-CHAPTER 20-

749 34 28
                                    


MATAGUMPAY na nakuha ni Rosa ang katawan ni Rosal sa may balon. Mabilis niya itong pinulsuhan nang maiangat niya ito. May konting pulso pa ito kaya mabilis niyang ni-revive ito sa pamamagitan ng pag-CPR dito. Makailang ulit niyang ginawa iyon kahit kinakabahan. Hangga’t sa naramdaman niyang nawawala na ang pulso nito.

“Anak, lumaban ka!” sigaw pa niya habang patuloy pa rin sa pagre-revive sa anak niya. Inuha niya ay nauntog ang ulo ni Rosal dahil may dugo sa kanang sentido nito bago ito nahulog sa may tubig sa loob ng balon.

“A—aling, Rrosa, O—okay lang po ba si Rosal?!” umiiyak na tanong ni Anna pero hindi man lang niya nilingon ito. Abala pa rin siya sa pagligtas sa anak niya!

“Anak! Kapit lang, ‘wag kqng bibitaw!” tinatapik-tapik na ni Rosa ang namumutla nang pisngi ni Rosal hangga’t sa napaluhod na lamang si Rosa at biglang humagulhol ng iyak nang makumpirma na tuluyan nang binawian ng buhay ang anak niya!

“Rosal?!” palahaw ni Rosa habang yakap-yakap ang wala nang buhay na anak. “Bakit mo naman ako iniwan? Bakit?!” paulit-ulit niyang sinasabi ang salitang iyon.

“Patay na bo pa siya?” inosenteng turan ni Anna na nagpalingon sa kaniya.

“Oo, Anna... Patay na si Rosal...”

“R—rosal? Gumising ka Rosal...” lumapit ito sa anak niya at patuloy na ginigising.

“Ano ba talaga ang nangyari, Anna? Bakit nahulog si Rosal sa may balon?” ngayon lang niya natanong iyon kay Anna dahil naunahan siya ng kaba kanina.

“Gusto niya raw pong tingnan ang balon dahil para daw may naririnig siyang nagsasalita sa loob niyon...” parang wala lang dito ang sinasabi nito pero nakaramdam ng hilakbot si Rosa nang marinig niya ang sinabi ni Anna.

“Boses? May narinig siyang boses?” naguguluhan na pag-uulit ni Rosa.

“Opo. Sabi raw po sa kaniya ng boses na iyon ay lumapit daw po siya sa balon... Nang lumapit po siya at dumukwang doon ay nagulat na lang po ako nang mahulog siya...” kwento pa nito.

Alam ni Rosa na hindi maaring gumawa ng kwento si Anna. At alam niyang hindi lang basta guni-guni ang narinig na boses ng anak niya. Ibig sabihin lang niyon ay hindi aksidente ang nangyari? Talagang may gustong kumuha sa anak niya!” Doon na biglang napa-isip si Rosa. Ano nga ba ang meron sa balon na iyon? Bakit may boses na narinig ang anak niya?!

———oOo———

INILIHIM lang ni Rosa ang nangyaring kay Rosal. Sinabi na niya kay Anna na walang dapat na maka-alam niyon maliban sa kanilang dalawa. Nasa kusina kasi si Magda nang mga oras at nasa itaas na kwarto naman si Aria naroon kaya sila ni Anna lang ang nakaka-alam nang nangyari kay Rosal. Nangako naman ito na hindi nito sasabihin sa kahit na kanino ang nangyari kay Rosal.

Nasa loob na si Rosa ng kaniyang kwarto habang nakahiga sa kama ang wala nang buhay niyang anak. Sobrang putla na nito. Nang maalala niya ang librong itim ay tila nabuhayan siya ng loob. Alam niya kasi na kayang tuparin ng itim na librong iyon ang anumang gusto niyang hilingin. Sigurado na makakaya nitong buhayin ang anak niya!

Binuksan niya ang libro at nakita niya ang una niyang hiniling doon. Meron pa siyang apat na hiling. Gagamitin niya ang isang hiling para buhayin ang anak niya! Wala namang imposible sa itim na mahika ng dyablo!

Sinulat na niya ang hiling niya sa bakanteng pahina. Nagulat na lamang siya nang mabura ang isinulat niya roon. Ibig bang sabihin nito ay hindi pwede ang hiling niya? Pero paano? Hindi ba’t kaya namang gawin ng librong iyon ang anumang hiling na nais niya dahil siya na ang nagmamay-ari niyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KABIYAK (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon