---oOo---
MABUTI na lamang at naging maagap si Ciara at mabilis niyang naitago ang diary sa ilalim ng kama. Hindi niya kasi gusto na may ibang taong makaka-alam ng tungkol sa napulot niyang diary. Baka mabulilyaso pa ang pag-iimbestiga niya.
"Hindi ka pa ba tapos na maglinis diyan? Pagtimpla mo na ng gatas si baby Ethan dahil mukhang nagugutom na ito, e."
"Susunod na lang po ako sa baba. Matatapos na rin naman ako." Agad namang lumabas na ng kwarto si Aling Rosa. Nang wala na siyang marinig na yabag mula kay Aling Rosa ay agad naman niyang inilabas ang diary. Mabilis niya itong itinago sa loob ng drawer niya. Isiniksik niya iyon doon sa mga nakatupi niyang mga damit. Siniguradon niya na walang makakakita niyon doon.
Tinapos na ni Ciara ang paglilinis at agad naman siyang bumaba. Habang pababa siya ng hagdan ay naalala na naman niya ang napulot niyang diary. Medyo nabitin siya sa pagbabasa ng unang pahina niyon ng bigla na lamang pumasok sa kwarto niya si Aling Rosa. Bigla tuloy siyang naintriga. Si Anna ang nagmamay-ari ng diary na iyon. Sino naman kaya ang Anna na 'yon. Ano ang kuneksiyon niya sa mga kababalaghan na nararanasan niya sa bahay na ito. Malalaman lang niya ang kasagutan kung ipagpapatuloy niya ang pagbabasa ng diary nito.
Agad naman ipinagtimpla ni Ciara ng gatas si baby Ethan. Wala pang dalawang pong sigundo ay naubos na agad nito ang gatas na tinimpla niya rito. Halatang gutom nga talaga ito. Nagtimpla uli siya at ipina-dede niya iyon kay baby Ethan ngunit hindi paman nakakalahati ang laman niyon nang makatulog na si baby Ethan. Agad naman niya itong ini-akyat sa kwarto nila para makapagpahinga ito ng maayos. Dahan-dahan niya inilagay si baby Ethan sa cradle nito. Nang masigurong niyang mahimbing na ang tulog ni baby Ethan ay humiga na rin siya sa kama. Napadako ang mga mata ni Ciara sa orasan na nasa dingding ng kanyang kwarto. Ala sinco y medya na nang hapon. Naalala na naman niya ang mga kapatid niya sa probensiya. Ganitong oras niya kasi inahanap ang mga kapatid niya para umuwi na ng bahay. Madalas kasing maglaro ang mga ito sa mga kapitbahay nila. Kailangan na niya pauwiin ang mga ito bago pa dumilim. Siya kasi ang inaasahan ng kanyang nanay na magbabantay sa kanyang mga nakababatang kapatid kapag wala ito o nasa trabaho. Bilang panganay ay obligasiyon naman niya talaga iyon. Lumapit siya sa kanyang drawer at may kinuha siya roon. Isa iyong family picture. Picture iyon nila nang dumalo sila sa family day ng nakababata niyang kapatid. Napakasaya niya ng araw na iyon dahil nakapag-bonding sila ng pamilya niya. Bigla niya tuloy na-miss ang nanay niya. Namatay lamang ito nang hindi nito naabutan ang pagtatapos niya sa pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Hindi man lang nito masasaksihan iyon. Hindi namalayan ni Ciara ang dahan-dahang pagtulo ng kanyang mga luha. Naglandas iyon sa kanyang pisngi. Agad naman niyang ipinalis iyon gamit ang likod ng kanyang palad. Kailan man ay hindi na makukumpleto ang pamiya niya. Hindi na kailanan babalik ang nanay niya. Muli niyang sinulyapan ang family picture na hawak niya at hinalikan niya iyon. Inilagay niya iyon sa kanyang dibdib at niyakap. Ilang sandali pa ay nakaramdam na ng antok si Ciara ilang sandali pa ay dahan-dahan na niya ipinikit ang kanyang mga mata.
"Ciara... Ciara..."
Napabalikwas ng bangon si Ciara nang maalimpungatan siya. May naririnig kasi siyang boses at tinatawag ang pangalan niya. Malamyos ang boses na iyon at mukhang babae ang nagmamay-ari no'n. Napaupo siya sa kanyang kama at kunot-noo na inilinot niya ang kanyang mga mata sa buong silid. Wala naman tao roon o kakaiba man lang. Napadako ang tingin niya sa cradle ni baby Nathan. Tahimik lamang itong natutulog doon. Tinignan ni Ciara ang oras sa relo sa dingding. Alas dose na pala. Hindi man lang niya namalayan ang oras. Ni hindi na nga siya nakapaghapunan. Napagod siguro siya sa ginawa niyang paglilinis kanina. Bakit hindi man lang siya tinawag ni Aling Rosa para kumain ng hapunan? Baka tinatamad lang itong umakyat sa taas. Meron na kasi itong rheuma at ayon sa kanya ay nahihirapan na raw itong maglakad ng matagal dahil sumasakit daw agad iyon. Naiintindihan naman niya iyon. Matanda na rin kasi si Aling Rosa at mukhang magka-edad lamang sila ng nanay niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/146701231-288-k850597.jpg)
BINABASA MO ANG
KABIYAK (Part Two)
HorrorIsang simpleng babae lang si Ciara na may pangarap na maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. Nakipagsapalaran siya sa maynila para hanapin ang dating pinagtatrabahuhan ng kanyang nanay para pumasok bilang katulong. Pero paano kung may madidiskubre si...