CHAPTER 14

1.8K 51 11
                                    


---oOo---

NABIGO man si Aria na mapa-alis ang kaluluwang umaaligid sa bahay niya ay hindi parin siya nawawalan ng pag-asa. Lahat ay gagawin niya para lang sa katahimikan na inaasam niya. Gusto niya ay mawala na talaga ng tuluyan ang kaluluwang nananahanan sa bahay niya. Sinabi sa kaniya nina James na hindi raw kaya ng mga ito na mapaalis ang naturang kaluluwa dahil sa malakas ito. Kailangan daw ay isang exorcist ang pumuksa sa kaluluwang iyon at doon na nga sinabi sa kaniya ni James ang taong makakatulong sa problema niya. Si Father Alvarez. Isa raw itong pari na nagtataboy ng mga masasamang kaluluwa. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Pupuntahan niya ito sa kumbento na sinasabi ng mga ito.

Ang isa pa nilang sasakyan ang gagamitin ni Aria na nakaparada lang sa kanilang garahe. Minsan lang nila ginagamit iyon dahil madalas ay iyong kotse na dinala ni Miguel ang ginagamit nila para pumunta ng Laguna kung bagay reserba lang ito kung sakaling magloko ang isang sasakyan. Papasok na sana si Aria sa naturang sasakyan nang makalimutan niya ang susi ng sasakyan. Naalala niya na nasa loob pala iyon ng drawer niya. Kailangan muna niyang balikan iyon sa kwarto niya. Agad siyang bumalik sa loob at nadatnan niya sa may salas si Aling Rosa habang nakikipaglaro sa anak niya.

“O, bakit po kayo bumalik? May naiwan ba kayo, ma’am Aria?” tanong nito sa kaniya.

“Naiwan ko kasi ang susi ng sasakyan ko. Sandali lang at kukunin ko lang muna.” pagkasabi niya niyon ay agad naman siya pumanhik sa may kwarto niya. Papasok na sana siya sa pinto ng kwarto niya nang mapansin niya na bahagya iyong naka-awang. Hindi ba niya iyon nasarado ng maayos? Sanay naman siya na hindi in-lock ang pinto ng kwarto niya pero ang makalimutan na isarado iyon ng maayos ay mukhang imposible yata.

Hindi na pinansin iyon ni Aria dahil sa pagmamadali niya. Pumasok na siya sa kwarto niya at binuksan ang drawer kung saan nakalagay ang susi na hinahanap niya. Nang mabuksan na niya iyon ay kumunot ang noo niya nang mapansin niya na mukhang wala sa ayos ang mga gamit niya roon. May pumasok ba sa kwarto niya? Imposible naman iyon. Wala namang nababanggit si Aling Rosa na maglilinis ito sa kwarto niya. Baka nga naglinis ito at nakalimutan lang nitong ipaalam sa kaniya.

Nang makuha na ni Aria ang susi ay agad naman siyang lumabas ng kwarto niya.

---oOo---

TAGAKTAK na ang pawis at pinipigilan ni Ciara ang gumawa ng ingay habang nagtatago sa ilalim ng kama ng kwarto ni Aria. Nang makarinig kasi siya ng nga yabag ng paa kanina ay mabilis siyang naghanap ng pwede niya matataguan at doon siya dinala ng mga paa niya sa ilalim ng kama ni Aria. Mainiit sa ilalim niyon pero tinitiis lang niya. Hindi pwedeng mahuli siya ni Aria dahil kapag nangyari iyon ay hindi na niya magagawa pang matulungan si Anna. At ang masama pa roon ay baka palayasin siya ni Aria nang wala sa oras.

May kinuha lang si Aria sa drawer nito at agad naman itong lumabas ng kwarto nito. Bakit ba kasi agad siyang pumasok agad. Bakit hindi muna niya sinigurado kung naka-alis na ba talaga ito? Nang wala nang may maramdaman na yabag si Ciara ay lumabas na siya sa pinagtataguan niya. Mukhang mahihirapan talaga siyang mahanap ang karugtong ng diary ni Anna pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa!

Maingat na lumabas na ng kwarto si Ciara at bumalik na ng kwarto niya para maligo. Baka maghinala na sa kaniya si Aling Rosa na ang tagal niyang maligo.

---oOo---

SA isang malaki at lumang kombento napadpad si Aria. Pumasok siya at itinanong kung doon nga ba nagsisilbi si Father Alvarez at hindi nga siya nagkamali. Dinala siya ng isang madre sa maliit na opisina nito. Doon ay nadatnan niya si Father Alvarez habang nagbabasa ng bibliya. May edad na ang naturang pari dahil sa puro puti na ang buhok nito. Nang makita siya nito ay ibinaba nito ang naturang bibliya.

KABIYAK (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon