-CHAPTER 8-

2.4K 75 1
                                    


---oOo---

PADAPA na ibinagsak ni Anna ang katawan niya sa kama niya at doon ito humagulhol ng iyak. Masakit sa kanya ang mga nakita niya kanina. Ewan niya pero parang tinusok ng napakaraming karayom ang puso niya sa nasaksihan niya. Nakita niyang naghahalikan si Miguel at ang ate Aria niya. Ano ang ibig sabihin niyon? Normal lang ba na maghalikan ang mga ito? Hindi. Alam niyang hindi iyon normal dahil hindi ang ate Aria niya ang nobya nito kundi siya. Pero kailangan ba talagang gawin iyon ni Miguel sa kanya? Kailangan ba talagang maghanap ito ng ibang mahalikan dahil hindi siya pumayag na mahalikan nito? Iyon ba ang dahilan ni Miguel para halikan niya ang ate niya?

Napapitlag si Anna nang marinig niya ang pagingit ng pinto ng kwarto nila senyales lang iyon na meron pumasok sa kwarto nila. Pinunasan muna niya ang luha sa kanyang mga mata bago siya tumayo para tingnan kung sino ang pumasok sa kwarto nila.

"Anna..." Tawag sa kanya ng yaya Sabel niya. Agad naman itong lumapit sa kanya at tinabihan siya nito sa kama. "Nandito ka lang pala. Kanina ka pa hinahanap ni Miguel. Ano na naman ba ang nangyayari sa iyo at nagkukulong ka rito? Umiiyak ka na naman ba?" Napansin siguro ng yaya niya na parang kagagaling lang niya sa pag-iyak.

"W-wala po ito, Yaya Sabel. Napuwing lang po ako..." Pagdadahilan niya.

Hinawakan nito ang baba niya at pinaharap nito ang mukha niya rito. "Anong napuwing ang pinagsasabi mo? Sabihin mo nga sa akin, Anna. Inaaway ka na naman ba ng kakambal mo?" Usisa sa kanya ng yaya niya. Alam niyang kabisado na talaga siya ng yaya niya kaya kahit hindi man nito sabihin ay mahahalata talaga nito na may problema siya.

"Nakita ko pong naghahalikan si ate Aria at Miguel sa may harden kanina. Bigla na lamang po akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko nang makita ko sila. Normal lang ba iyon, yaya Sabel?" Parang maiiyak na naman na tanong niya.

"Totoo ba 'yang sinasabi mo, Anna? Bakit naman gagawin iyon ni Miguel sa'yo?"

"Hindi ko po alam... Sinabi ko lang naman sa kanya kanina na hindi pa pwede halikan niya ako dahil hindi pa kami kasal. Hindi ba't mag-asawa lang ang pwedeng maghalikan, Yaya?" Parang bata na pagkukwento niya.

"Tama ka, Anna. Hindi naman pwede na basta ka na lamang niyang hahalikan. May pagkakataon para diyan at hindi pa iyon ngayon dahil hindi pa kayo mag-asawa." Ani Sabel.

"Sandali lang at pagsasabihan ko ang batang iyon. Baka kasi sinasamantala lang niya ang kondisyon mo para makuha niya ang gusto niya." Akmang tatayo na sana ang yaya niya nang hawakan niya ang kamay nito. "Wag mo na lang siya kausapin, yaya. Baka hindi naman iyon sinasadya ni Miguel..." Aniya. Natatakot siya na baka kapag pinagsabihan ng yaya Sabel niya si Miguel ay tuluyan na talaga siya nitong iiwasan. Natatakot siya na baka iwanan siya ni Miguel. Mahal niya ito kay pilit niyang pinapaniwala ang sarili niya na hindi sinasadya ni Miguel na halikan ang kakambal niya. Baka nadala lang ito dahil hindi niya binigay ang gusto nito.

"Kung iyan ang gusto mo... Sasabihin ko na lamang sa kanya na masama ang pakiramdaman mo. At papauwiin ko na lamang siya." Ani yaya niya at lumabas na ito ng kwarto nila.

___•••___

NAALIMPUNGATAN si Anna nang magising siya ng gabing iyon. Maaga kasi siyang natulog. Nawalan na rin kasi siya ng ganang kumain dahil sa nakita niya kanina. Paulit-ulit din na bumabalik sa isip niya ang eksenang nakita niya kanina. Bakit ba nagawa iyon ni Miguel sa kanya? Mahal ba talaga siya nito? O di kaya ay totoo ang sinasabi ng yaya niya na sinasamantala lang nito ang kondesiyon niya. Pero kahit ganoon ay hindi naman siya galit kay Miguel. Nabigla lamang siya sa nakita niya. Kakausapin na lamang niya ito kapag dadalaw ulit ito sa bahay nila.

KABIYAK (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon