilya namin. Naging mabuti siyang kasambahay sa amin ng pamilya ko. Kaya bilang pasasalamat sa mga ginawa niya ay tinanggap kita rito para naman kahit papaano ay makatulong ka sa pamilya mo... By the way, Condolence na rin pala sa nangyari. Hindi ko kasi nabalitaan na namatay na pala ang nanay mo. Sana naman ay nakaabot man lang ako kahit ng kaunting tulong."
"Malaki naman po ang ginawa niyong tulong sa pamilya ko nang tanggapin po ninyo ang nanay ko na mamasukan sa pamilya niyo."
"Ako nga ang dapat magpasalamat sa nanay mo dahil napakasipag niya at alam kong kagaya ka rin niya." Aniya at isang makahulugang ngiti ang iginawad niya kay Ciara.
---oOo---
DAHIL nandito naman si Aria sa bahay ay siya na lang muna ang nagbabantay kay baby Ethan. Na-missed niya rin kasi na alagaan ito. Simula nang maging busy na sila ng asawa niya sa negosyo nila ay hindi na niya ito nakakasama nang matagal. Tuwing weekend lang naman silang nakaka-uwi at bumabalik naman agad sila kapag Lunes. Pina-day off na lamang niya si Ciara nang araw na iyon. Binigyan niya ito ng advance na sweldo para naman meron na itong maipapadala sa pamilya nito sa may probensiya nito. Dinagdagan naman niya ang perang ibinigay niya rito para may pambili naman ito ng mga personal nitong gamit gaya ng mga bagong damit. No'ng una ay nahihiya pa itong tanggapin ang pera na ibinigay niya pero gawa na rin ng pagpupumulit niya ay tinanggap na lamang nito iyon. Agad naman nagpa-alam si Ciara sa kaniya bago ito umalis. Sinabi nitong pupunta lang daw ito sa mall para bumili ng mga damit at maghahanap na rin daw ito ng money transfer para maipadala na agad nito ang perang ibinigay niya.
Nasa salas siya ng oras na iyon habang nilalaro si baby Ethan. Panay naman ang hagikhik nito habang pinaghahalikan niya ang leeg nito. Nanggigigil kasi siya rito.
"Ang lagkit mo na yata, mahal." Ani Aria. Hindi pa pala naliligo si baby Ethan. Ang mabuti pa siguro ay paliguan na lang muna niya ito. Doon niya dinala si baby Ethan sa kwarto ni Ciara para paliguan. Nandoon kasi ang mga gamit nitong pampaligo.
Pumasok siya sa kwarto ni Ciara at agad na dinala si baby Ethan sa may banyo. Merong malaking sink ang banyo at doon niya pinaliguan si baby Ethan. Matapos niyang paliguan si baby Ethan ay pinatuyo niya ito gamit ang tuwalya. Saglit niyang inilagay si baby Ethan sa crib para maghanap ng mga damit ni baby Ethan sa kabinet na naroon. Alam niya na ang damit ni Ciara ang nakalagay sa ibabaw ng kabinet at sa ilalim naman ang mga damit ni baby Ethan. Nang mahanap na niya ang damit na ipapasuot niya kay baby Ethan at babalikan na sana niya ito sa crib nang matigilan siya. Napansin kasi niya na bahagyang naka-awang ang drawer na lagayan ng mga damit ni Ciara. Parang may kung ano'ng kyuryusidad ang pumasok sa isip niya at nilapitan niya iyon. Alam niyang mali ang mangi-alam ng gamit ng iba pero parang may nag-uudyok sa kaniya na tingnan ang naka-awang na drawer. Dahan-dahan siyang lumapit doon. Nang makalapit na siya ay hinawakan niya ang hilahan ng drawer. Bubuksan na sana niya iyon ng bigla siyang makarinig nang pagbukas ng pinto. Iniluha niyon si Aling Rosa. Mabilis naman niyang isinarado ang drawer ng lagayan ng mga damit ni Ciara at bago hinarap si Aling Rosa.
"Nandito lang po pala kayo, ma'am Aria. Nakahain na po ang pananghalian." Anito.
"Susunod na lang kami ni baby Ethan. Bibihisan ko lang siya at bababa na rin kami." Sagot niya at itinuloy na niya ang pagpapabihis kay baby Ethan. Nang lumabas na ng kwarto si Aling Rosa ay doon na lang ulit nabaling ang tingin niya sa nakaawang na drawer.
---oOo---
MASAYA si Ciara nang araw na iyon. Paano ba naman ay binigyan siya nang ma'am Aria niya nang advance na sweldo. Dinagdagan pa nito iyon para naman may pambili siya nang mga personal niyang gamit. Napakabait talaga ng ma'am Aria niya. Hindi pa nga siya nakaka-isang buwan sa trabaho niya bilang babysitter ni baby Ethan ay binigyan na agad siya ng advance na sweldo. Pina-day off na rin siya nito para raw makapamasyal naman siya kahit papaano. Hindi naman mahilig si Ciara na gumasta ng pera nang walang kabuluhan kaya imbes na gastasin niya iyon sa pamamasyal ay ipinadala na lamang niya ang pera sa kanila sa may probensiya. Bumili lang siya nang ilan niyang mga gamit katulad na lamang ng mga bagong damit. Nagtatrabaho lang naman siya para sa kaniyang pamilya. Para magkapag-aral ang mga kapatid niya at makakain ng sapat.
Pagkatapos niyang maipadala ang pera sa kanilang probensiya at nakabili ng mga gamit niya ay agad naman siyang bumalik sa bahay. Isang sakay lang naman sa tricycle at narating na niya ang bahay. Pagpasok niya sa loob ay nadatnan niyang kumakain sa hapag ang ma'am Aria niya. Nasa tabi nito si baby Ethan na nasa stroller nito.
"O, Ciara. Ang aga mo naman yatang nakabalik?" Nabaling ang tingin niya kay Aling Rosa na kagagaling lang ng kusina at may bitbit itong malaking mangkok na may lamang ulam.
Napabaling na rin ang tingin ni Aria sa gawi niya.
"Oo nga naman, Ciara. Hindi ba't pina-day off naman kita?" Segunda ni Aria.
"Hindi naman po ako mahilig gumala. Dito na lang po siguro ako sa bahay." Sagot niya.
"Sigurado ka ba?" Sagot nito.
"Opo. Tutulungan ko na lang po si Aling Rosa sa gawain dito sa bahay. Hindi kasi ako sanay na walang ginagawa." Aniya.
"O, sige. Kung iyan ang gusto mo. Halika, Samahan mo na kaming kumain dito." Paanyaya sa kaniya ni Aria at agad naman siya naupo dahil mukhang nagugutom na rin naman siya.
TO BE CONTINUED...

BINABASA MO ANG
KABIYAK (Part Two)
HorrorIsang simpleng babae lang si Ciara na may pangarap na maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. Nakipagsapalaran siya sa maynila para hanapin ang dating pinagtatrabahuhan ng kanyang nanay para pumasok bilang katulong. Pero paano kung may madidiskubre si...