NANG makita ni Ciara na umikot ang seradora ng pinto ng silid ni Aling Rosa ay agad siyang nagtago sa likod ng isang aparador. Mabuti na lamang at kasya siya roon. Nakita niyang tuluyan nang bumukas ang pinto at pumasok si Aling Rosa. Iginala nito ang paningin sa paligid na parang ino-obserbahan nito iyon. Maya-maya pa ay binuksan na ni Aling Rosa ang maliit na pinto sa may sahig at pumasok ito sa loob ng basement. Tama ba ang hinala niya na may kinalaman si Rosa sa krimen na nangyari sa bahay na ito?
Doon na nakakuha ng pagkakataon si Ciara na lumabas ng silid nito. Tagaktak ang pawis na hinihingal pa ito. Nagtungo siya sa silid niya at kumuha ng papel at sinulatan iyon. Magpapa-alam siya na uuwi ng probensiya. Pero ang totoo ay ire-report niya sa pulis ang krimen sa bahay na ito. Alam niyang makakatulong ang mga ito sa pag-resolba ng kaso ni Anna! Nang matapos siyang magsulat sa papel ay agad naman siyang pumasok sa kwarto ni Aria at inilagay ang sulat niya sa kama nito. Lumabas na rin naman siya sa kwarto niya para kunin ang pitaka niya nang pagbukas niya ng pinto para lumabas ng silid niya ay nagulat siya sa nakita niya.
“Aling Rosa?!” sambit niya sa pangalan nito. Walang ekspresiyon ang hitsura nito. Nakatingin lang ito diretso sa kaniyang mga mata. Dahil doon ay mas lalong nangilabot si Ciara sa paraan nang pagtitig nito sa kaniya. Parang may alam ito na alam na niyang may kinalaman ito sa pagpatay kay Anna!
Napadako ang tingin ni Ciara sa kanang kamay ni Rosa na may hawak na parang martilyo! Ano ang gagawin nito? Papatayin ba siya nito dahil alam na niya ang sikreto nito? Hindi maari! Kailangan niyang makapagsumbong sa mga pulis bago siya mapatay ni Aling Rosa! Mabilis niyang isinarado ang pinto ng silid niya pero agad namang hinawakan ni Rosa ang seradura niyon at itinulak ang pinto. Walang nagawa si Ciara sa lakas ni Rosa. Natumba pa siya sa lakas ng pagtulak nito ng pinto. Paupo siyang umaatras habang lumalapit sa kaniya si Rosa.
“Bakit ang hilig mong maki-alam, Ciara? Hindi ba’t sabi ko sayo ay wala kang makikita at maririnig sa bahay na ‘to? Bakit ang tigas ng ulo mo? Matagal na kitang minamanmanan at alam kong nag-iimbestiga ka. At sa tingin mo naman ay magtatagumpay ka? Pwes, nagkakamali ka. Mas matalino ako sa’yo!”
Sa mga sinabing iyon ni Rosa ay natitiyak niyang tama ang kutob niya na may kinalaman ito sa krimen na nangyayari sa bahay na ito!
“Gusto mo ba talagang malaman ang lahat? Oo, Ako ang pumatay kay Aria!” anito.
Tama ba ang narinig niya? Si Aria iyong namatay at ang kaluluwa na nagpaparamdam sa kaniya sa bahay na ito ay hindi si Anna? Pero paano nangyari iyon? Ibig bang sabihin ay si Anna ang nakakasama nila sa bahay na ito at hindi si Aria?
“Alam kong nalilito ka. At wala na rin naman akong panahon na magpaliwanag pa sa’yo dahil mamamatay ka rin naman!” anito. Pagkasabi nito niyon ay nakita niyang itinaas nito sa ere ang hawak nitong kutsilyo at naghahanda na ito para ipukpok sa kaniya. Sinubukan ni Ciara na tumayo at nagtagumpay naman siya pero natumba siya nang may maapakan siya. Naramdaman niya ang pagtama ng ulo niya sa headboard ng kama sa silid na iyon. Nanlabo ang paningin niya at nakita niyang mabilis na lumapit sa kaniya si Rosa. Dahan-dahan naman siyang napapikit ng mga sandaling iyon!
---oOo---
NANG pumasok si Rosa sa silid niya ay parang may napansin siyang kakaiba roon. Nauna na siyang umuwi galing ospital dahil okay na rin naman ang lagay ni baby Ethan. Pero hindi lang iyon ang dahilan, may kutob kasi siyang hindi maganda!
Iginala pa niya ang paningin sa loob ng silid niya at napadako ang tingin niya sa pinto ng basement. Nilapitan niya iyon at binuksan. Pumasok siya roon. Akma na sana siyang hahakbang pababa nang makarinig siya ng mga yabag ng paa. Mabilis siyang bumalik sa silid niya at nakita niyang bahagyang naka-awang ang pinto ng silid niya. May kutob siya na nakapasok si Ciara sa silid niya. Wala naman kasing ibang papasok dito maliban dito. Alam niyang nag-iimbestiga ito dahil nagpapakita rito si Aria. Pero hindi siya makakapayag na malaman nito na siya ang pumatay kay Aria! Walang may makaka-alam sa krimen na ginawa niya!

BINABASA MO ANG
KABIYAK (Part Two)
TerrorIsang simpleng babae lang si Ciara na may pangarap na maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. Nakipagsapalaran siya sa maynila para hanapin ang dating pinagtatrabahuhan ng kanyang nanay para pumasok bilang katulong. Pero paano kung may madidiskubre si...