-CHAPTER 16-

858 30 13
                                    

“S-sino ka! Anong ginagawa mo— Ciara?” Hindi makapaniwalang untag ni Aria nang makilala niya ang babaeng nakatayo sa harapan niya! Hindi siya maaring magkamali. Si Ciara ang babaeng nakatayo sa harapan niya! Pero bakit parang may mali kay Ciara! Parang sinapian ito ng masamang espirito dahil sa hitsura nito. Nagulat na lamang siya ng bigla na lamang itong humakbang papunta sa may bintana. Kusa namang bumukas iyon na para bang kontrolado nito iyon!

"Ano'ng gagawin mo kay baby Ethan?! Saan mo siya dadalhin?!" Sigaw niya. Lumingon naman ito sa gawi niya at sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito.

“Sa impyerno!” Sigaw nito sabay tawa! Tumalon si Ciara at pumatong sa may bintana. Alam niyang ano mang oras ay tatalon na ito. Kailangan niya itong pigilan! Hindi nito pwedeng kunin si baby Ethan! Ikamamatay niya kapag nawala sa kaniya ang anak niya! Pero paano ba niya makukumbinse ito na wala siyang alam sa bintang nito na siya ang pumatay dito.

“Wala akong kinalaman sa nangyari sa’yo! Wala akong alam! Please, ‘wag mong kunin ang anak ko!” pagmamaka-awa na niya.

“Bakit? Naawa ka ba sa ginawa mo sa akin? Pinatay mo ako, Anna!” Parang nanggaling sa hukay ang boses nito.

“Ano’ng Anna ang sinasabi mo? Hindi ako si Anna! Ako si Aria!” sigaw nito! Bakit naman siyang tinatawag nito na Anna?

Malakas itong tumawa at biglang sumeryoso ang hitsura at muling nagsalita. “Niloloko ka lang ni Rosa! Pinapalabas niyang ikaw si Aria pero ang totoo ay ikaw talaga si Anna! At ako naman ang kakambal mong si Aria! Ewan ko kung anong masamang kapangyarihan ang ginamit sa’yo ni Rosa kung bakit ka naging normal pero ang totoo ay ginamit ka lang ng babaeng iyon!”

Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Totoo nga ba ang lahat ng sinasabi nito? Si Aling Rosa ang may kagagawan kung bakit hindi na siya ang dating siya? At kakambal niya ang babaeng nagpaparamdam sa kaniya sa bahay na ito? Bakit wala siyang may naalala? Bakit hindi niya maalala ang nakaraan niya? Ano ang ginawa sa kaniya ni Rosa?!

“Tama si Aria. Tama ang kakambal mo, Ikaw talaga si Anna at ang kakambal mo ay siya ang totoong Aria!” nabaling ang tingin niya sa bungad ng pinto ng biglang pumasok si Father Alvarez. “Aria!” tawag ni Father Alvarez sa kakamabal niya na kasalukuyan na nasa katawan ni Ciara. “Walang kasalanan ang kakambal mo. Kung meron mang may kasalanan sa pagkamatay mo ay walang iba kundi si Rosa! Siya ang may kagagawan ng pagkamatay mo! Nakita ko iyon nang ipakita mo sa akin ang nangyari bago ka mamatay!”

---oOo---

"Hayop ka, Anna! Lahat na lang ay dapat sa'yo! Ang atensiyon ng mga magulang natin at maging si Miguel ay inagaw mo rin! Hindi ka pa ba nadadala? Ilang beses ko nang sinasabi sa'yo na layuan mo si Miguel! At ang lakas din nang loob mo na gayahin ako!  Ginaya mo pa talaga ang damit ko! Hubarin mo 'yang hayop ka dahil kahit kailan ay hinding-hindi kita matatanggap bilang isang kapatid!" Iyon ang mga salitang naririnig ni Father Alvarez habang nakikitang kinakaladkad ni Aria ang kakambal nitong si Anna papasok sa kwarto ng mga ito sa pamamagitan ng paghila sa buhok nito.

Nakita niyang nasa loob ng kwartong ding iyon si Ciara habang pinapanood ang nangyayari. Hindi siya nito nakikita. 

Pinanood na lamang ni Ciara ang susunod na gagawin ni Aria sa kakambal nitong si Anna.

Mariin nitong binitawan ang buhok nito. Gulong-gulo na ang buhok nito dahil na rin siguro sa pagkakaladkad nito rito.

"Wala akong inagaw sa'yo, ate. Kusa akong minahal ni Miguel. Hindi ko rin inagaw sina Moma at Dada sa'yo... Pareho nila tayong mahal, ate..." Ani Anna sa kabila nang paghagulhol nito.

"Marami ka pang sinasabi na hayop ka!" Hinawakan na naman nito ulit ang buhok ni Anna at mariin nito iyong sinabunutan. Napasigaw pa si Anna sa sobrang sakit na nararamdaman. "Ang bagay sa'yo ay tinuturuan ng leksiyon, Anna!" Pagkasabi nito niyon ay agad nitong inuntog ang ulo ng una sa may dingding. Gawa sa semento ang dingding kaya dinig na dinig ni Ciara ang tunog nang pagtama ng ulo ni Anna roon. Ilang beses nito iyong ginawa. Napansin ni Ciara na mukhang nabibitak na ang parteng iyon ng dingding sa labis na ginagawa nitong pag-untog ng ulo ni Anna. Tumigil lang ito sa ginagawa nito nang makita nitong umaagos na ang dugo sa ulo ni Anna. Dahil sa gulat ang nabitawan niya ang paghawak sa ulo nito at walang malay itong bumagsak sa may sahig.

KABIYAK (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon