-CHAPTER 7-

2.5K 69 0
                                        

NOTE: Pasensiya na po dahil medyo natagalan ang pag-update ko sa story na 'to. Medyo nawala lang kasi ako ng konti sa flow ng story. But, Fortunately ay unti-unti ko na pong naayos ito. Enjoy reading!


---oOo---

"SINONG nagsabi sa'yo na paki-alaman mo ang mga gamit ko!" napaigtad si Anna sa kanyang kinauupuan ng marinig niya ang sigaw na iyon ng kakambal niya. Kasalukuyan siyang nasa harap ng salamin habang sinusubukan nito ang make-up na nakuha niya sa drawer sa mga gamit ni Aria.

   Malalaki ang hakbang na nilapitan siya nito at walang pagdadalawang isip na sinabutan siya nito. Natumba siya nang mawalan siya ng balanse dahil sa lakas ng paghatak sa kanyang buhok ng kakambal niya.

   Mabilis na lumipas ang apat na taon at ngayon ay kapwa na sila dise-otso pero hindi parin nagbabago ang pakikitungo sa kanya ng kakambal niya. Mas lalo pa nga itong naging masama habang tumatagal. Katulad na lamang ngayon. Sinubukan lang naman niya ang tinatawag na make-up ng kakambal niya. Gusto niya rin kasing subukan iyon. Nakikita niya kasi na kapag gumagamit niyon ang kakambal niya ay mas lalo itong gumaganda. Gusto niya ring maging katulad nito. Gusto niyang maging magkamukha sila ng kapatid niya.

   "Gusto ko lang namang subukan, ate. Gusto ko lang namang maging maganda katulad mo." umiiyak na turan nito. Marahas naman binitawan ng kakambal niya ang mahigpit na pagsasabunot nito sa kanyang buhok.

   "At sino naman ang nagsabi sa'yo na magiging magkamukha tayo kapag gumamit ka ng mga iyan! Ni hindi mo nga alam kung paano gamitin ang mga iyan, pakialamera!" galit na bulyaw nito.

   "Bakit ganyan ka sa akin, ate... Imbes na ibahagi mo ang mga iyan sa akin na kakambal mo ay ipinagkakait mo." Tuluyan nang naglandas ang mga luha sa pisngi ni Anna. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang galit sa kanya ng kapatid niya. Wala naman siyang may ginagawa rito. Pilit naman niyang iniintindi ang kasungitan nito pero hindi parin ito nagbabago. Simula pa ng mga bata sila ay palagi na niya itong ipinagbibigyan dahil umaasa siya na baka isang araw ay magbago ang kakambal niya. Na matatanggap siya nito bilang isang kapatid.

   "Hindi mo ako madadala sa pag-iinarte mo! Kahit kailan ay hindi ko matatangap na kapatid kita! Wala akong kapatid na sisinto-sinto!" Ngayon ay alam na niya kung bakit ayaw talaga sa kanya ng kakambal niya. Hindi kasi nito matanggap na may kapatid siyang katulad niya na may sakit sa pag-iisip.

   Tigang ang luha na iniwanan siya ng kakambal niya. Ibinagsak pa nito ang pinto nang lumabas ito.

___•••___

   "HINDI ba't sabi ko sa iyo na 'wag mong paki-alaman ang mga gamit ng kakambal mo?" Malungkot na turan ni Sabel kay Anna habang pinapatahan siya nito sa kanyang pag-iyak. Kanina kasi nang pumasok ang yaya Sabel niya siya sa kwarto niya ay nadatnan siya nitong umiiyak. Agad naman siya nitong dinaluhan. Nang itanong nito sa kanya  kung bakit siya umiiyak ay ay sinabi niya rito na sinaktan siya ng kakambal niya dahil pinaki-alaman daw niya ang mga gamit nito.

   "Hiniram ko lang naman, e. Wala naman akong balak na nakawin iyon sa kanya. Sinubukan ko lang naman kung gaganda rin ako katulad ni ate Aria. Nakita ko kasi siyang gumamit niyon minsan at nakita kong mas lalo pa siyang gumanda." parang bata sa turan niya.

   "Kahit na Anna. Hindi mo na sana pinaki-alaman ang mga gamit niya. Alam mo naman 'yong kambal mo. Hindi niyon gusto na pinapaki-alaman mo ang mga gamit niya."

   "Ang sabihin niya madamot siya!  Hindi siya mapagbigay!" galit na turan ni Anna. Makikita sa kanyang mukha ang galit ng ginawa sa kanya ng kakambal niya.

KABIYAK (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon