---oOo---"ALING Rosa?!" Gulat na turan ni Ciara ng buksan niya ang pinto ng banyo at nakita niya si Aling Rosa habang nilalaro nito si baby Ethan.
"O, ano ba ang nangyari sa'yo at parang nakakita ka ng multo d'yan?" Usisa nito sa kanya. Binuhat na nito si baby Ethan. Hindi niya alam kung paano nakapasok si Aling Rosa sa kwarto niya gayong nakasarado ito at naalala niyang ni-lock niya ang pinto ng kwarto nang pumasok sila kanina ni baby Nathan.
"Pumasok na ako sa loob dahil nakabukas ang pinto. Hindi mo man lang sinarado 'yong pinto. Hindi ba't kabilin-bilinan sa'yo ni ma'am Aria na 'wag mong hahayaang nakabukas ang pinto ng kwarto niyo ni baby Nathan." Anito habang pinapa-dede nito si baby Ethan gamit ang feeding bottle na may lamang gatas.
"Naalala ko pong sinarado ko po iyon nang pumasok kami ni baby Ethan. Ni-lock ko pa nga 'yon, e." Bwelta niya. Sigurado siyang sinarado niya iyon kanina. Hindi niya nakakalimutan iyon.
"Ano'ng sinarado ang sinasabi mo? Kung nakasarado nga ang pinto at naka-lock iyon, e paano ako nakapasok dito, aber?"
Hindi na lang niya sinagot si Aling Rosa. Mahirap naman kasi talagang paniwalaan na sinarado niya talaga ang pinto gayong nakapasok ito.
"Siya nga pala, Pumunta lang ako rito para ibigay sa'yo 'tong bagong labang bed sheet at sapin sa cradle ni baby Ethan baka magkasakit pa siya kapag hindi agad napalitan 'yan. Alam mo naman si ma'am Aria, istrikto 'yon lalo na kapag kalusugan ni baby Ethan ang pinag-uusapan. Palitan mo ang sapin ng cradle ni baby Nathan. At palitan mo na rin 'yang bed sheet ng kama mo para mas kumportable ang pagtulog mo. Paliguan mo na rin si baby Ethan at sumunod na kayo sa baba para makapananghalian na tayo." Agad naman lumabas si Aling Rosa matapos nitong sabihin iyon sa kanya.
Hanggang ngayon ay parang naguguluhan pa rin si Ciara sa mga nangyayari. Meron ba talagang nagmumulto sa bahay na 'to? Alam ba ito ni Aling Rosa? Sa tingin kasi niya ay alam nito iyon. Para kasing binabalaan siya nito na 'wag nang maki-alam pa. Kung ano ang nakikita at naririnig niya ay 'wag lang daw niya iyong pansinin. Paano niya naman na hindi papansin iyon gayong dalawang araw pa lamang siya rito sa bahay ay marami nang kababalaghan ang naranasan niya. Hindi lang basta naririnig lang niya, kundi ay nakikita pa. Sino ba talaga ang babaeng nakita niyang nakabigti sa banyo kanina? Ito rin ba ang babaeng nakita niya sa kusina no'ng nakaraang gabi? Sino ba iyon sa bahay na ito? Ano ba ang dahilan ng pagpapakamatay nito?
___•••___
TAHIMIK lang habang kumakain ng pananghalian sina Ciara at Aling Rosa. Walang ni isa ang nagsasalita. Nasa tabi lang ni Ciara si baby Ethan na nasa stroller nito. Naaaliw ito habang inaabot ang mga laruang nakasabit sa stroller nito.
"Aling Rosa..." Tawag niya kay Aling Rosa. Napaangat naman ito ng tingin sa kanya.
"Kung pag-uusapan na naman natin ang tungkol sa mga nakikita at nararamdaman mo sa bahay na 'to ay mabuti pang 'wag na lang." Nagpatuloy lang ito sa kanyang kinakain.
"Hindi po ba ka'yo ginagambala ng kaluluwa ng babaeng 'yon?" Napansin niyang natigilan si Aling Rosa sa tanong niyang iyon. Seryoso ang mukha na tinitigan siya nito diretso sa mata.
"Ilang beses ko ba dapat na ulitin sa'yo na 'wag mong mabanggit ang tungkol d'yan." Agad namang tumayo si Aling Rosa sa upuan nito at umalis. Iniiwasan talaga nitong pag-usapan ang mga kababalaghan na nararamdaman niya sa bahay na 'to. Kung hindi naman siya makakuha ng impormasiyon tungkol sa nagpaparamdam sa bahay na ito ay mas mabuti pa na siya na lang ang mag-imbestiga. Hindi rin kasi siya matatahimik kung hindi niya malaman kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa babaeng iyon. Sa totoo lang ay pwede naman siyang umalis sa bahay na ito at maghanap ng ibang trabaho pero mahirap na para sa kanya ang makahanap pa ng magandang trabaho kagaya nito. At isa pa ay nangingibabaw rin sa kanya ang pagiging curious. Hindi siya titigil hanggat hindi niya nalalaman ang puno't dulo ng lahat.

BINABASA MO ANG
KABIYAK (Part Two)
HorrorIsang simpleng babae lang si Ciara na may pangarap na maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. Nakipagsapalaran siya sa maynila para hanapin ang dating pinagtatrabahuhan ng kanyang nanay para pumasok bilang katulong. Pero paano kung may madidiskubre si...